Chapter 1: Anti-Kpop 1

154 8 4
                                    

Chapter 1. Anti-Kpop

Xhierra's POV

"Kyyyaaaaaahhh!!! Ang gwapo talaga ni Lee Min Ho ang cute cute naman ni Kim Bum" 

"Kahit di ko bet si Jan Di, okay na rin..kinikilig talaga ako sa kanila..kyyaaaahhh"

"Aiissshh...Ji Ho why so cool? Nakak-inlab talaga siya!"

"Pssssssstt" Pagsita ko sa mga classmates kong Kpoper. "WAAAAAAAAAHHHH!!! NAGKISS SILA..DI PWEDE TO...AKIN LANG SI JUN PYO!!!

"HINDI!! AKIN LANG SI JUN PYO. HUHUHU..TALANDE NI JAN DI! NATIKMAN NA NIYA ANG LIPS NG JUN PYO KO! huhuhu.T,T" Di ko na talaga kaya to, di ako makapagreview ng mabuti dahil sa ingay nila. Tumayo ako at nilapitan sila..."Ano ba! pwede ba guys konting respeto naman! Kung hindi kayo nag-aalala para sa exam mamaya pwes wag kayong mandamay!" tumayo ang isa sa mga classmates ko at hinarap ako. "Syempre nag-aalala din kami Xhierra, sila lang naman ang nagpapawala sa kaba namin eh."

Huminga ako ng malalim."Pambihira! Kung gusto niyo kasi mag-ingay lumabas kayo. Dun kayo sa lobby oh! Dun wala kayong maiistorbo!"

"Aba! Ang yabang mo din Xhierra ah!" Nag-iinit na ulo ko. "Totoo naman kasi eh, di ba kayo nahihiya na nakakaisturbo na kayo ng ibang classmaes natin na nagsusumikap makapasa sa exam.Kung wala kayong balak makagraduate pwes dun kayo sa labas at wag niyo kaming idamay."

"OOOOPPPSSS...tama na nga yan. Ang init ng ulo niyo, kalma lang kayo. Mabuti pa bumalik na kayo sa mga upuan niyo at maghanda na kayo kasi ilang minuto na lang exam na." Pagpapakalma ng classmate kong lalaki sa amin. Agad naman kaming bumalik sa upuan namin pero bago yun nagkasamaan muna kami ng tingin.

***

Natapos na ang exam at ngayon hinihintay ko na lang na i-announce ng guro namin ang mga scores namin.

"Today's exam will serve as your final exam." napa"huh" kaming lahat sa sinabi ng guro namin sa Physics.. "I told you that i'm going to make an announcement today, right? and i also told you to study hard. I think you all heard it right, again this will serve as your final exam and since it's still second grading period, I want you to pass a tarpaulin about your favorite Scientists and the grade you'll get with that will be your grade for the 3rd and 4th grading. Make sure you will pass an acceptable project. Understood?" Sabay kaming nagsabi ng YES bilang sagot namin kay Maam.

Ganyan po Physics teacher namin. Ayaw na ayaw niya na naha-hassle kami. Kaya pinag-iigihan ko na makapasa sa lahat ng exam niya lagi kasi my surprise announcement si Maam.

"So, here's the result of your exam, the passing grade is 40...Aresgado 34, Bayatan 32, Baculi 37, Centino 37, ...nagpatuloy lang si Maam. "For the highest score, give Selado a round of applause because she got perfect." nagpalakpakan naman ang mga classmates ko. After nun, lumabas na si Maam.

"Congrats Xhierra." bati ng isa sa Kpoper kong classmate. "Salamat, sorry nga pala kanina sa inyo, ayaw ko lang kasi sa lahat yung maingay tuwing nag-aaral ako."

"Sorry din Xhierra. Dahil sa di kami nakapag-aral ng maayos ayan bagsak tuloy kami." tinap ko lang ang shoulder niya at nag excuse ako kasi recess na at sure akong naghihintay na ang Lhubz ko.

kinuha ko ang phone ko at nagtype ng etetxt...

" ^_^ Lhubz, sfum, may exam kasi kami kanina sa physics. Lalabas na ako sa room, wait me there na lang. :) .................send ! " lumabas na ako room at hinanap na ang lhubz ko.

"Lhubz." nilingon naman niya ako agad. "Lhubz, nabalitaan ko na may nakasagutan ka na naman kanina ah." Naglakad na kami papunta sa canteen.

"Ou nga Lhubz eh. Nag-aaral kasi ako nun kasi may exam kami sa Physics dahil sa kakatili nila di ako makapag-aral ng maayos." huminto si Lhubz at hinarap ako. "Lhubz, ito lang yung tatandaan mo, wag na wag mong hahayaan na makapanakit ka dahil sa init ng ulo mo ha? kasi ayaw ko na may makaaway ka, baka kasi masaktan ka rin nila."

