Xhierra’s POV
This past few days I’ve been through lots of trials. First, I took care of my father. Second, I have to catch up for my lessons and lastly, I don’t know what’s happening between me and Lhubz. Thank God dahil medyo okay na si papa, kaya ako late sa mga lessons namin kasi every dismissal diretso na ako sa ospital. I want papa to feel how much I’m thankful that he became my father and that I love him. Ngayon, pinoproblema ko din si Lhubz kasi minsan na lang nagtetext. Alam niyo yung feeling na sa isang iglap parang nagbago na ang lahat? Yung feeling na kahit na marami ka nang iniisip ay may oras ka pa rin para sa taong mahal mo pero parang di naman niya na a-appreciate? Yung feeling na parang ikaw na lang ang mag-isa na lumalaban para magtagal lang ang kung anumang meron kayo? At lalong lalo na yung feeling na pagod ka na pero heto ka pa rin nagpapanggap na malakas para sa ikabubuti ng lahat? Alam niyo ba ang feeling na yan? Kasi yan ang nararamdaman ko ngayon eh. Kung sana nandito lang si Lhubz palagi at kung sana pinaparamdam niya sa akin na di ako nag-iisa sure akong magiging matatag ako. Iba naman yung naibibigay na lakas ng taong mahal mo diba? Pero, ewan ko! Di ko na alam ang nangyayari.
“Couz, tulala ka na naman jan?” Tinap ni Rhobie ang right shoulder ko. “Ah. May iniisip lang ako couz.” Nasa ospital ako ngayon. Binabantayan ko si papa kasi umalis muna si mama may aasikasuhin lang daw. “Ahh. Couz, matanong lang kita ah, natanong mo na ba si Xander kung siya ba yung nakita ko one time kasama yung mga kaibigan niya?” Naishare pala sa akin ni couz na nakita niya daw si Xander kasama ang mga kaibigan niya na basang-basa sa ulan pati si Chelle sabi sa akin na nakipagsuntukan daw si Xander. “Di pa couz. Minsan na lang naman yun nagtetext sa akin eh. Busy rin ako kaka-catch-up sa lessons namin. Pag tinatawagan ko naman kung minsan hanggang 10 minutes lang ang pag-uusap namin.” Malungkot kong sabi sa kanya.
“Di ba kayo nagkikita sa school?” Tanong niya ulit. “Nagkikita naman kaso nauuna siyang umuwi palagi eh. Kailangan daw siya sa bahay nila.” Tumango na lang si couz. “Kausapin mo siya couz para maayos niyo yan kung may dapat man kayong ayusin.” Advice niya sa akin. This time ako naman ang tumango.
*Tok* tok*
“Hai.” Pabulong na bati nila Stephen, Smexyn at Steve. Silang tatlo ang kadalasang nandito tumutulong sa pagbabantay kay papa. Sininyasan ko sila na pumasok. Binigay nila sa akin ang mga prutas at pagkain na binili nila. “Thank you so much for these.” They just smiled at me. “Where are the girls?” Nilagay ko ang binigay nila sa table. “They have an important thing to do.” Stephen answered.
“Hmmm…” gumalaw si papa. “Anak.” Tawag ni papa sa akin. “Yes, papa? May kailangan ka po?” Lumapit ako sa kanya. “Nandito na naman kayo. Salamat sa pagdalaw at salamat na rin dahil nandiyan kayo para sa anak ko.” Sabi ni papa dun sa 3 lalaki. Ngumiti lang sila. “Tito, kain na po kayo.” Sabi ni Rhobie.
“Ah. Papa, teka lang maghahanda lang kami ng pagkain mo. Dito na rin po kami kakain para sabay po tayo.” Ngumiti lang si papa.
*kreeeekkk*
“PAPA? PAAAPPAAA!!” Sigaw ni Xhienna. “Wag ka ngang sumigaw Xhienna.” Saway ni Xhielo. Lumapit si Xhielo sa akin at binigay ang dala nilang mga damit ni papa. “Salamat Xhielo.”
“Papa! I miss you so much na po” Naluluhang sabi ni Xhienna. “I miss you too baby.” Magkayakap lang sila ngayon. “Papa stop calling me baby. I’m no more a baby.” Maktol niya. “Okay. Okay. Hahaha. Mga dalaga at binata na pala kayo. Wala na tuloy akong baby.” Mahinang sabi ni papa. “Joke lang yun papa. Ikaw lang po allowed na tawagin akong baby. Hehehe.” Tumawa naman si papa.
“Xhielo,anak.” Tawag ni papa kay Xhielo. Lumapit naman si Xhielo kay papa. “Payakap nga.” Nag yakapan na silang tatlo.
“Hep. Hep. Tama na nga yan. Kain na muna tayo.” Sabi ko sa kanila. Buti na lang may 2 table dito. “Tsibugan na.” Sigaw na naman ni Xhienna. “Cute girl.” Sabi ni Steve. “Thank you kuya. Mana lang po ako kay ate at kuya. Hehe.” Tumawa naman kaming lahat. Parang kami ang ina at ama niya eh. lol.
