msb2

440 6 0
                                    

Habang sila ay nagmemerienda ay napa-isip siya tungkol sa sinabi ni Andrea.

Ashley: ( bakit kaya biglang nginitian ako ni Kent?... haissst!. Bat ko naman yon poproblemahin?... sadyang maganda lang ako para marealize na ako ang bagay sa kanya.. pero bakit sila pa rin?urggghhh… Ayokong paniwalaan ang walanmg silbing sabi ni Andrea.. Madaldal lang talaga yon at kung anu-ano na ang naimbentong kwento..)

Natigilan siya sa pagsasalita at hindi niya rin na iintindihan kung ano ang tinatanong ng kanyang mga kaibigan. Dahil ang atensiyon niya ay kinuha ng isang lalaki na mala Adonis ang tindig ng katawan.. at halos perpekto ito.. Tila radio na biglang nag-silent mode sa pandinig niya ang mga ito nang makita niya ang lalaking lumampasa sa kanila… Si Kent, ang kanyang irog!

Kung may isang lalaki man gusting- gusto niya niya noon pa man, iyon ay walang iba kundi si Kent Arellano. He was the epitome of a Tall, fair and handsome guy.

Ashley: Hi kent. Nakangiting bati niya ditto.

Lumingon si Kent sa kanya at bahagya lang itong tumango bilang pag-acknowledge. At lumakad na itong linampasan ang grupo nila.

Sandra: Snubbed again Ashley? Magkahalong biro at panunuya na tanong nito.

Ashley:  Tinaasan niya itong ng isang kilay . Who cares? He will notice me soon. Aniya, sakaparang walang anuman nagpatiuna sa paglalakad na tila bali wala sa kanya ang hindi pagpansin ni Kent.

Nang hindi na ng mga kaibigan niya ang mukha niya, Hinayaang maging visible sa mukha niya ang nararamdamang paninikip ng dibdib.

WHO CARES? Gusto niyang pagtawanan ang sarili sa kaipokratihan. Of course she cared about Kent and how he treated her. Pero mamamatay muna siya bago niya aminin sa kahit sinuman na nasasaktan siya. Over her dead gorgeous body.

Ilang araw nang di niya nakita o nakasalubong man lang si Kent sa kanilang campus. Nag ngingitngit ang kanyang kalooban. Di maiwasang isipin nag magkasama si Kent at ang ipis niya nobya.

Ilang hakbang na lang ang layo nila sa classroom nang makita niya si Kent na  nasa mahabang bench ito kasama ang mga kaibigan na masayang nagkukwentuhan at nagtatawanan. Napatingin siya sa babaeng katabi nito at napataas ang isang kilay niya nang makilala kung sinong kutong lupa ito. Nakita niya na magkahawak kamay ang dalaw. Bigla siyang napahinto sa paglalakad. Muntik na bumangga ang likod niya kina Sandra at Andrea.

Sandra: Hey! Be careful .  What’s your problem? Bat bigla kana lang huminto Ash?

Hindi niya sinagot ang kaibigan. Nagsalubongang mga kilay niya sa nakita.

Andrea:  Sino yan? Sabay tingin kay Kent at sa impaktang ipis.

Sandra: She’s Loren, Kent’s  current girlfriend and also the newest member of swimming team.

Andrea: Ah.. siya pala ang tinutukoy niyong Loren.. . Ang panget..Wag kang mag-alala Ash..walang panlaban yan sayo. Kahit patay na kuko mo sa paa ay walang ibubuga.. Ano ang nagustuhan ni Arellano diyan..? ee ang itim niya.. hahahahha

Cheska: dre… stop insulting her.. Ok? Maawa kanaman diyan.. ang Panget na nga sasabihan mo pang panget.. Hindi naman siya ganun ka pangit ah.. Pero medyo lang naman.. ^_^

Sandra: hahhaha BULLY…. Stop it guys.. we’re already late.

Walang kahit na anung salita ang lumabas sa kanyang bibig. Naninikip ang kanyang dibdib sa tuwing naaalala niya ang eksenang nakita kanina. Hindi sila Bagay, iyon ang palaging sinasabi niya. Naningkit ang mga mata at inaalala ang palaging sinasabi ng lola niya sa kanya. TO BE SUCCESSFUL, YOU MUST KNOW YOUR ENEMIES.

Habang nagkaklase sila ay distracted talaga siya. Mabuti na lang at naman niya ang talino ng mga Montero kaya kahit ganoong distracted siya ay hindi pa rin siya na huhuli sa klase.

Hindi pa rin mawala sa isip niya ang nakita. Walang pwedeng umagaw sa kanya kay Kent. Ilan na ang nagtangka at sumubok pero hindi nagtagumpayang mga ito. Napangiti siya.

Hindi na nalaman ni Kent kung bakit bigla na lang nagdrop-out sa school  ang dapat sana ay kapartner niya sa JS prom last year.n At lalong hindi nito nalaman kung bakit ni isa babae na dapat ay ka date nito ay hindi sumipot. And its because of her. Ilang beses na siyang nagtagumpay sa mga plano niya. Not even Loren Villaza can stop her. Napangiti na lamang siya.

Cheska: What are you smiling at?

Ashley: Nakataas ang isang kilayna tiningnan niya ito. Bakit masama na ba ang ngumiti ngayon? Don’t tell me may bayad pa?

Cheska: Duh? You just saw your one true love with another girl.

Ashley: She’s nothing. Kent will soon realize that.

Andrea: Which is? Sabad naman nito na sa kabilang tabi naman.

Ashley: Tiningnan niya ng diretso sa mata si Andrea. “He is MINE”.

Marrying a Spoiled BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon