Hindi maipinta ang mukha ni Kent nang dumating sila sa venue ng party ni Ashley, kasama niya ang mga magulang. Ayaw sana niyang umatend kaso pinilit siya ng daddy niya. Aya naman niyang mapahiya ito kaya kahit labag sa kalooban niya ay pumunta na lang siya. Mas magandang iparamdam niya kay Ashley na hindi kusang loob ang pag-attend niya sa party nito para tuluyang masira ang gabi niya at magsisi ito sa pagkuha sa kanya bilang escort sa debut nito.
Ngunit taliwas sa inakala niya ito. Hindi niya napaghandaan ang naging reaksiyon niya nang salubungin sila nitong nakangiti. Ilang segundong nakalimutan niya yatang makahinga nang makita niya ito. Kung sa sabihin niyang maganda ito, siguradong kulang pa ang salitang maganda sa pagdescribe dito. Bagay na bagay ang gown nito sa kanya na lalong nagpakita ng makinis at maputing balat nito . Hanggang sahig ang haba ng gown at hakab na hakab iyon sa maliit na baywang, mahugis na balakang at sa mahabang binti nito.
Habang isinasayaw niya ito sa tradisyon ng cotillion nakita niya ang mga magulang niyang masayang nakaupo sa puwesto niyon habang titig na titig sa kanilang dalawang nakasayaw. Sinabi niya sa sarili niya na iyon lamang ang dahilan kung bakit nanatili pa rin siya sa dance floor hanggang ngayon.
May ilang pares na rin ang nakajoin sa kanila para sumayaw. Maaakit ka talaga fdahil naging dim ang mga ilaw para sa mas romntic na ambience.
Ashley: Are you sill mad at me?
Kent: Nakalimutan mo yata kung ano ang ginawa mo? Wag kang mag-isip ng kung ano. Nandito lang ako dahil pinilit ako ng dad ko. Tandaan mo yan Ashley.
Ashley: Right. Huminga ito malalim. But what would you say if I wish na birthday gift mo nalang sana ito at wag kanang magalit sa akin?
Kent: Hindi ganun kadaling makalimutan ang ginawa mo Ashley. May regalo na ako sa iyo.KAya wag ka nang humiling nang kung anu pa dahil mabibigo ka lang.
Ashley: Ah... talaga so ano ang laman?
Kent: Hindi ko alam. Si mommy ang bumili at nagpa-gift wrap.
Ashley: Nainis siya medyo pero kahit anong inis niya mahal niya pa rin ito. She pouted prettily. Anong klaseng gift yan?,aniya. Ang tunay na regalo ay dapat mula sa puso at kusang binibigay. Sige na PLEASE? kahit ngayon lang. Wag ka nang magalit.
Kent: How can you say to do that? kung ikaw mismo ang reason why Loren broke up with me?
Napatitig ito sa kanya. Nakita niya namamasa ang mga mata nito pero saglit lang iyon.
Ashley: Hindi kita dinadramahan lang. I'm so sorry sa ginawa ko. But I swear may dahilan kung bakit ako nagsinungaling sa harap niya.If you would just give me a chance to explain.
Kent: Okay explain now.....
Huminga muna siya ng malalim bago magsalita.
Look around you, Kent..... May nakikita ka bang close relative ko dito? At nakikita mo ba ang lola ko?- Ashley
Kent: Ano naman ang kinalaman nito sa ginawa mo?
Ashley: Uulitin ko lang. Totoo ang sinabi ko. Hindi ako nagsisinungalingsa iyo. Masama talaga ang loob ko sa lola ko kasi pakiramdam ko hindi ako importante sa kanya. Mas mahalaga pa ang ibang bagay kaysa sa akin. Siguro kung pagpipiliin siya kung ang negosyo niya o sariling apo niya........ Mas pipiliin pa nito ang negosyo niya. She's my only family..but look ay my situation no, Kent. It's my eighteenth birtday, the biggest and the most important party in my life and yet ang kasama ko ay ang mga maid, mayordoma at ang sekretarya ni lola.
Napailing siya. Pero hindi nito pa rin mapaalis sa isip niya nagsinungaling ito sa kanya at kay Loren. Siguro ay totoo ang mga sinabi nito ngunit hindi na magbabago ang katotohanang nagsinungaling ito.
Kent: Pero bakit ka nagsinungaling sa harap ni Loren? Kung sana sinabi mo ang katotohanan ay nasalba mo pa ang aming relasyon at siguro napatawad pa kita.
Ashley: Sa palagay mo ba? hahayaan kong maging kawawa sa harap ng mga kaibigan ko? Hindi mo talaga naiintindihan ang hierarchy ng popularity ng school natin, Kent. Hindi nila dapat malaman na hindi perpekto ang aking buhay. Iyon ang konsepto ng pagiging leader.
Kent: Kahit may na sira kang relasyon? di makapaniwalng tanong niya.
Hinaplos haplos nito ang ang braso niya. Ramdam na ramdam niya ang init ng mga palad nito na tila tumatagos sa suot niyang tuxedo
Kent, please I know you can still work it out with Loren. Kung gusto mo, I'll talk to her basta wag lang sa harap ng mga kaibigan ko.- Ashley
Bumuntong hininga siya. Kahit mababaw ang rason nito ay kahit papaano ay naintindihan niya ito. Kahit paano ay hindi niya maiwasang mainis dito. But atleast nagsasabi ito ng totoo.
Kent: Okay
Ashley: Okay what? namimilog ang mga mata na tanong nito. Tila hindi inaasahan ang biglang pagsang ayon niya.
Hindi na ako galit sa iyo.-Kent
Thank you. Ngiting sabi nito.
Ngumiti siya. Iyon na ang birthday gift ko sa iyo kaya babawiin ko na ang regalong dala ko kanina.
Pinalo siya nito sa balikat. Ang sama mo, aniya. Sabay hilig sa dibdib nito. Alam nitong joke lang ang pagsabi niyang babawiin ang regalong binigay niya. At lalong humigpit ang pagkakayap niya rito.
BINABASA MO ANG
Marrying a Spoiled Brat
RomanceAko si Ashley Montero. Sexy, maganda at halos sa akin na ang lahat. Pero yon ang akala nila. Sa school spoiled brat at halos perpekto ang tingin nila sa amin. Lahat-lahat ng gusto ko ay nakukuha ko. Except kay Kent Arellano, EIS (ELITE INTERNSTIONAL...