LDR Chapter 12Kathryn's P.O.V.
April 10. 9am
Nandito kami ngayon sa bahay ni Miles. Kasama sila Seth, Lester, JC, Katsumi at Anikka.
"Nasan ba si J?" tanong sa akin ni Seth.
"Nambababae." sabi ni JC
Tinignan ko naman siya ng masama.
"Joke lang ate Kath! Sinamahan niya kasi si Lelay sa Dentist. Iyak kasi ng iyak kagabi masakit daw yung ngipin. Eh hindi naman masamahan ni Mama si Lelay dahil may meeting siya ngayon kaya nagprisinta si Kuya na siya na ang sasama kay Lelay." paliwanag ni JC
"Kaya pala." sabi ni Katsumi
"Guys tulungan niyo naman ako." sabi ko sa kanila.
"Anong gagawin ba?" tanong ni Lester
"Malapit na kasi yung Birthday ni DJ. Tulungan niyo naman ako isurprise siya." sabi ko sa kanila
"Parang nangyari na 'to ah..." sabi ni Seth.
"Nangyari na nga. Pero si DJ nun ang humihingi ng tulong sa atin nun." sabi ni Miles
"Anong plano ba girl?" tanong ni Anikka
"Ipaghahanda mo si kuya? Kasama yung ibang kaibigan pa niya?" tanong ni JC
"Nope. Nagawa na ni DJ yun eh." sabi ko sa kanila
"May naisip ka na ba na pwedeng gawin?" tanong ni Lester
"Meron na." nakangiti kong sabi
"Ano yun teh?" excited na tanong ni Miles
"Susurprisin natin si DJ exact 12mn." sabi ko
"Yan! Yan ang di pa nagagawa ni DJ!" sabi ni Lester
"Kaya nga gagawin niya diba?" sabi ni Miles.
"Sabi ko nga." sabi ni Lester
"Pero may twist yung surprise na yun." sabi ko naman
"Exciting! Anong twist naman yun?" tanong nila sa akin.
"You'll find out soon." sabi ko sa kanila.
-----
Daniel's P.O.V.
April 10. 5pm
Kakarating lang namin ni Lelay sa bahay. Nagpabunot na siya ng ngipin. Natutulog na dn si Lelay.
"Manang aalis po muna ako. Pakibantayan nalang si Lelay. Natutulog pa sa taas eh." paalam ko kay Manang
"Sige anak. Dito ka ba maghahapunan?"
"Baka po hindi na. Sige po alis na ako." sabi ko at lumabas na ng bahay.
Naglakad nalang ako papunta kla Kath. Exercise to!! Hahaha.
Pagdating ko sa tapat ng bahay nila Kath nakita ko siya sa labas ng bahay nila. Nakaupo lang siya sa may malaking bato at tulala siya.
Naglakad ako palapit sa kanya at parang napansin niya ako kaya tumayo na siya.
"Hi Baby!" bati ko sa kanya
"Hello." matamlay nyang sagot
"Okay ka lang ba baby?" sabi ko at lumapit ako sa kanya.
Nagulat ako nung bigla siyang nahimatay. Buti nalang at nasalo ko sya.
"Kathryn... Kath... Gising." sabi ko at tinapik tapik yung pisngi niya. Pero balewala.
BINABASA MO ANG
Long Distance Relationship (KN)
Fanfic"Distance means so little when someone means so much."