Xander's POV
"Asan si Xhierra??" tanong ko sa mga classmates ni Lhubz ng makarating ako sa classroom nila. "Pinapunta siya sa mall ni Maam Ceniza Xander kasi inutusan siya na bumili ng kakailanganin namin for our investigatory project, kasama niya dalawa naming classmates." sagot ng di ko kilalang classmate ni Lhubz. "Wala bang masamang nangyari sa kanya?" Naguluhan sila sa tanong ko. "May nagsabi kasi sa akin na puntahan ko raw siya dito kasi may nangyari sa kanya." They just shook their head as an answer na di nila alam.
Tinawagan ko na lang si Lhubz para makasigurado ako pero di ko siya macontact. I just texted her na mag text sa akin kapag nakabalik na siya sa school. Di ako dapat mag-isip ng masama.
*brrrrrttttt* *sigh*
Akala ko si Lhubz na. Ano na naman kaya to? "Ang t*nga mo! Loko-loko" mga taong walang magawa sa buhay. Tsk. Di na ako nag-abala na replyan yun, sayang lang oras ko.
"Pare may nagbigay ng sulat sayo." sabi ng classmate ko, sabay abot ng papel. "Ingatan mo girlfriend mo dude." Nakakainis!!! Sino na naman kaya ito. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Kaysa masira ang araw ko ng tuluyan dahil sa mga pambabanta na ito itutuon ko na lang ang atensyon ko sa klase.
***
"Hai Xander!" Bati ni Georjina sa akin. "Hai din" Pumunta siya sa harap ng desk ko. "Pwede sabay tayong mag Lunch ngayon?" Patuloy pa din ako sa pagliligpit ng mga gamit ko.
"Sorry, kasama ko kasi girlfriend ko."
"Ahh..wala naman siya ngayon eh." Nilingon ko siya kasi parang may alam siya na dapat kong malaman. "Paano mo naman nasabi na wala siya ngayon?" umupo siya sa tabi ko. "Diba nga inutusan siya ni Maam Ceniza, malamang di pa yun nakakabalik, traffic kaya ngayon."
"Ah...Sorry pero kung wala pa siya ngayon susundan ko siya sa mall." Nakita ko mula sa gilid ng mata ko na nagbago ang expression ng mukha niya. "Mahal mo talaga si Xhierra no. Lahat na nasa kanya." tumayo siya. "Sana mawala na siya ng tuluyan." Rinig na rinig kong sabi ni Georjina.
"May ginawa ka ba sa kanya ha?" Nataranta siya. "Naku! wala Xander no! I would not waste my time for her. Ossya. Alis na ako wala naman akong mapapala eh." sabay alis niya.
Pumunta ako sa room ni Lhubz nagbabakasakali lang na nakabalik na siya pero wala pa din siya maski isang text o tawag wala din. Nagsimula na talaga akong kabahan. Gaya kanina itinuon ko muna ang atensyon ko sa klase.
*Tok* tok* *tok
"Yes, Maam?"
"May I talk to Mr. Serrano Please?" Nilingon ako ng guro namin at sinabing excuse muna ako.
"Yes, Maam Ceniza?"
"Did Ms. Selado texted or called you?" sa tanong ni Maam mas kinabahan ako lalo. Takte! bawal pa naman makipag-usap ng tagalog sa guro. "I haven't receive any call or text from her Maam." Ang mukha ni Maam nababalot na din ng pag-aalala. "Please call her parents and ask if she's home now." agad ko namang tinawagan si Tita.
[Hello. Tita nandiyan na po ba si Xhierra?]
[Wala ba siya sa school Xander? Wala pa siya dito sa bahay]
[Ah. Tita text niyo po ako kapag nakauwi na siya please.]
[May nangyari ba iho? Nag-away ba kayo?]