Rhobie's POV
Nagtext sa akin si couz nasa ospital daw sila. Alam na niya ang lahat. For sure galit na yun kasi naglihim kami. After ng class ko dumiretso na ako sa ospital.
“Ate san po si Xhierra?” tanong ko kay ate . Tapos na akong maglagay ng flowers dun sa vase. “Bumili lang ng maiinom” Yung mga mata ni ate mugto na. Si Xhierra kaya kamusta na? Mapuntahan nga.
“Ate, sundan ko lang si Xhierra dun ah. Bibili na rin ako ng makakain natin.” Tumango lang si ate. Nasa tabi lang siya ni kuya at hawak-hawak niya ang kanang kamay ni kuya.
Nasa 7/11 namili si Xhierra ng iinomin nila. “Couz.” Tawag ko sa kanya. Parang wala siya sa isip niya na mamili ng iinomin. Kumuha ba daw ng beer in can.
“Beer yang kinuha mo.” Tiningnan niya ang hawak-hawak niyang beer at sinauli ito.
“Couz, ako na bahala mamili. Upo ka muna dun.” Umupo naman siya sa vacant seat. Naawa ako sa pinsan ko. Alam kong mabigat ang damdamin niya ngayon. Di siya gaanong close sa papa niya kasi nga pareho silang busy, siya busy sa pag-aaral para maipagmalaki siya ng papa niya, si kuya naman busy sa negosyo nila para mabuhay ang pamilya niya. Alam kong malalagpasan din ito ng pamilya niya.
Nagbayad na ako sa counter.
“Couz, halika na.” Tumayo siya at sumunod lang sa akin.
“Ba’t ka naglihim sa akin?” Bigla niyang tanong. Expected ko na to. “Yan ang sabi ni kuya. Ayaw niya kasi maapektuhan ang pag-aaral niyong magkapatid.”
“Pinagmukha niyo kaming tanga.” Matigas na sabi niya. “Alam namin na mali ang naglihim kami sa inyo Xhierra. Pero di niyo rin kami masisisi kasi yan ang kagustuhan ng ama mo. Sa tingin mo ba gusto kong maglihim sa inyong magkakapatid? Sa tingin mo ba madali na magpanggap na okay ang lahat samantalang hindi naman pala? Sa tingin mo ba madaling mag-isip ng paraan para sumaya kayo? Ginawa ko lang yun dahil ang laki ng utang na loob ko sa papa mo, sa pamilya mo Xhierra. Sana maintindihan mo yun.”
Di ko naman masisisi na ganyan ang iniisip ni Xhierra. Pero sana intindihin niya rin ang reason ng papa niya kung bakit hindi namin ipinaalam sa kanila.
Nakapasok na kami sa ward. “Ate, kain po muna kayo.” Binigay ko kay ate ang binili kong instant noodles. “Kain ka na rin Xhierra. Wag mong pabayaan ang sarili mo, ayaw ni kuya na nagkakasakit ka.” Kinuha niya ang instant noodles na binigay ko.
Si Xhielo umuwi muna para kumuha ng mga gamit ni kuya. Uuwi rin ako mamaya para asikasuhin si Xhienna.
“Couz, alam na ba ni Xander na nandito ka?” Umiling lang siya. Ano na bang nangyayari kay Xander parang nagbago na siya ah.
*krecckkk*
Pumasok sila Chelle, Nichole, Norie Joy, Rhevina at Che-che.
“Good evening po Tita.” Bati nila. Binigyan lang sila ng isang matipid na ngiti ni ate. “Chingu.” Malungkot na tawag ni Rhevina. Tinabihan nila si Xhierra. “How are you na chingu?” tanong naman ni Che-che. “I’m trying my very best to be fine.” Matamlay na sagot ni Xhierra.
“Ate, alis muna ako ah. Aasikasuhin ko pa si Xhienna.” Tumango lang si Ate. Nagsenyas naman ako sa mga chingus ko na sila na muna ang bahala.
Nagtaxi na lang ako pauwi. Umulan kasi. Nagkatraffic tuloy. “Teka lang manong ah.” Si Xander yun ah. Kasama niya ang mga kaibigan niya nakasilong sila sa isang convenient store ngayon. Ano bang pinaggagawa ni Xander ngayon. Makikiusap ako kay Mhai na kausapin niya si Xander. Malay ko bang may problema yang si Xander at yang mga kaibigan niya lang ang masasandalan niya.