Chapter 21: Emergency Call

34 3 1
                                        

Xhierra’s POV

“Ma! Good Morning!” Masayang bati ko kay mama. Nasa kusina siya nagluluto ng agahan namin. “Morning din anak. Maaga ata gising mo ngayon?” Alas 5 y media pa lang kasi.

“Maaga ako natulog mama eh.” Tumango lang si mama. “Nga pala, anak anong gusto mong mangyari sa birthday mo?” Ano nga ba? “Simpleng handaan lang po okay na yun sa akin basta ang importante kumpleto lahat ng mga mahal ko sa buhay.” Liningon ako ni mama. “Sure ka anak? Wala kang special request?”  Nag-isip muna ako. Hmmm. “Wala po ma eh. Better save the money for my debut po. Hehehe.” Tumango lang ulit si mama at nginitian ako.

“Osyya. Gisingin mo na yung mga kapatid mo para makaligo na.” Nag “Yes Maam” sabay salute lang ako kay mama.

*kreeeeck* (tunog yan ng pagbukas ng door, wag na umangal. Haha)

“Xhienna! Baby ganda gising na.” Naku! Nananaginip pa yata to.

 “Xhienna, baby??!” Nagpagulong-gulong pa. Ayaw mo magising ah. “Humanda ka dahil kikiliti--- “Oops. Gising na po ako ate. Hehe. Good morning po.” Asus. Ayaw lang kilitiin eh. “Bumangon ka na jan baby at maligo ka na.” Tumayo na ako para si Xhielo naman ang gisingin ko. “Ate!! Di na ako baby kaya stop calling me baby. Hmmmp.” Nag bleeh lang ako sa kanya. Haha. Sa baby pa yung mukha niya eh.

No need for me to open Xhielo’s door kasi bukas na ito. Nagpapatuyo na siya ng katawan niya.

“Aba! Bin- -”

“HAAAH!” Epic. Nagulat ko ata ang kapatid ko. Pfft. “Ate naman, uso kasi kumatok para malaman ko kung may pumasok sa kwarto ko.” Nagkamot lang siya ng batok niya. “Bukas naman yung pinto mo so, ba’t pa ako kakatok?” Sabay tingin sa abs ng kapatid ko.

“Binata na kapatid ko ah.” Umupo ako sa kama niya. “Wag mo nga akong minamanyak ate.” Ano daw?? “Hoy! Xhielo, anong pinagsasabi mo jan? Tiningnan lang kung ilang abs na meron ka minamanyak na agad? Tsaka, kahit na may abs ka na totoy ka pa rin sa paningin ko. Hmm.” Then I folded my arms.

“Ewan ko sayo ate. Lumabas ka na nga magbibihis na ako.” Iritadong sabi niya. Okay. Pero bago ako tuluyang mag disappear…”XHIELO!”

*Click*

“Hahaha. Nice one. Ibebenta ko to sa mga classmates ko Xhielo para magkapera ako.” Sabi ko at tuluyan ng lumabas sa kwarto niya.

“SUBUKAN MO LANG ATE!!!” Sigaw niya. Susubukan ko talaga. Hahaha. Joke lang. Mahal ko yang kapatid ko eh. ^_^v

Puntahan ko na rin si Rhobie para makapaghanda na yun. Kakatok na sana ako pero narining kong may kausap siya. So, it means gising na siya. Alangan namang mag sleep talk siya. Pero pwede rin. Haha.

[Ewan ko rin kong paano ko ba sasabihin sa kanya.]

Yan ang narinig ko. Anong sasabihin at para kanino?

[Ou nga eh. Basta dapat palagi lang kayong nandiyan para sa kanya ha? Wag niyo siyang iiwan. Basta pasayahin niyo lang siya]

Sino kaya kausap nitong si Rhobie.

*Tok* *tok*

“Oh? Couz? E-he-he A-anong kailangan mo?” Nauutal na sabi niya. “Anyare sayo couz? Nakakita ka ba nang multo? Bigla kang kinabahan jan?” Tanong ko sa kanya. Kilala ko na kung paano kabahan itong pinsan ko. “Hmm. Kanina ka pa ba jan?” Tanong niya. Di man lang ako sinagot. “Hindi naman couz.” Tumango lang siya. “Osyaa. Ako’y naparito para sabihin sa iyo na maghanda ka na para makakain na tayo.” Pfft..Okay ba? Nag ok-sign lang siya.

“Mama!!” Sigaw ko habang pababa ng hagdan. “Mag-ingat ka anak!”

“Hehehe. I’m here na po. Mama, they’re all up. Ay! mama akyat lang ako ulit. Prepare ko lang mga gamit ko.”

We're Destined To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon