Lunes na naman at araw ng pasok. Parang tinatamad siyang pumasok dahil makikita niya lang si Kent at Loren lalong masisira ang araw niya. Pagkatapos nilang mag-usap sa kotse nito ay hindi na muli sila nagkita ni text ay wala siyang natanggap mula rito. Siguro ay nagkabalikan na nga ang dalawa. Masakit man isipin pero kailangan niyang lumaban kahit wala siyang pinanghahawakan. Kahit kunting pagmamahal siguro ay hindi nito magagawa sa kanya. Pero gagawin niya ag lahat mkuha lang ito.
Pagpasok niya sa school ay ganoon pa rin ang mga kaklase niya. Palagi siyang tinitingnan. Taglay niya ang lahat sa pag-aakala ng iba ay perpekto siya. Halos lahat ng lalaki ay ini-invite siyang magdate. Ngunit malaking NO ang nakukuha na sagot ng mga ito sa kanya. Ang iba naman ay gumagawa ng letter at iniiwan sa locker niya.
Naglalakad siya sa hallway nang makasalubong niya si Andrea.
Andrea: Hey ! nabalitaan mo ba?
Ashley: Na ano? -___-
Andrea: May bagong kaklase tayo. And guess?
Ashley: Guess what? Nakakairita ka na dre... Maraming satsat ka pa diyan.. Kung sinabi mo na lamang ito dirediretso mas mabuti pa.
Andrea: Yon nga.. Transferee siya at gwapo. Wala kang mapipintas sa mukha nito. Kinikilig na sambit nito.
Ashley: Ah .. okay... walang ganang tugon niya rito..
Andrea: Ganoon na lang? ni walang ka rea-reaksiyon?
Ashley: So anong gusto mong gawin ko? Magrea-act nang nakakaloka at parang tanga? Hindi ko pa nga yon nakita. Ni kuko sa daliri niya ay di ko pa nasilayan no.
Andrea: Mamaya makikita mo rin si Papa Paul... hahaha at ang balita ko ay seatmate mo siya. Si ma'am Perez kasi nag-assign ung saan siya uupo. ANG SUWERTE MO TEH!
Ashley: Whatever dre. I'm not interested. Tara na nga.
Pagpasok nila sa room ay tamang tama lang dahil magsisimula palang manalangin ang kanilang mga kaklase. Agad silang pina-upo dahil may ia-announce ang kanilang guro..
Class may bago kayong kaklase. Mr. Mendez pls. introduce yourself.
Ito pala si Paul na sinasabi ni Andrea.. Hmmmmnnn? gwapo nga makinis, mataas, tamang tama lang ang katawan, at bagay ang singkit na mata nito. Hindi niya na narinig ang mga sinabi nito dahil naging busy siya sa pagkilatis sa mukha nito at tindig. Nang tiningnan niya ito sa mga mata ay tsaktong nakatingin din ito sa kanya at nginitian pa siya nito. Siya ang unang nagbawi ng tingin dito. Baka isipin pa nito na gwapuhan siya.Pero sa totoo lang ay gwapo nga talaga ito. Pero mas gwapo ang Kent niya. ^_^
Napahinto siya sa pag-iisip nang may naramdaman siyang my umupo sa tabi niya. Si Paul! tama nga ang sinabi ni Andrea na magiging seatmate sila.
Hi !
Ayaw niya sanang kausapin ito ngunit parang pangit naman kung snub ang makukuha nito sa kanya.
Hello !
Paul: I'm Paul Mendez. And you?
Ashley: yeah.. I know .. nagpakilala kana kanina.. Hindi naman ako bingi para hindi marinig ang sinabi mo. I'm Ashley Arellano.
Paul: Napakamot sa batok ito. Sorry... ^_^ Nice name..
Ashley: Its Ok... Bat naisipan mo pang magtransfer i magtatapos na ang klase.. Last sem nalang at closing na.
BINABASA MO ANG
Marrying a Spoiled Brat
RomanceAko si Ashley Montero. Sexy, maganda at halos sa akin na ang lahat. Pero yon ang akala nila. Sa school spoiled brat at halos perpekto ang tingin nila sa amin. Lahat-lahat ng gusto ko ay nakukuha ko. Except kay Kent Arellano, EIS (ELITE INTERNSTIONAL...