LDR19 - Kissing Monster

325 6 0
                                    

Daniel's P.O.V.


April 21. 1pm


One week na simula nung nakauwi kami galing sa Pampanga. Medyo marami ding nagbago simula nung nakasama si Vanessa sa barkada. Naging mas magulo at masaya kami. Si Miles? Mukang okay naman sya. Parang walang masyadong nagbago. Close parin sila ni Lester. Medyo naging close na dn sila ni Vanessa. Ayun nga, medyo marami na ata akong sinasabi. Hahaha!

Nandito ako ngayon sa Agency na pinag-aapply-an ko ng OJT. Kakatapos lang ng interview ko. Mukhang naging maayos naman ang final Interview. Next week malalaman ang resulta. Kung nakapasa ako o hindi. Sa totoo lang, hindi ko alam kung gusto ko ba o ayaw kong pumasa sa Interview na 'to. Syempre gusto kong makapasa kasi ito naman talaga ang gusto ko. Ayaw ko kasi magkakalayo nanaman kami ni Kath. Ang gulo no? Hay. Basta, ano man ang maging resulta nito, tatanggapin ko. Kakayanin ko...

Napatingin ako sa relo ko. 1pm na din pala. Pupunta pa ako kla Kath. Usapan kasi namin sabay kaming kakain ng Lunch. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Kath.

--

To: Kathryn Ko

Baby, kakatapos lang ng Interview ko. Sorry ngayon lang ako nakapagtext. Punta na ako jan sa inyo. Una ka na kumain okay? I love you.

*sent!*

--

Tinago ko na ang cellphone ko sa bulsa ko at lumabas na ng building. Dumiretso na ako sa Parking Lot. Nagdala kasi ako ng sasakyan. Hassle kasi mag commute. Mahigit isang oras din ang byahe mula sa Agency hanggang sa Subdivision namin. Buti nalang at walang traffic ngayon.

2:30pm na. Nakarating na ako kla Kath. Pinarada ko na yung sasakyan ko sa garahe nla Kath. Wala parin kasi sla Papa kaya walang sasakyan. Pagka parada ko ng sasakyan pumasok na ako sa bahay. Buti nalang binigyan ako ni Mama Min ng susi. Naka lock yung pinto eh.

Pagpasok ko ng bahay bumungad sa akin ang isang magandang binibini na natutulog sa Couch ng Sala. Lumapit ako sa kanya at hinawi ang buhok na tumakip sa mukha nya. Lumuhod ako sa tapat nya at hinalikan sya sa noo. Tumayo na ako at pumunta sa kusina. Kumuha ako ng tubig at uminom. Pagtingin ko sa lamesa may 2 platong nakalagay dun at mukhang hindi pa bawas ang pagkain na niluto ni Kath.

"Baby?" rinig kong sabi ni Kath.

Lumabas agad ako ng kusina at pinuntahan sya.

"Di ka pa kumakain?" tanong ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin habang kinukuskos yung mata nya.

"Di pa." sagot nya sa akin.

"Bakit di ka pa kumain kanina? Mag-aalas tres na oh." sabi ko sa kanya at pinakita yung relo ko.

"Nakatulog kasi ako habang hinihintay kita eh." sabi niya sa akin.

"Tara na. Kain na tayo." sabi ko at dahan dahang hinila yung kamay nya. Sumunod naman agad sya sa akin.

Pagdating sa kusina agad umupo si Kath sa upuan sa may dining table. Kinuha ko yung plato sa kabilang side ng table at nilipat un sa tabi ni Kath at dun ako umupo.

Kumuha na si Kath ng kanin at ulam. Napansin ko na ang konti nung kanin nya.

"Ang konti mo naman kumain." sabi ko sa kanya at nilagyan pa ng kanin ung plato nya.

"Uy! Tama na. Tumataba na nga ako eh." Sabi niya at nagpout.

"Nakikita mo ba yang katawan mo? Ang payat payat mo kaya. Nasaan ang taba jan? Sa pisngi ata napunta lahat eh. Siopao." sabi ko at pinisil yung pisni nya.

Long Distance Relationship (KN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon