"May tao dito sa baba!" Sigaw ko.Agad-agad na bumaba ang isang lalaki.
"Anong nangyari sayo?" Tanong ng isang lalaki.
"May isang dalawang babae kasi dito kagabi. Yung isa walang malay, yung isa naman kaibigan daw ng babae ng walang malay." Sambit ko.
"Alam mo ba kung ano ang pangalan ng babaeng walang malay?" Tanong nito.
"Oo, si Dannika." Sambit ko.
"Dannika?" Tanong nito.
"Oo, kilala mo?" Tanong ko.
"Oo kaibigan namin siya. Pinagtangkaan kasi kaming patayin ng kaibigan namin kaya nagkahiwa-hiwalay kami." Sambit nito.
"Talaga? Alisin mo na itong tali sa kamay ko." Utos ko sa kaniya.
Tinanggal niya ang tali sa kamay ko at itinayo ako. Kinuha ko na ang piraso ng papel na nakita ko kanina.
"Ano naman iyan?" Tanong nito.
"Isang sulat." Sambit ko.
"Akin na at babasahin ko." Sambit nito.
Inabot ko ang papel sa kaniya at binasa niya na ito.
"Dear Jake. Alam mo, ang tanga tanga mo. Bakit ka ba nagtiwala sa akin, mukha ata akong mabait. Mamamasyal lang muna kami ni Dannika tapos pagpapahingahin ko na siya pagkatapos namin mamasyal. Take note: For good ko na siya pagpapahingahin. Love, Chelsey."
"Si Chelsey?" Sambit ng lalaki.
"Oo, siya nga!" Sambit ko.
"Hindi ligtas si Dannika kay Chelsey, maski pinsan niya iyon, kaya niya pa rin iyon patayin!" Sigaw nito.
Agad-agad na akong tumayo at umakyat. Hindi kami pwedeng mag-sayang ng oras, baka kung ano pang gawin niya kay Dannika.
Pag akyat ko ay nakita ko si Kylie na naka-kunot ng noo.
"Jake?" Tanong nito.
"Oo! Buti at nakita kita." sambit ko.
Nagsimula na kaming mag-lakad para hanapin si Dannika.
"Anong nangyari sayo?" Tanong niya.
"Si Dannika kasi hinabol ko." Sambit ko.
"Yung girl na nakita natin sa kalsada?" Tanong ni Kylie.
"Oo, siya nga." Sambit ko.
"Bakit naman nandiyan ka sa ilalim ng lupa?" Tanong muli nito.
"Nakita ko si Dannika doon kaya bumaba ako tapos may isang babae na pinagpahinga muna ako, yun pala itatakas niya lang si Dannika." Sambit ko.
"Bakit ba kasi umalis pa yung babaitang yun, imbes na ligtas na siya napa-hamak pa tuloy." Sambit ni Kylie.
Nahinto ang pag-uusap namin dahil may narinig kaming sigaw.
"Tulong!" Sigaw ng isang babae.
"Parang si Dannika yun ah?" Sambit ni Alvin.
"Tara na, takbo!" Sigaw ko.
Agad kaming tumakbo papunta sa naririnig naming sigaw.
DANNIKA
Nandito ako ngayon, hila-hila ni Chelsey ng parang aso. Pagkagising ko nalang kaninang umaga ay may tali na ako sa leeg.
"Chelsey, please!" Pagmamakaawa ko.
Sinampal ako nito at sinakal.
"Ikaw, kung una pa lang naging mabait ka na edi sana hindi kita ginaganto diba!" Sambit ni Chelsey.
"Magpapaka-bait na ko, please." Pagmamakaawa ko muli.
Sinampal-sampal ako nito hanggang sa manghina ako.
"Tulong!" Sigaw kong muli.
"Alam mo, walang makakatulong sayo. Wala na si Jake, tinali ko siya dun sa ilalim ng lupa. Pag umulan malulunod siya dun ng putik." Paliwanag ni Chelsey.
"Hindi! Hindi totoo yan!" Sigaw ko.
Hindi pwedeng mamatay si Jake, kailangan kong maka-takas dito!
Tumayo ako at sinakal si Chelsey.
"Ano ba Dannika!" Sigaw ni Chelsey habang tinatanggal ang kamay ko sa kaniyang leeg.
Pinipilit niyang tanggalin ang kamay ko sa kanya ngunit hindi niya ito ma-alis. Hinila niya ang tali sa leeg ko at dahil dun nabitawan ko na siya.
"Aray ko Chelsey! Tama na!" Pagmamakaawa ko.
Nagaagawan kami sa taling nasa leeg ko, kada hila sumasakit ang leeg ko. Unti-unti kaming napunta sa bangin.
"Mahuhulog ka na Chelsey!" Sigaw ko.
"Wag mo akong niloloko!" Sigaw niya habang tuloy pa rin sa pag hila sa leeg ko.
Ika-huling atras niya ay nahulog na siya sa may bangin. Napa-kapit siya sa taling nasa leeg ko.
"Aray ko Chelsey! Bita... bitawan mo na yung taling nasa leeg ko!" Sambit ko.
"Isasama kita Dannika." Sambit niya.
"Chel... Chelsey, hayaan mo na ak... akong mabuhay." Sambit ko habang nanghihina.
"Dannika!" Sigaw ng isang pamilyar na boses.
Naka-bitaw na si Chelsey sa leeg ko at nahulog na ng tuluyan.
Itinayo ako ng dahan-dahan ng lalaki at pagka-harap ko ay si Alvin. Niyakap niya ako ng mahigpit, ganun rin ako.
Nabigla ako ng makita kong nakatayo sina Jake at Kylie sa may tabi.
"Jake!" Sambit ko sabay yakap dito.
"Pasensiya na kung hindi kita pinaniwalaan noon." Sambit ni Jake.
"Ayos lang." Sambit ko.
"Hi Dannika!" Bati ni Kylie.
"Hi." Sambit ko.
"Umalis na tayo, hanapin na natin si Jak." Sambit ni Alvin.
"Ito ba ang hinahanap niyo?" Tanong ng isang babae.
Pagka-harap namin ay nakita namin si...
BINABASA MO ANG
Haunted Vacation
Mystery / ThrillerA group of friends on their way for a vacation turns into a disaster. Are your friends do deserve the trust that you are giving? Will they survive from the killer or not? Witness the rollercoaster ride-like vacation of Dannika's squad. [COMPLETED]