Xhierra's POV
~~aksdjdkjklll...XOXO...asdfghjk;....XOXO.....
"Aisssshhh! Couz CP mo ang ingay! patayin mo nga yan.!" Hindi pa man din ako nakatulog ng maayos kakaisip kung sino yung nagbabanta sa akin nagising naman ako sa ingay ng CP ni Rhobie.
"Ou na! ang ganda pa naman sa pakiramdam na magising dahil sa boses ng bias ko pero ikaw jan dakilang ANTI!" diniinan pa talaga eh. Since, nag-init na naman ang ulo ko bumangon ako ng wala sa oras. "Teka lang couz huh! eh, kung sana pinahinaan mo yang volume ng CP mo edi tulog pa sana ako ngayon, hellow! alas singko pa lang oh! Tsaka pwede ba wag mong painitin ang ulo ko wala akong maayos na tulog ngayon!"
Bumangon rin si Rhobie at hinarap ako. "Di ka na talaga nasanay. Araw-araw mo naman naririnig yan eh." humiga siya ulit. "Ou nga naman, araw-araw ko yang naririnig at araw-araw na din akong inis sayo!Takte! sakit pa nang ulo ko kakaisip kung sino ang nagbabanta sa akin!"
"Alam mo couz, malamang isa yang Kpoper. Isang Kpoper na galit sayo dahil isa kang dakilang KJ at IGNORANTE!" Aba! mas lalong nag-init ang ulo ko huh! "Tawagin mo na akong KJ wag lang ignorante! Bwes*t!" Tumayo ako at lumabas sa kwarto namin.
"PIKON KA TALAGA KAHIT KAILAN COUZ!" rinig kong sigaw niya pero di ko na siya pinansin pa. Doon na lang ako sa sala matutulog.
Ilang minuto na din akong nandito sa sala, matutulog sana ako pero di ko magawa. Napaisip din ako sa sinabi kanina ni couz. Paano nga ba kung isang Kpoper ang nagbabanta sa akin? Talaga bang na ooffend ko na sila? Dapat bang di ko na sila e-bash? Dapat bang di na ako magpost ng negative comments sa lahat ng SNC's??? Aiiiisssshhh!!! nakakainis!!
*deep sigh* "Oh! alas sais na anak ba't di ka pa naliligo diba alas syete y media pasok mo?" tanong ni mama. "Ah. maliligo na po ako ma." Naligo na ako at ginawa ang dapat kong gawin.
***
"Ma alis na po kami" Nagmano na kami ni Lhubz kay Mama. "Xander ingatan mo yang anak ko ha!" Yung pagkasabi ni mama parang may halong pagbabanta at nagsasabing kasi kapag di mo yan iningatan lagot ka sa akin. "Wag po kayong mag-alala Tita maski langgam at lamok di makakapanakit sa Lhubz ko" Tumikhim ako para matapos na sila baka matunaw na ako dahil sa kilig. hahaha.
Nakasakay na kami sa jeep ngayon. "Lhubz kanina ka pa tahimik ah?" Nagulat naman ako sa biglaang pagsalita ng Lhubz ko, malalim pa naman iniisip ko ngayon. "Ah, sorry Lhubz. Napag-isip-isip ko lang kasi na baka tama si Couz na baka nga isang Kpoper ang nagbabanta sa akin."
Naging seryoso ang mukha ni Lhubz. "Bakit pala ayaw mo sa Kpop Lhubz?" Tanong niya sa akin na parang may halong lungkot. "Hindi naman sa ayaw ko Lhubz, wala lang talaga akong interest." Sagot ko naman habang nakatingin sa kanya.
"Kung wala kang interest, parang ayaw mo na rin sa kanila" Yumuko siya matapos niyang sabihin yun. Bakit parang nasesense ko na may tinatago si Lhubz sa akin. "Lhubz may dapat ba akong malaman?"
Binigay na niya pamasahe namin kasi nasa tapat na kami ng school. Inalalayan niya ako pababa at pumasok na kami sa school.
"Ah, wala naman Lhubz. Hatid na kita sa room mo." Nagtataka ako ba't parang may dapat akong malaman pero ayaw ipaalam ni Lhubz sa akin. Nakakalungkot tuloy.
Xander's POV
Naihatid ko na si Lhubz ko. Sorry Lhubz. Di ko masabi-sabi sayo ito baka kasi hiwalayan mo ako.
