msb5

335 5 0
                                    

Nagngingitngit na ibinagsak ni Kent ang pinto ng kotse niya. Naiinis siya sa kaintahan dahil ayaw talaga nitong makinig sa kanyang paliwanag kahit sinabihan na ito ng kaibigan niya na ito mismo ang ebidensiya.

Nang malayo na ang kinaroroonan nila kina Ashley ay bigla itong huminto at binitiwan ang kamay niya. Nakikita niya sa mga mata nito na nasasaktan ito.

FLASBACK

Loren, I already explained, di ba? Wala akong kasalanan don.

Malungkot na ngumiti ito at tiningnan siya sa mga mata.

My posibilidad na totoo ang sinabi mo Kent. Pero kitang kita ko na humalik siya sa iyo at di lang siya ang humalik, ikaw mismo ay gumanti rin ng halik Kent! Kung talagang kino-comfort mo lang siya. Bakit kailangan pa ng halik ha?!

Hindi siya nakaimik sa sinabi nito. Umalis ito ng walang pasabi man lang sa kanya.

Bakit nga ba niya ginantihan ng halik si Ashley? Dahil ba napkaganda niya haban nakaupo ito sa tabi niya kahit na may luhang umaagos sa makinis na pisngi nito? Dahil ba naramdaman niya na problemado ito at naaawa lang siya kaya niya nilapitan ito? O dahil hindi niya napigilan ang sarili sa mga imbetasyon sa mga mata at labi nito? Ang huling pinapipilian mismo ang ipinagkakagulo ng isip niya ngayon dahil sa isang halik. Sino ba talaga ang humalik? Si Ashley ba ang nagpasimula ng halik o siya ang tumawid sa distansya? Hindi siya sigurado sa mga sinasabi ngunit nararamdaman niya pa rin sa mga labi niya ang labi nito. Ang natandaan niya lang ay ang mainit at matamis na pakiramdam ng mga labi nito habang tumutugon sa mga halik niya sa paraang hindi niya pa nararanasan kahit kailan.

Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. He was a bit stunned. He could still tasten her lips on his. Damn! sabi na nga ba na hindi siya dapat lumapit dito. She and her friends were nothing but a trouble.

Bigla siyang napatigil. Naalala niya ang pangako rito na siya ang magiging escort sa debut nito. Pero pagkatapos ng nngyari kanina ay hindi niya alam kung magandang ideya pa ang pag-attend niya sa party nito.

Kinuha niya ang cellphone at tinext ito.

Because of what happened, I am no longer your escort and I wont come to your party, aniya sa mensahe at ipinadala iyon. Bahagya lang nakahinga at ikinagaan ng pakiramdam niya.

Marrying a Spoiled BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon