Chapter 12 (PUSTAHAN)

187 6 9
                                    

Ayun oh.Umaasenso na tayo. HAHA

Salamat ulit kay Cyrilyn para dun sa BOSSINE :))

Join po kayo sa GROUP sa facebok.

“Team Imaginary/Reduce 62.8”

Yun po yung name :)) Welcome po kahit sino :))

Siya. ENJOY reading po..

-------------------------------------------------

“BITAWAN MO SIYA!!!!!!” Hay. Buti naman may taong nagmalaskit. At hayun umalis na nga ang 3 bruha at nawala na na parang bula. Natakot siguro sa nagsalita.

Pero sino ba nga ba siya?

“IKAW????!!!”  Nabigla ako sa nakita ko. Hindi ko ito inaasahan pa.

Anong ginagawa niya dito?

Namamalikmata lang ba ako?

Alam kong hindi to totoo.

Nanaginip ba ako? Paki sampal nga ako.

PAAKKK!!!!!!

“AW!” Sigaw ko. Sinong walanghiyang nanampal sakin?

“Ano ba problema mo?” Nakalapit na pala siya sakin. Bakit bigla na lang niya ako sinampal. Wala siyang karapatan ako pa nga dapat sumampal sa kaniya sa kabila ng lahat ng ginawa niya sakin.

“I just granted your wish” HA? Anong wish ang pinagsasabi niya?

“Anong wish? “ Litong lito kong tanong.

“Nababasa ko ang nasa isip mo. “ So ganun na lang? Ganun na lang talaga yun? Kapal nito ha? So kailangan ko pang magpasalamat?

Ayoko na palang mag isip ng sampalin ako. Tinototohanin eh.

“Pwes, mali ka ng iniisip mo. Wala ka pa ring pinagbago. Walang modo at napakabastos mo!” Deretso kong sabi. Hindi niya lang alam kung gano kalaki ang galit ko sa kanya.

“Alam kong galit na galit ka sa akin. Pero pakinggan mo naman ako. Handa akong magpaliwanag.” Pagmamakaawa niya sakin.

Magpaliwanag ka sa tatay mong kalbo.

“Para ano pa? Ang paniwalaan mo na naman ako sa lahat ng kasinungalingan mo? HA? Oo alam kong walang taong magseseryoso sakin at magmamahal ng tapat. Sino ba namang magkakagusto ditto sa mukhang drakulang katulad ko?”

“Mali ka ng iniisip mo. Pls. Pakinggan mo naman ako”

“Ewan ko sayo. “ Paalis na sana ako ng pigilan niya ako.

“MAHAL KITA”

PAAAKKKK!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Ah. Nasalo mo ha? Boy scout laging handa!

“Ayoko ko sa lahat sinungaling”

PAAKKK!!! Anong???

HA? Nasalo na naman niya. Kung handa ka? Pwes madiskarte ako.

“Dapat kasi mabura ka na sa mundong itooo!!!!!!!!!!”

Akma kong sasampalin pero dahil mukha yatang catcher yata siya ng sampal, siyempre hindi ko tinuloy at sa halip na sampalin, tinadyakan ko ang kanyang pagkalalaki. WAHAHAHA! Mas masakit yun for sure. Napapala ng mga PAASA!

Naglakad na nga ako palabas ng room. At sama ng pakiramdam ko. Feeling ko may tinik yung puso ko. Take note. Hindi lang tinik, yung feeling na hubad ka tapos nadapa ka sa maraming maraming CACTUS ganun! Ganun kasakit.

Imaginary YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon