LDR21- Tampuhan Part 2

334 7 1
                                    

--
--
--
--

Daniel's P.O.V.


Nakunsensya naman ako sa pagsigaw ko sa kanya. Nagmadali akong bumaba at kinuha ang susi ng sasakyan ko. Nagdrive ako papunta sa kanila. Ilang bahay mula kla Kath, natanaw kong may kayakap syang lalaki. Bigla akong napahinto.


Pinaharurot ko ang sasakyan ko palayo sa bahay nila Kath. Pero bigla akong napahinto. Sino ba yung lalaking yon? Hindi ko dapat hayaan na makasama nya si Kath. Ako lang dapat, ako lang.

Pinaandar ko pabalik kla Kath ang sasakyan ko. Huminto ako sa tapat ng bahay at nandun parin sila. Bumaba ako sa sasakyan at mukhang nagulat si Kath nung nakita nya ako. Nilapitan ko sila at hinawakan si Kath sa bewang.

"Baby, sino sya?" tanong ko kay Kath.

"Dominic Pare. Fiancé ni Kathryn." sabi niya at nilahad ang kamay nya.

Napatingin naman ako kay Kath. Mukhang nagulat din sya sa sinabi nung Dominic. Tinignan ko ng masama si Dominic.

"Hahahaha! Epic ng reaksyon mo pre! Joke lang un, pinsan ko si Kathryn." sabi niya at pinagtawanan ako.

"Pagpasensyahan mo na yan ha? Siraulo talaga yan eh." sabi ni Kath.

"Sorry bro. Joke lang yun, wag ka masyadong seryoso." sabi niya at nag peace sign.

"Sige, una na ako ha? Mukhang may kailangan kayo pag-usapan eh." sabi niya at umalis na.

"Bakit ka nandito? Akala ko ba matutulog ka?" sabi niya at naglakad papasok ng bahay. Sinundan ko naman sya.

"Nawala antok ko eh." sabi ko at pumasok na kami sa bahay nila.

"Okay." sabi niya at umakyat na sa kwarto nya.

Sinundan ko sya sa kwarto nya. Pagpasok nya sa kwarto mabilis akong pumasok.

"Bakit ka pumasok sa kwarto ko?" inis nyang sabi.

"Gusto ko eh." sabi ko at humiga sa kama nya.

"Bakit ka humiga sa kama ko? Umuwi ka na nga sa inyo. Dun ka mahiga sa kama mo." pagsusungit nya sa akin.

"Baby naman eh." sabi ko habang nakatingin sa kanya habang nakahiga parin ako sa kama nya.

"Ano?" sabi niya sa akin.

Pumasok na sya sa CR at mukang magbibihis sya. Nanatili akong nakahiga sa kama nya.

Maya-maya ay lumabas na dn sya. Naka-white tshirt sya at shorts. Umupo sya sa dulo ng kama at nagtali ng buhok.

"Baby. Sorry na." sabi ko at niyakap sya mula sa likod.

"Ano bang problema mo? Kanina pumunta ako sa inyo para suyuin ka pero hindi mo ako pinapansin. Nun namang umalis ako sinundan mo ko." sabi niya ng hindi tumitingin sa akin.

"Mas gusto ko kasi ung ako ang sumusuyo sayo. Sorry na baby. Sorry kung nasigawan kita kanina..."

"Sorry na baby. Wag ka na magtampo." sabi ko habang nakayakap padin sa kanya.

"Nakakainis ka naman eh." mahina nyang sabi.

"Sorry na po. Sorry. Sorry. Sorry." sabi ko at hinalikan sya sa pisngi ng tatlong beses.

Napalingon naman sya sa akin at nakita kong napangiti sya.

"Bati na tayo ha? Sorry na baby." sabi ko sa kanya.

"Hay, ano pa nga ba? Hindi naman kita matiis eh." sabi nya at tumingin sa akin.

"Hay salamat. Sorry ulit. Tulog na tayo baby." sabi ko at hinila sya pahiga sa kama.

"Huy! Ano ba? May kama ka sa bahay nyo. Dun ka mahiga at matulog wag dito sa kama ko." sabi niya at pilit inaalis ang kamay ko na nakahawak sa kamay nya.

"May kama nga ako dun, wala namang Kathryn. Mas gusto ko dito sa kama mo. Katabi kita." sabi ko at niyakap sya ng mahigpit.

"Yakap na masikip para sa baby kong mahal na mahal ko!" sabi ko habang niyayakap sya ng mahigpit.

"Hay nako." kunwaring walang gana nyang sabi pero niyakap nya naman ako pabalik.

"Kunwari pa ayaw, niyakap din naman ako." pang aasar ko sa kanya.

"Tigilan mo ako panget. Inaantok na ako." sabi niya habang nakasubsob sa may bandang dibdib ko.

"Tulog ka muna baby." sabi ko at hinimas ang buhok nya.

"I love you." bulong nya.

"I love you too." sabi ko at hinalikan ang buhok nya.


*****

Sorry super duper late update! :(


-tellepineda

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Long Distance Relationship (KN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon