msb10

316 5 1
                                    

Lumabas si Ashley ng isang clinic hawak ang isang envelope. Hindi niya na kailangang buksan at alamin kung ano ang iyon. Ang laman ng envelope ay ang paraan na lamang niya upang makuha si Kent. Kunuha niya ang cellphone sa bag at tinawagan si Kent.

Kent kailangan nating mag-usap- Ashley.

Ngayon na?

Yes, mariing sambit niya. Didiretso na ako sa Star Cafe. Doon tayo magkita. You know where that is?

Yes. Sa daan na rin naman ako. Doon na lang ako didiretso.

Okay. Bye

Napangiti siya sa kanyang binabalak. Tinawagan niya si Mang Pilo at binigyan nang instruction kung saan sila pupunta.

Nauna siyang dumating sa kanilang tagpuan dahil malapit lang naman ang Star Cafe. Hindi siya nainip sa paghintay dito dahil mayamaya lang ay nakita na rin niya naman itong papasaok. Naka T-shirt at jeans lang ito. Kahit anong damit yata rito ay bagay na bagay sa kanya. Tila na huhulaan na nito kung ano ang dapat nilang pag-usapan.

Susunduin ko sana si Loren sa bahay nila dahil may lakad kami ngayon. I had to cancel, aniya na ipinapahiwatig sa kanya na si Loren lang ang nasa buhay nito.

I'm pregnant Kent. Walang paliguy-ligoy na sabi niya rito.

Natahimik ito at namumutala. Nabigla ito sa sinabi niyang buntis siya.

Kent: Paanong nangyari yon?

Ashley: Anong klaseng tanong yan Kent?!

Kent: How can you be pregnant? Kahit anong isisp ko tungkol sa nangyari ay wala talaga akong maalala maliban lang sa nakatulog ako that night sa couch.

Ashley: May I remind you Mr. Arellano. Nagising tayo sa iisang kama at parehong hubad!. Mas na sasaktan ako dahil wala kang naalala. Alam mo ba yon ha? Kaya tinawagan kita dahil ikaw mismo ang nagsabi noon Kent! Hindi ako!. Fine... Kung ayaw mong maniwala ayan ...may iniabot itong envelope. Basahin mo kung alagang nagdududa ka.

Nanginginig ang mga kamay nitong kinuha ang mga papeles na nakalagay sa envelope. Parang natuklaw ito ng ahas nang mabasa ang nakasulat.

Kent, what are we gonna do?

Kent! say something please.... Kailangan mo akong tulungan. Sigurado akong pagnalaman ito ng lola ay papatayin niya ako!

Matagal bago nagsalita ito. Nag-iisip kung ano ang dapat gawin o sabihin sa kanya.

Kent: I guess .. Isa lang naman ang magiging solution, right? Magpakasal tayo. Halatang-halatang sa tono ng boses nito na napipilitan.

Lihim siyang napangiti sa sinabi nito. Kahit alam niyang napipilitan lang ito ay wala siyang paki-alam basta mapasakanya si Kent. Sigurado siyang kapag magkasama na sila ay matutunan siya nitong mahalin at magbabago ang pakikitungo nito sa kanya.

Hindi makapaniwala ang Mama ni Kent nang sabihin niya dito na buntis si Ashley at siya mismo ang ama. Muntik nang atakihin ito sa puso dahil sa malaking gulo na ginawa.

I'm so disappointed with you Kent. Hindi ako makapaniwalang nagawa mo ito!. Ang laki ng tiwala namin sayo ng Papa mo pero anong ginawa? Sinira mo.... Ang bata niyo pa para maging magulang sa inyong magiging anak. Paano na ang pangarap mo? Ang pag-aaralat career mo? And most of all what about the harvard Kent?

Naiintindihan niya niya ang ina kung magalit man ito sa kanya.He had always been a good son. Siya mismo ay di rin makapaniwala na nagawa niya rin yon. Nang ibigay ni ashley ang resulta sa kanya ay di niya alam kung anong dapat gawin. Pakiramdam niya ay pinagsukluban siya ng langit at lupa. He was only 18! Nagsisimula palang ang buhay.

Im sorry for hurting you ma. I'm sorry.. basag ang boses na sabi niya sa ina.

Tahimik lamang ang ama niyang nakikinig sa kanila. Alam rin niyang na disappoint niya ito. Mayamaya ay nagsalita ito.

Im proud of you Kent.Tinuruan ka namin ng mama mo na tanggapin ang responsibiliad na ibinunga ng nang pagkakamali. Ang alukin si Ashley ng kasal ay ang tamang pagpasaya na ginawa mo kaya kailangan nating harapin ang lola niya.

Oh my God, ang lola niya! ano na lamang ang sasabihin nito, ang tanging nasambit nang mama niya.

Binalingan siya ng ama niya. Kent tawagan mo si Ashley at sabihan mo na pupunta tayo sa kanila para makipag-usap sa lola niya.

Ngayon na po?

Sa lalong madaling panahon Kent. Ayon sa mga bali-balita ay masama kung magalit ang matanda. Baka kung ano ang gawin niya sa bata kung nalaman nito ang nangyari.

Marrying a Spoiled BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon