LDR Chapter 10
Kathryn's P.O.V.
Almost 1 na nung nalaman ko yung totoo. Almost 1 week narin hindi nagpapakita o nagpaparamdam sa akin si Daniel.
Kinausap ako ni Nadine. Sinabi niya sa akin ang lahat lahat. Humingi rin siya ng tawad sa lahat ng nagawa niya sa akin. Pati sa gulong nangyayari sa Relasyon namin ni Daniel. Hindi naman ako ganun kasama. Pinatawad ko agad siya. Kasi kita ko naman sa kanya na sincere siya sa paghingi ng tawad...
"Anak, ready ka na?" tanong sa akin ni Mama.
"Opo, Mama."
Kasalukuyan kaming nasa byahe ngayon. Papunta sa SMX Convention Center. Ngayon na yung last day ng WOFEX. Ngayong araw din yung Cooking Competition na sinalihan ko.
"Good Luck bes! Kayang kaya mo yan!" Sabi sa akin ni Miles. Nginitian ko naman siya.
Maya maya ay dumating na kami sa SMX. Pinatawag agad kami sa loob ng SMX. Meron daw kasing meeting bago ang Competition.
Kailangan namin magluto ng Main Dish na Isaw ng manok ang main ingredients. Binigyan kami ng 5 minutes para kumuha ng Ingredients at 1 hour naman sa pagluluto.
Pinapunta na kami sa kanya kanya naming Stations. Tumingin ako sa Paligid. Hinahanap ko sila Mama. Nandun lang pala sila sa pinakaharap nakapwesto. Kitang kita ko sila. Nandun si Mama, Papa, Miles, Mommy Karla, Lelay, Seth, Lester, JC at Katsumi. Wala si Daniel :(
Maya maya nagsalita na ang host.
"Chefs, you may get your Ingredients. Your timer starts, NOW!"
Pumunta agad ako sa Market place at kumuha ng Basket. Kumuha ako ng bigas, bawang, sibuyas, fresh tomato, canned tomato, tomato paste, chorizo, fresh basil, fresh tarragon, butter, oil, salt, pepper, paprika at chicken stock. Bumalik na ako sa station ko at nilapag lahat ng kinuha kong ingredients. Tinignan ko kung may kulang pa pero wala naman na.
"Time is up!" Sigaw nung host.
"Is everyone ready?" Tanong ng isang Chef na isa rin sa mga Judges.
"Yes, Chef!" sagot namin
"Okay. You have 1 hour to cook. Your timer starts, NOW!"
Nilagay ko agad yung Chicken Stock sa stock pot at pinakuluan ito. Hinugasan ko yung isaw at pinakuluan yon sa hiwalay na stock pot na may tubig at asin. Hiniwa ko na yung iba pang Ingredients. Nung nangalahati na yung Chicken Stock pinatay ko na ang apoy at naglagay ako ng isang Pan. Nagsauté ako ng Bawang at Sibuyas sa pan na may Oil at butter. Nung nagcaramelize na yung bawang at sibuyas nilagay ko na ang Chorizo at yung isaw ni Pinakuluan ko. Nilagay ko na din yung Fresh tomato, canned tomato at tomato paste. Tinimplahan ko dn ng Salt, Pepper at Paprika yung mixture. Hininaan ko ang apoy at binuksan ang kalan sa kabila. Naginit ako ng pan at tinunaw yung butter. Nung natunaw na yung butter pinatay ko yung apoy at nilagay yung bigas dun. Nung na-coat na lahat ng bigas ay binalikan ko na yung isa ko pang niluluto. Nagdry na ito kaya pinatay ko na yung Apoy. Kinuha ko yung maliit na rice pot at nilagay dun yung bigas at yung isaw mixture ko. Nilagay ko na n yung Chicken Stock at tinakpan ito ng katsa at foil. Binuksan ko na yung kalat at sinalang yung rice pot ko.
Tinignan ko yung timer. Meron pang 35 minutes. 30 minutes lang ay luto na yung sa akin. Medyo hininaan ko yung apoy para hindi masunog yung kanin.
Tumingin ako kila Mama at nakangiti sila sa akin na naka thumbs up pa. Ngumiti naman ako. Nakita ko sa tabi ni Papa si DJ na may hawak hawak na Cartolina. Nakatingin siya sa akin at nakangiti.
![](https://img.wattpad.com/cover/14243194-288-k381229.jpg)
BINABASA MO ANG
Long Distance Relationship (KN)
Fanfiction"Distance means so little when someone means so much."