Ang sweet talaga ng Lhubz ko kaya love na love ko siya eh. hahaha. "Naakkss.. yes sir! tatandaan ko yan." with matching salute sign pa yan. "Halika na! Libre kita ngayon Lhubz."

Nilibre nga ako ni Lhubz ko. After naming kumain hinatid na niya ako sa room ko. Buong araw nagklase lang yung mga guro, ang boring na nga eh.

"Lhubz, kamusta klase mo?" tanong ko kay Lhubz kasi parang problemado siya ngayon. "Marami kaming projects na ipa-pass sa lunes." Ayaw ko sa lahat yung nakikita ko na malungkot ang mahal ko. "Naku! kaya naman pala. Wag kang mag-alala Lhubz tutulungan kita para maipasa mo yan sa lunes." Ngumiti at nagpasalamat naman si Lhubz sa akin.

Osssyaa..baka nagtataka na kayo jan. Magpapakilala na muna ako para malinawan yang isip niyo. hehe. 

Ako nga pala si Xhierra Shayne Selado, tawagin niyo na lang akong Xhierra para masaya. Ang bad na siguro ng first impression niyo sa akin, ganyan lang po talaga ako kapag naiistorbo pati sabihin na lang natin na anti-kpop nga ako. Eh, sa wala akong interest sa kanila eh. I am a graduating student and consistent honor din po. I am the assistant editor-in-chief ng school paper namin, I am an athlete. I am a gymnast, I play volleyball, basketball, soccerbaseball, badminton at lahat na siguro ng sports na pwede laruin sa school, ganyan ako ka sporty. Member din ako ng dance troupe at isa akong banyo-singer. hahaha. So much for that, sa family naman tayo, ako ang panganay at may dalawang kapatid ako. Ang mga magulang ko naman laging busy sa kanilang negosyo.

Lovelife ko??? Mamaya na, uuwi muna ako ha? 

"Tita" tawag ni Lhubz sa mama ko. Legal po kami ng nobyo ko. 

"Pasok kayo." nagmano kami kay mama. "Ma ano pong niluluto niyo? nangangamoy kusina po kasi kayo eh. hehe" Umupo kami ni Lhubz sa sofa si mama naman pumunta sa kusina.

"Luto na ito anak. Kain an muna kayo dito." tumayo kami at pumunta sa kusina. "Tita amoy pa lang masarap na ah." Ang tamis ng ngiti ng mama ko sa papuri ni Lhubz. "Naku! nambola ka pa. Alam mo gutom lang yan. Kain na kayo." Tumawa lang kami, tapos kumain na rin.

*brrrrttt* *brrrrrrttttt*  "Lhubz may nag call sayo." Sininyasan ko si Lhubz na sagutin niya.

[Hello. Sino to?] 

[walang kwenta yang nobya mo! Dapat sa kanya mawala sa mundo!]

[Kung sino ka man, itigil mo yang pananakot mo dahil hindi ka magtatagumpay.]

Nang marinig ko yun kinabahan ako bigla kaya tinanung ko si Lhubz kung sino yun sabi naman niya wait lang daw ako!

[Talaga lang ha. Tingnan lang natin kung sino ang iiyak sa huli."

[Kung wala kang magawa sa buhay wag kang mandamay]

tapos pinatay na ni Lhubz ang tawag. "Sino yun Lhubz?" nilagay muna niya ang CP ko sa lamesa. "Lhubz, mag-iingat ka palagi ah, may nagbabanta kasi sayo. Pero wag kang mag-alala poprotektahan kita."

"Ano daw sabi niya Lhubz?" pinagpawisan ako bigla ah. Di ako mapalagay. Unang beses kong nakatanggap ng pananakot na ganun. "Pinagbantaan ka lang niya. Alam mo Lhubz parang kakilala mo lang yun kasi alam niyang girlfriend kita." 

Kinuha ko yung CP at tiningnan ang number . "Sino naman kaya to Lhubz?"

"Isipin mo kung sino ang may galit sayo Lhubz para mapigilan natin siya sa kung ano man ang binabalak niya."

"Sino naman kaya yun?"

Ba't parang iba ang pakiramdam ko. Parang may masamang mangyayari eh.

-----CHAPTER 1 done ^_^

Ang sarap sa feeling magcreate ng story :)

Sa mga bumabasa ng story na to...naku po...salamat ng marami :)

GOD BLESS PO SA INYO :)

We're Destined To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon