Chapter 12.
Kinabukasan…
Xhierra’s POV.
“Couz, maaga na naman bang umalis sila mama at papa?” Si Rhobie nagsisipilyo na.
“Di ka pa ba sanay couz? Ou, umalis na nag-iwan lang ng pera si ate, nandun sa ibabaw ng drawer mo.”
“Geh. Kain na ako couz.” Napahinto ako ng hawakan ni couz ang kanang kamay ko. Sabay tingin sa mga mata ko.
“Anong nangyari jan sa mga mata mo couz? Di ka nakatulog ng maayos?” *deep sigh*
“Ou couz. May marami lang akong iniisip.”
“Naku! Itigil mo muna yan couz. Nakaka wrinkles yan sige ka.” Di naman yata. Minsan lang ako walang maayos na tulog eh.
Kumain na muna ako kasi alas nwebe na pala. Tsk. Iniisip ko pa din kung totoo talaga yung nakita ko kahapon. Dumagdag pa yung Punyemas na Smexyn na yun. Ayaw akong tantan. Sinisi ba naman ako kung bakit di niya naibigay ang cupcakes kay Nichole. Idagdag mo pa na kailangan na namin matapos ang music video namin.
“Unnie? Lalim ata ng iniisip natin ah?” Inangat ko ang ulo ko para tingnan si Xhienna.
“Wag mo nga akong matawag-tawag na unnie. Unnie-hin kita jan eh!” sumimangot pa.
“Bad trip ka ba ate?” Nakakagigil yung mukha ni Xhienna. Urrghh,
“Halika nga dito Xhienna. Pakurot ako.” Tumabi naman sa akin si Xhienna. Nakakagaan talaga sa pakiramdam ang mga yakap ng bata. Haha.
“Asan si Kuya Xhielo mo?” Tumayo siya at umupo uli dun sa kinauupuan niya kanina, kaharap ko siya.
“Nah! Bz po kakalaro ng Temple Run ate.” Sabi ni Xhienna habang kagat-kagat ang hotdog niya.
“Na naman Xhienna? Hindi yata nagsasawa yang si Xhielo ah!”
“Gusto kasi lni Kuya na lamangan ang high score ko dun ate.” Nag-nod lang ako kay Xhienna, eat muna ako.
“Couz may lakad ka ba ngayon?” biglang sumulpot si Rhobie sa kusina.
“Nah! Wala! Teambahay muna ako ngayon!” Umupo siya sa tabi ko. “Sama ka sa amin couz, punta kaming mall. Lakwatsa lang. hahaha.” Lakwatsera talaga tong si Rhobie may ano ata sa paa at hindi makapagstay sa bahay.
“Sino kasama?” Tumayo siya at hyper na hyper. “Naku! Couz yung mga chingus mo kahapon. Ayun, super happy ako ang bilis namin nagkasundo. Ang dami na nga naming alam sa isa’t isa eh. Kaya para mas makilala ko sila ng lubusan nagyaya ako na mag mall. Isn’t it great?” Great nga ba? “Naku! Baka ma OP lang ako niyan.” For sure puro Kpop stores ang papasukan nila.
“Naku! Ba’t ka naman ma Oop, I’m here kaya, I’m gonna make you feel you belong with us.” Nag-isip muna ako ng mga dapat kung gagawin pero since natapos ko na kagabi ang mga homeworks at mga articles ko.. “Sige bah! Basta libre mo ako. Hahaha.”
“Yessss!!!” sigaw niya. Ang hyper niya ata ngayon.
- - -
“Yaah! Chingus!” Bati ni Rhobie sa mga chingus namin. “Annyeong Rhobie, Hai Xhierra.” I just smiled at them.
“You look beautiful today Xhierra.” Chelle complimented me. So, maganda pala ako kapag nakadress? Si Rhobie kasi ayaw akong pasuotin ng skinny jeans at shirt. Ang layo ko na daw sa kabihasnan.
“Eh! Thank you chingu” Medyo nahihiya kong sabi. Pffftt. “Ah! By the way since wala ka kahapon, let me introduced to you my chingus.” Sabi ni Rhobie, may mga kasama kasi kami ngayon na di ko kilala. Isa isa niyang pinakilala yung mga chingus niya. Buti na lang madali lang matandaan ang mga names nila.