Chapter 3: Problem Starts Here

45 1 1
                                    

JESSIE

Pag pasok ko sa bahay, nakita ko na rin si Angelo na papalapit sa bahay. Malungkot siya, siguro nasabi na ni Dannika.

"Angelo, bakit ka malungkot?" Tanong ko sa kanya.

"Wala ito." Yun lang ang tanging nasagot niya.

Ilang sandali lang dumating na rin si Dannika. Nginitian ko siya para maasar siya saakin.

"Nasabi ko na Jessie." Malungkot na pagkakasambit niya.

Buti naman at wala na akong kaagaw kay Angelo.

DANNIKA

Dumiretso agad ako sa kwarto. Medyo wierd kasi bakit iiwan ito ng may ari ng bahay na naka bukas.

Nag ayos na ako ng mga damit ko nang biglang pumasok si Hailie.

"Hi Dannika." Bati niya saakin.

"Hello!" Bati ko rin sa kanya.

"Dito din daw ako mag kwa-kwarto." Sambit niya.

"Sure." Sagot ko sa kanya.

"May napapansin ako sainyo ni Jessie, nag away ba kayo?" Tanong niya.

"Hindi ah." Tangi kong sagot.

"Ah ok. Natawagan mo na ba si Chelsey?" Tanong niya.

"Ay wait titignan ko lang ang phone ko." Sabi ko sa kanya.

Nag text pala si Chelsey at sabi niya malapit na daw siya. Kanina pa pala ito.

"Guys, nandito na si Chelsey!" Sigaw ni Alvin.

Na iwan na namin yung mga gamit namin sa taas dahil tumakbo kaming lahat pa baba.

Pagbaba ko na abutan ko si Chelsey na may dalang mga pagkain.

Fries, drinks, at sobrang daming burger. Ang dami. Sobrang dami.

"Paano mo nalaman na nandito kami sa bahay na ito?" Tanong ko kay Chelsey.

"Basta! Ang importante, kakain na kayo." Sagot niya.

Nilagay na agad naming lahat ang mga pagkain sa lamesa at kumain na rin.

Nagtataka pa rin ako kung paano nalaman ni Chelsey na nandito kami sa bahay na ito. Tanging kami lang magkakaibigan ang may alam nitong lugar na ito.

Nakita kong lalabas si Chelsey kaya susundan ko sana siya kaso biglang humarang si Hailie at biglang natapon ang juice sa damit ko.

Hindi ko na nasundan dahil natapunan ako sa damit ko.

"Guys tulong!" Sigaw ni Chelsey.

"Nasaan si Chelsey?" Sigaw ko.

"Nadun ata siya sa labas." Sigaw din ni Jak.

"Oh my God!" Gulat na gulat na sigaw ni Hailie.

Pag dating ko don ay nakita naming duguan si Jessie habang hawak hawak siya ni Chelsey.

"Anong ginawa mo Chelsey?" Tanong ni Angelo.

"Hindi ako ang dapat mong tanungin niyan. Ang tanungin mo ay ang sarili mo!" Pasigaw na sagot ni Chelsey.

"Diba nag uusap kayo ni Jessie kanina? At narinig ko na sinabi mo na hindi mo siya gusto." Sigaw ulit ni Chelsey.

"Ano naman?" Sagot ni Angelo

"Anong ginawa mo kay Jessie?" Tanong ni Chelsey.

"Wala akong ginawa sa kanya!" Sigaw na paliwanag ni Angelo.

"Anong magiging rason ko para patayin siya?" Sagot ulit ni Angelo.

"Simple lang. Para manahimik na si Jessie sa pang gugulo saiyo." Paliwanag ni Chelsey.

"Hindi ko magagawa iyon!" Sigaw ni Angelo.

"Hawakan niyo siya. Siya yung pumatay kay Jessie!" Utos ni Chelsey.

Hinawakan nila Alvin at Jak si Angelo at itinali siya sa may upuan.

"Wala akong ginawang masama. Pakawalan niyo na ako!" Sigaw ulit ni Angelo.

"Dalhin niyo iyan sa may sala." Sigaw ni Chelsey.

ANGELO

Alam ko sa sarili ko na wala akong ginagawang masama pero bakit ako ang nasisisi sa pagka-matay ni Jessie?

"Wala akong ginawang masama. Pakawalan niyo na ako!" Sigaw ko na parang walang nakakarinig saakin.

"Dannika, pakawalan mo ko please!" Pagmamakaawa ko kay Dannika.

"Sorry Angelo hindi ko pwede tanggalin ang tali sayo." Sagot niya sa akin.

"Oo, wag mo siya papakawalan at baka makapanakit ulit siya." Singit ng pinsan niyang si Chelsey.

"Wala nga akong ginagawang masama!" Sigaw ko.

"Tara na ayusin niyo na ang mga gamit niyo. Aalis na tayo." Utos ng pinsan niyang si Chelsey.

"Wag niyo ako iwan dito!" Pagmamakaawa ko sa kanila.

Alam ko sa sarili ko na wala akong kasalanan.

"Kapag ako naka alis dito sa pagkaka tali ko, papatayin ko kayong lahat!" Pasigaw kong sinabi.

"Wish mo lang!" Sigaw ni Chelsey.

DANNIKA

Natatakot ako sa mga nangyayari. Bakit ba kailangan pang humantong sa gantong mga pangyayari.

"Dannika, dalian mo diyan at baka maka-takas pa si Angelo." Utos ni Chelsey saakin.

"Paano nga kung wala ngang kasalan si Angelo?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Halata naman na siya yon." Sagot ni Chelsey.

"Pero.." Di ko na natapos ang sasabihin ko kasi bigla siyang sumigaw.

"Ano ba! Sasama ka ba o maiiwan ka?" Pasigaw niyang tanong.

Hindi na ako naka sagot at nagligpit nalang ako.

"Wait lang lalabas lang ako." Sambit ni Chelsey sabay labas.

Pagka tapos ko magligpit ay bumaba na rin ako para ibaba ang mga gamit ko. Nakita ko si Angelo na parang hinang-hina na.

Sobrang naawa na ako sa kanya. Kung pakawalan ko kaya siya?

Palapit na sana ako kay Angelo para tanggalin ang tali pero napigilan ako ni Alvin.

"Anong gagawin mo Dannika?" Tanong sakin ni Alvin.

"Please Alvin pakawalan na natin si Angelo." Pagmamakaawa ko kay Alvin.

"Pero hindi tayo sigurado kung sino ba ang pumatay kay Jessie, paano kung siya nga?" Sagot saakin ni Alvin.

"Pero alam ko ang ugali ni Angelo. Hindi niya iyon magagawa." Pag rarason ko kay Alvin.

"Ok sige papakawalan na natin siya para sayo." Sagot ni Alvin.

Papakawalan na namin dapat si Angelo pero biglang sumigaw si Chelsey. Kaya tumakbo kami ni Alvin para tignan ang nangyari.

"May ahas dito sa labas!" Tumakbo kami sa labas para patayin ito.

Ilang sandali lang ay may sumigaw na naman.

"Tulong!" Sigaw ni Hailie.

Haunted VacationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon