Chapter 8: Hidden Jealousy

10 1 0
                                    

"Ihinto mo yan Chelsey!" Sigaw ko kay Chelsey.

Hindi niya ihininto ang kotse, kaya sinubukan ko siyang pigilan sa pag mamanobela.

"Ano ba Dannika! Lumayo ka nga sa akin." Sigaw niya.

"Ihinto mo na. Please!" Pagmamakaawa ko kay Chelsey.

Sumigaw na ako pero hindi niya pa rin ako pinakikinggan kaya pinigilan ko ulit siya sa pag mamanobela.

"Mabubunggo tayo!" Sigaw ni Chelsey.

Pag tingin ko sa daanan ay may puno na naka harang sa daan namin. Nabunggo kami, sa sobrang lakas ng pagka untog ni Chelsey sa manobela ay nag dugo ang ulo  nito at nang hina.

Sinubukan kong lumabas kahit duguan na ang ulo ko.

"Angelo, Gumising ka." Paggising ko kay Angelo.

"Iwan mo na ako, hindi ko na kaya pang mag patuloy tumakas. Siguro nga ito na yung kabayaran ko sa mga naggawa ko." Sambit niya.

"Angelo...." Malungkot kong sambit.

"Please, umalis ka na at baka maabutan ka pa ni Jessie. Galit siya sayo at baka patayin ka pa niya." Pagmamakaawa niya.

Humalik ako sa noo ni Angelo at tumakbo na papalayo.

"Dannika, Bumalik ka dito!" Sigaw ni Chelsey.

JAK

Paano na kami makaka takas dito sa bahay kung pina andar na nina Chelsey ang sasakyan.

"Bwiset! Traydor talaga iyang Chelsey na yan!" Sigaw ni Alvin habang tuloy pa rin sa pag tulak ng pinto na tinutulak rin ni Jessie pa labas.

"Hindi na kayo makakatakas." Sigaw ni Jessie.

Sumenyas ako kay Alvin na tatakobo kami paalis pagka bilang ko ng tatlo.

"Isa"

"Dalawa"

"Tatlo!"

Pagka sigaw ko ng tatlo ay bigla kaming tumakbo papunta ng gubat. Nakita kong tumumba si Jessie sa lupa at halatang nasaktan ito.

Tumawa nalang kami ni Alvin habang tuloy sa pag takbo papuntang gubat.

JESSIE

Mga bwiset! Naka takas pa yung mga hayop na yun. Kung di lang talaga ako iniwan ng traydor na Chelsey na yun.

Hihingi ako ng tulong. Pumasok ako ng bahay para kuhain ang cellphone ko. Binuksan ko ito at saktong nakita ko ang pangalan ng kaibigan ko sa contacts.

Tinawagan ko ito at sumagot ito.

"Hello?" Sambit ko.

"Oh,  Madam Jessie anong kailangan natin?" Pagbibiro ng kaibigan ko.

"Kailangan ko kayo dito sa rest house namin, dito sa may gubat. Bilisan mo!" Pagmamadali ko.

"Sige Jessie."

Nag punta ako sa taas para kuhain na ang aking mga gamit.

Nilagay ko na sa bag ang mga gamit ko at bumaba na.

CHELSEY

Bwiset na Dannika na yan, kung di siya naki-epal edi sana naka alis na kami dito sa lugar na ito.

Naglakad lakad na ako papunta sa gubat. Kung sinusuwerte ka nga naman, may mga bakas ng dugo ni Dannika dito sa lupa.

Di pala ako suwerte, tanga lang siya. Agad agad kong sinundan ang mga bakas ng dugo ni Dannika.

Matagal na kong napipikon diyan sa Dannika na yan e. Simula pa nung bata kami siya na ang bida kanila mama at papa.

Halos lahat ng atensyon nila na kay Dannika na. Since grade one to grade six kase duon siya naka tira sa amin.

Si mama naman proud na proud sa kanya, consistent top 1 kasi siya mula grade one to six.

Si papa naman wala siyang kinakampihan pero nung grade six, parehas kaming grumaduate ni Dannika. Siya binigyan ng bagong cellphone then ako, nga-nga.

Alam ko parang puro inggit nalang ang nararamdaman ko, but totoo naman. Siya nalang lagi! Siya na lagi ang magaling!

Haunted VacationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon