Msb22

162 1 1
                                    

Malawak ang lupang nakapalibot sa mansiyon lalo na sa likod nito na parang may isang napakalaking garden na sa gitna nito'y may artificial na falls na kung tingnan mo ay totoo ,pinagawa iyon ng kanyang lola noong buhay pa ito dahil ayon dito ay nakakarelieve nang stress na sa kadahilanan ay totoo naman...

Mukhang kulang na siya sa exercise. Dahil dalawang ikot palang ay hinahapo na siya. Huminto siya sandali at ilang minuto pinapatag ang paghinga niya nang marealize niya na hindi dapat siya huminto sa lugar na iyon because she was standing across the poolside. Dahil swimmer si Kent, iyon ang paborito nitong lugar sa mansiyon, especially noong galit ito sa kanya. Halos doon ito nalalagi para makaiwas sa kanya minsan na isip niya na parang may nakakahawang sakit siya na halos ayaw na itong tumabi o titigan man lang siya pakiramdam niya parang diring diri ito sa kanya.

Napaisip siya kung hanggag ngayon ay nag su-swimming pa rin ito. Fit na fit pa rin ito dahil talagang makikita mo sa hubog ng katawan nito. Bagaman bahagyang lumaki ang kaha ng katawan nito kumpara noon.

His build was more...

Manly even his face.

Guwapo parin naman ito pero walang nang trace ng boyishness sa mukha nito. Kent Arellano had matured into a beautiful man.

Subalit hindi lang siya natigatig sa pisikal na anyo nito nang makita niya ito.

At the same time nakadama din siya nang takot na lalong tumindi nang malaman niyang makakasama niya ito sa mansiyon sa loob ng ilang linggo.

Tama na, Ashley. Huwag mo itong gwain sa sarili mo. Wala nang magagawa si Kent na mas ikakasakit ng loobmo dahil naiparanas na niya sa iyo noon ang pinakamasakit na puwede mong maranasan sa tanang buhay mo, suway niya sa sarili.

Naalala niya ang naramdaman niya noong nagising siya sa isang hospital. Ang akala niya ay naroon ito at binabantayan siya. Marahil ay bunga lang ng panaginip niyanang maramdaman niya ang presensiya nito, ang mahigpit na hawak nito sa kanyang kamay at angmasuyong paghaplos nito sa kanyang mukha , dahil nang nagising siya ay wala ito sa tabi niya.

FLASHBACK

Umalis na siya Ashley, sabi nang kanyang lola.

Ito ang tanging kasama niya sa silid.

No! Hindi niya ako puwedeng iwan. Paano ang baby namin?

Wala na kayong baby. Nakunan ka, walang emosyong sabi nito sa kanya. Hindi man lang ito nag alok sa kanya ng comfort or awa.

Taposna ang lahat Ashley. Sana'y gamitin mo ang karanasang ito para ayusin ang buhay mo.

She thought she was going to go out of her mind. Pumunit sa loob ng silid ang malakas na sigaw...

End of flashback

Tumakbo siya nang mabilis na mabilis na para bang nasa likuran lang niya ang masasakit na alaalang iyon para hindi na uli siya malapitan o maapekguhan man lang.

Nang mahapo ay bumalik na siya sa loob ng mansiyon. Sa swimming pool entrance siya dumaan papasok.

Napatda siya nang mabungaran si

Kent

Nakatayo sa gitna ng sala. Nakatalikod ito mula sa kinaroroonan niya. Sa gilid nito ang ilang bags na hinala niya ay ang mga gamit nito para sa susunod na dalawang linggo.

Akala ko umalis ka na?

Marrying a Spoiled BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon