Chapter 20: Family Day

30 1 0
                                    

Rhobie's POV

Today is Sunday that means today is Family Day. Gumising kami ng maaga para magsimba. Siyempre we need to thank God for the blessings He gave and will give to us. We all know we're sinners yet He never gets tired of guiding, loving and giving us all we need. It's time to praise and worship Him. Above all, He's worthy for it. Ipagpa-pray ko rin na sana isang masamang bangunot na lang yung balita na malapit nang mamahinga si Kuya (papa ni Xhierra), na sana tuluyan ng mawala ang sakit niya. May Kidney Cancer si Kuya at stage 3 na ito at ang masaklap nasa 48-52% na lang ang chance niyang mabuhay. Ayaw rin magpa surgery ni Kuya kasi magastos na daw. Nalulugi na rin kasi ang negosyo nila.

Si Xhierra, Xhielo at Xhienna na lang ang hindi pa nakakaalam nito kasi ayaw ipasabi ni Kuya baka daw maapektuhan ang pag-aaral nila. Last month lang namin nalaman ito at ngayon na lumalala na ang sakit ni Kuya nahihirapan na akong maglihim.

"RHOBIE!!!"

"HAY!! ASDFGHKLP!" Kung anu-ano tuloy nasasabi ko. lol.

"Ba't ka nanggugulat jan couz?" Kainis...Parang tumalon yung puso ko tas lumabas sa katawan ko. "Kanina pa kita tinatawag maganda kong pinsan kasi kakain na tayo para makapagsimba na. Ba't ka ba kasi tulala jan? Iniisip mo na naman yang boyfriend mo? Asus. Kasama naman siya sa atin ah." 

Kung alam mo lang talaga Xhierra. "Naku! Kung anu-ano na yang pinagsasabi mo jan. Ou na, sabay na tayong bumaba. Saglit lang suot ko lang sandals ko." 

"Halika na. Ikaw couz ah. Nasasanay ka nang manggulat." Tumawa lang siya.

Bumaba na kami. Una kong nakita si Kuya na masayang nakikipagkulitan kay Xhienna at Xhielo. Di mo talaga mahahalata na may sakit si Kuya kasi kung tingnan mo siya parang ang lakas-lakas pa niya. Ang mahahalata mo lang ay yung pamamayat niya. Ang alam ni Xhierra namayat ang papa niya dahil sa stress sa negosyo, sana talaga yun na lang pero mas malala eh.

"Hoy! COUZ! tulala ka na naman jan." Ano ba. Wag na muna yan ang isipin mo Rhobie. Baka ano pa maisip ng pinsan mo. G-R-R. Pretend to be happy. Yah. PRETEND.

"Ay! Iniisip ko kasi kung saan tayo pupunta after magsimba." Alibi ko sa kanya. "Mamaya mo na isipin yan. Kain muna tayo." Tumango na lang ako. Pagkadating namin sa kitchen ang atensyon nila napunta sa amin.

"Kain na kayo dito." Nakangiting sabi ni Kuya. May lahing artista ata itong si Kuya. Di nahahalata ng mga anak niya na may sakit siya eh. Sus, ba't kasi ngayon ko pa naisip ito. Naeestress ako. Umupo na kami at nagsimula ng kumain.

"Papa, masaya po ako at magaling na kayo"

*ack* *ack* lah! Nabulunan ako nang sabihin yan ni Xhierra. SH=T! nakakahiya! >.<

"UY! couz? okay ka lang? Dahan-dahan kasi wala ka namang kaagaw eh." sabi niya sa akin habang hinihimas-himas ang likod ko. Uminom na lang ako ng tubig. "Hehe. Sorry. Okay na ako couz." Nahihiyang sabi ko. 

"Ou anak, magaling na papa mo. Ako pa. Ang lakas ko kaya." Masayang sabi ni Kuya. Effective ang acting mo kuya. Huhuhu. Ba't kasi ikaw pa? Paano na lang pag nalaman na yan ng mga anak mo, makakangiti ka pa kaya? huhuhu.

"Tama. Si papa Martino is like Superman." Bibong sabi ni Xhienna. Si ate (mama ni Xhierra) pinipilit na ngumiti na lang. "Mali. Parang si Guko si papa. Mas malakas si Guko kaysa kay Superman Xhienna." Sabi naman ni Xhielo. "Tama na nga yan. Puro kayo anime, yang mga mukha niyo nagiging anime na rin." saway naman ni ate. Tumawa na lang kami at nagpatuloy na kumain.

"Yes! Everything's done. Ma mauna na kami sa van mama." sigaw ni Xhienna ng matapos na kaming kumain.

"Dahan-dahan nga Xhienna. Malapit ka nang maging dalaga, takbo ka pa ng takbo." saway ni Xhierra sa kapatid niya. "Hayaan mo na yan couz. Minsan lang yan." sabi ko naman. Nag roll eyes lang si Xhierra. Aba! Mataray ah. Pero alam kong joke lang yun.

We're Destined To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon