Chapter 1: Jessie's Story

78 1 2
                                    

DANNIKA

Yes, bakasyon na!

Papunta na kami ngayon sa bahay nila Chelsey, matagal ko na kasi talaga gustong mag punta doon.

Si Chelsey ay ang pinsan ko na matagal na akong inaaya magbakasyon sa bahay nila, siyempre gusto ko rin maka langhap ng sariwang hangin.

Sa bukid kasi nakatira sila Chelsey, pero ang bahay nila daig pa ang mansyon.

Nasa kotse na kami ng mga barkada ko.

Nag-kakantahan, nag-iinuman, nag-tatawanan.

"Ang ingay niyo naman!" Sigaw bigla ni Jessie habang nakatitig ng masama saamin lahat.

"Ang Killjoy mo naman Jessie." Sigaw din ni Angelo.

Halatang halata sa mukha ni Jessie na napahiya siya.

Siyempre na talo siya ni Angelo sa sagutan, nanahimik nalang siya sa kina-uupuan niya at nilagay sa tenga niya ang headset.

Habang nagkakasayahan kami sa biyahe ay biglang huminto ang van na sinasakyan namin.

"Nako, nasiraan ata tayo!" Sigaw ni Alvin.

Lumabas siya at tinignan ang makina ng van.

"Mga pre kailangan natin ng gas, ubos na pala eh." Sigaw muli ni Alvin.

"Ano ba yan, di nyo muna ba tinignan kung merong gas bago tayo umalis?" Sabay reklamo ni jessie.

"Oo nga, dapat tinignan niyo muna bago tayo umalis!" Sabay sabat ni Hailie.

"Pwede ba guys, wag na tayo mag-sisihan." Pasigaw kong sabi.

"Ok guys, mag hahanap kami ng gas sino ang sasama?" Sabay singit ni Jak.

Nagtaas silang lahat ng kamay habang ako hindi pa nag-tataas. Siyempre nagtaas nalang ako, wala naman akong kasama dito sa van eh.

"Ok kung lahat kayo sasama dalhin niyo na ang mga gamit niyo." Nagmamadaling sambit ni Jak.

Binuhat na namin lahat ng mga bag namin at naglakad na papunta sa damo.

Medyo madamo ang daanan kaya nag iinarte na naman si Jessie palibhasa mayaman kaya ganyan kaarte.

Naging kaibigan namin si Jessie dahil noong 1st year high school ako lagi ko siyang napapansin na laging mag-isa.

Kahit kasabay lang mag recess, walang kasama kaya naisipan ko siyang kaibigan-in.

Sinasama ko siya sa mga lakad naming magkakaibigan hanggang sa naging close niya na rin ang iba kong kaibigan.

Ngayon alam ko na kung bakit wala siyang kasama noong 1st year high school kami, kasi masyado siyang maarte.

Pero dahil naging close na kami, hindi na namin siya tinaboy sa group namin.

Nagka boyfriend siya noong third year high school kami, pero niloko lang siya nung lalaking yon.

Simula nung nag break sila non mas lalong naging masama ang ugali ni Jessie.

Siguro nga yun ang dahilan kung bakit siya lalong naging demonyita.

"Guys pagod na ako,pahinga muna tayo." Biglang reklamo ni Jessie habang hawak sa kanyang dibdib.

Naawa na ako sakanya kaya sinabi ko nalang rin na magpahinga muna kami.

May sakit nga pala sa puso si Jessie kaya siguro madali siyang mapagod.

"Sige, pero saglit lang ah!Aabutin tayo ng gabi eh." Sambit ni Angelo.

"Alam niyo guys dito nalang kaya tayo mag-palipas ng gabi." Alok ni Hailie.

"Oo nga mag ga-gabi na rin kasi, baka di na tayo makahanap ng bilihan ng gas." Pag sang-ayon ni Jak.

"Ok, sige guys mag ayos na tayo ng tent." Utos ni Alvin.

"Wala kaya tayong tent!" Sigaw ni Jessie.

"May dala ba kayong mga kumot guys?" Tanong ko sa kanila.

"Ito oh! Meron akong kumot." Sigaw ni Haile sabay itinaas ang kumot.

"Itali niyo nalang doon sa mga sanga ng puno." Sabay utos ni Angelo.

Itinali na namin ni Alvin ang kumot sa mga sanga para mag mukhang tent.

"Oh guys tapos na." Sambit ni Alvin.

"Ok, pagkain nalang ang kailangan natin." Sabay singit ni Hailie.

"May chips ako dito." Pag-alok ni Angelo sabay abot sa kamay ko.

"Dannika, meron din akong cookies dito." Sambit ni Alvin sabay abot din ng cookies.

"Meron din akong ganyan Dannika, kung gusto mo sayo na lahat." Alok ulit ni Angelo.

"Guys, di lang ako ang kakain sila din kaya gutom. Bakit di niyo sila alukin." Reklamo ko sa kanilang dalawa.

Di ko talaga alam kung bakit sila nag uunahan sa pag-bibigay ng pagkain saakin.

Di naman sa mayabang ako, pero sa tingin ko may gusto sila saakin.

"Guys, di yan kasya para saating lahat. Kailangan pa natin ng pagkain." Singit ni Hailie.

"Why don't you call your cousin?" Singit din ni Jessie.

Tama nga siya, bakit di ko kaya tawagan si Chelsey? Siguro naman makakatulong siya saamin.

"Oo nga, para makakain na rin tayo." Sambit ni Jak.

Haunted VacationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon