Habang ang mga kaklase ni Ashley ay nagpaplano kung saan magka-college ay busy naman sila ni Kent sa pagpaplano nang kanilang kasal. Ang aatend ng kanilang kasal ay ang mga taong nag-attend din sa kanyang debut.
Hindi ganoon kalaki ang handaan dahil hindi masyadong nakapagprepare dahil sa maikling panahon lamang. She didn't mind about the preparation. Masayang-masaya siya. Alam niyang hindi siya mahal at pinakasalan lamang siya nito dahil buntis siya. Kaya niyang paniwalain ang sarili na para sa kanya at hindi para lang sa inimbento niyang bata sa sinapupunan niya kaya maaalalahanin ito sa kanya. Besides, sanay naman siya sa pagpapaniwala sa sarili na ayos ang lahat sa buhay niya." For better or for worse, in sickness and in health,"sabi ng paring nagkasal sa kanila. Kaya oo, kaya niyan maging masaya basta sa tabi niya lang ito at di siya iiwan.
Nang sa hotel room na sila ay wala nang ibang tao sa paligid. Halos gabi na nang matapos ang handaan. Ang akala niya ay handa na siya sa mangyayari pero hindi pala. ng lakas ng kabog ng dibdib niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin.
Nang makita ang pagbukas ng pinto ng banyo ay nakita niyang palabas i Kent sa pinto. Naka t-shirt at short lang ito. He looked handsome. He had a fine body. Malapad ang balikat nito at matipuno ang dibdib. Naroon ang pilyong kislap s mga mata nito na bumagay sa mga labi nito. Sigurado siyang kahit magtanda ito ay gwapo pa rin ito.
Pero ang tanong.
Tatanda ba silang magkasama? nadagdagan ang takot sa dibdib niya sa tanong iyon.
Hey are you all right? pukaw nito sa kanya. Namumutla ka, may pag-alalang sabi nito bago umupo sa tabi nito.
I-I'm okay.. may -maybe im just tired. Pagdadahilan niya.
Yeah. Tinannong ko kanina si Mom Kung hindi ba masama sa iyo at sa baby natin ang mga activities mo.
Lalo yatang sumama ang pakiramdam niya sa sinabi nito. H-hindi namn siguro. I'll just freshen up and change.
You need help with that gown?
Iiling sana siya rito nang maalala na dalawang tao ang tumulong sa kanya upang masuot niya ang gown.
Yeah.....
Turn around,utos nito sa kanya.
Nang sumunod siya ay hinawakan nito ang zipper ng gown niya sa likod at unti-unting binaba iyon.Yumakap ang mga braso nitosa baywang niya at hinalikan ang naka-expose na balikat. Napasinghap siya sa sensasyong namumuo sa kanyang katawan.
Ashley? naalala mo ba kung ano ang nangyari sa atin that night? Was it good between us?
Para siyang pinutulan ng hininga sa tanong nito. Paano niya ito sasaguting ang tanong nito kung wala namang nangyari sa kanila.
Dumako ang kamay nito sa braso niya at naglandas iyon pababa hanggang sa mahawakan ang kamay niya."Hey! you're cold". Hinaplos nito ang mga palad niya para marelax. Pero lalong nagpalala iyon sa nerbiyos niya.
Humarap siya rito. I'm just a little nervous.
Why? We've done thsi before. I mean , I really dont remember and I'm sorry na hindi ko maalala pero hindi naman ito bago sa iyo, right?
Y-yeah... Pero parang iba lang kasi.. Siguro dahil lasing lang ako noon kaya malakas ang loob ko. I didn't know. . .
Natawa ito. Ashley MOntero, nervous? Who are you? Saan na ang dating Ashley? nagbibirong sabi nito sa kanya.
Pilit siyang ngumiti. It's Ashley Montero Arellano from now on. Paalala niya.
Right.Lalong hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kamay niya.Well, siguro nga nakakanerbiyos talaga. This is way too intimate para sa atin na hindi pa masyadong familiar sa isa't-isa. Gusto kong makilala natin ang isa't-isa bago matapos ang atin honeymoon.. What do you think?
Hindi niya alam kung bakit parang papatak ang luha niya sa mga sinabi nito sa kanya. Dahil ba mabait ito sa kanya? o mas nadagdagan ang panahon niya para magawa ang dapat niyang gawin bago nito malaman ang totoo? Itinaas niya ang isang kamay at dinama ang pisngi nito.
Hindi ko ine-expect na ito ang pagtanggap mo sa akin Kent. Akala ko pahihirapan mo ako sa mga ginawa ko dahil nasira ko ang buhay mo. I think you will make my life like a hell and miserable para gantihan ako sa pagpikot ko sa yo. That's what I did, right? Pinikot kita para pakasalan ako. Bakit kahit ganoon ang ginawa ko ay mabait ka pa rin sakin? gumaralgal na sabi niya.
hey! dont cry...Kung ano man ang nangyari nong gabing yon ay hindi lang ikaw ang responsible doon, ako rin Ash, lasing man ako o hindi. Sorry sa reaksiyon ko noong una. Nabigla lang ako. I wasn't ready.
Naalala ko ang sinabi ni Papa when I was a child. Naiinip na kasi akong maging adult noon kaya i keep on asking kung kailan ako lalaki.... funny thing...One time, sabi niya sa akin. Na wqag akong magmadali. Magiging matanda rin ako. Either madadagdagan ang edad or may mangyayari sa buhay ko kung saan kailangan ko maging adult. Noong sinabi mo sa akin na I'll be a daddy, that time iyon ang sinabi ng Papa. It was telling me to become an adult for you, for me and for our baby. :)
Kung may mga pagdududa man ako sa iyong mga sinabi noon ay nawala na iyon nang makita ko ang mga arka sa braso mo gawa nang pananakit ng lola mo. Gusto kong protektahan ka, kayo ng baby natin. I realized I should be there for you that I should not let anyone hurt you or our child. Kaya nating gawing tama ang maling sitwasyon. Kaya we will work it out para sa atin at para sa magiging pamilya natin.
Yes, ang tanging nasamabit niya. Ang mga takot at pangamba ay nawala sa kanyang dibdib.
BINABASA MO ANG
Marrying a Spoiled Brat
RomansaAko si Ashley Montero. Sexy, maganda at halos sa akin na ang lahat. Pero yon ang akala nila. Sa school spoiled brat at halos perpekto ang tingin nila sa amin. Lahat-lahat ng gusto ko ay nakukuha ko. Except kay Kent Arellano, EIS (ELITE INTERNSTIONAL...