LDR17- FUN

408 6 0
                                    

LDR Chapter 17

-NEXT DAY-

Daniel's P.O.V.

Kasalukuyan kaming nasa dining area at kumakain ng breakfast.

"Seth, san ba yung sinasabi mo? Sandbox ba yun?" tanong ni Miles

"Oo, sa Sandbox. Medyo malapit lang yun dito. Sa Porac, kabilang bayan lang yun." sagot ni Seth.

"Gaano katagal ang byahe?" tanong ni Katsumi

"30 minutes lang siguro."

"Sige, tara na? Tapos na ba kayong lahat kumain?" excited na aya ni Katsumi.

Lumabas na kaming lahat ng bahay at sumakay na sa van. Ganito ang arrangement namin.

DRIVER--

MILES-ANIKKA-SETH

AKO-KATH-LES

KATSUMI-JC

Tahimik kaming lahat sa byahe.

"Nakakapanibago naman." sabi ni Anikka

"Bakit?" tanong ni JC

"Bakit ang tahimik ni Lester? May problema ba yan?" tanong ni Anikka

Napalingon naman ako kay Lester. Nakasandal lang siya at nakapikit.

"Baby, diba nagusap kayo kahapon ni Les? Anong napagusapan nyo? May problema ba siya?" bulong ko kay Kath.

"Hayaan mo nalang muna sya baby. Ayoko na sa akin manggaling kung ano man yung pinoproblema nya. Hintayin nalang natin na siya ang magsabi." Bulong nya din.

"May problema ba sila ni Miles? Parang kahapon simula nung pauwi pa sila hindi naguusap eh. Hindi na din masyado nilalapitan ni Lester si Miles."

"Sabihin nalang natin na involved si Bes sa pinoproblema ni Les. Yun lang yung masasabi ko ngayon. Quiet muna ako." sabi nya at umaktong zinipper nya ang bibig nya.

"Meron ba kaming hindi alam?" sabi ni JC na nakatingin sa amin ni Kath

"HA?" sagot namin ni Kath

"Problema neto?" sabi ni Katsumi na tinuro si Les gamit ang nguso nya.

"You'll find out soon." sabi ni Kath.

"Ganyan kayo. Akala ko ba barkada walang secret na ganyan. Diba bro?" sabi ni Katsumi kay JC.

"Oo nga bro." at nagfist bump sila.

"May mga problema kasi na minsan dapat sarilihin mo muna. Sasabihin din naman sa atin ni Les. Hayaan nalang muna natin siya mag isip isip at solusyonan nya ang sarili nyang problema." sabi sa kanila ni Kath. Napatango nalang sila JC at Katsumi.

"We're here!!" sigaw ni Katsumi

"Putek!" sigaw ni Lester. Paano nagulat siya.

"Problema mo Giri?" tanong ni Miles

"Wala." sagot ni Lester.

Bumaba na kami at pumunta sa entrance.

"Libre ko na kayo!" sabi ni Seth.Nagpunta siya sa may cashier at bumili na ng tickets.

"Ito na tickets nyo. Hiwahiwalay muna tayo ha? By Partner gusto nyo?" sabi ni Seth at inabot sa amin ang tickets.

"Gusto mo lang solohin si Anikka eh." pang aasar ni Katsumi kay Seth.

"Sige, by partner nalang." sabi ko naman.

"Isa pa to." sabi ni JC

"Sama sama nalang tayong Apat." sabi ni Miles. Naramdaman nya sigurong wala sa mood si Lester.

Long Distance Relationship (KN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon