Sa sobrang haba ng paglalakad ko, napagod na ako at nagpahinga muna. Tutal may dugo naman na yung lupa, may pattern na ako at di na maliligaw.DANNIKA
Nanghihina na ako. Parang matutumba na ako anytime. Siguro sa sobrang lakas ng pa untog ko sa salamin ng kotse.
Pinipilit kong maglakad pero ang mga paa ko ay pagod na.
Binalak kong magpahinga muna sa gilid ng puno. Mag didilim na rin at delikado na kung magpapalakad lakad pa ako.
Hanggang ngayon, di pa rin nag si-sink in sa utak ko na wala na ang mga kaibigan ko. Di ko rin inaasahan yung mga ugaling nakita ko mula sa kanila.
Yung akala kong mabait may sungay.
Di ko namalayan na naka tulog pala ako ng halos isang oras. Nagising lang ako nang maka rinig ako ng sigaw.
Sigaw na nakakasira ng tulog.
"Dannika! Asan ka nang bida bida ka!" Sigaw niya.
"Punong puno na ako sa'yo ah!" Sigaw niya muli.
Huh? Ano bang nagawa ko at ganon nalang ang galit niya sa'kin.
"Simula bata pa tayo, ikaw na laging bukambibig ni mama at papa!" Sigaw niya ulit.
Natahimik ako at natulala. Ganun na pala kalala ang inggit ni Chelsey sa akin. Well, totoo namang ako ang bukambibig ng mga magulang niya.
Ako kasi lagi ang may honor sa school tapos siya wala kaya parang nabaling yung atensiyon ng mga magulang niya sa akin.
"Sorry kung iniisip mong ako yung bida para sayo. Hindi ko naman alam na ganyan ka pala ka inggit sa akin!" Pagpapaliwanag ko sa kanya.
Bakit lahat na lang ng tao naiinggit sa akin? Di ko naman intesiyong mang inggit.
Nag taka ako ng biglang tumahimik si Chelsey. Nag simula na akong mag lakad dahil baka mahanap pa niya ako.
Ilang minuto na at naglalakad pa rin ako. Napansin ko na may dugo palang tumutulo mula sa ulo ko.
Pinunit ko ang piraso ng aking damit at itinapal iyon sa ulo ko. Baka nakita niya na iyon at ma sundan niya na ako.
Kailangan ko nang bilisan ang paglalakad. Ilang sandali pa at may narinig muli akong sigaw.
"Hi Dannika!" Sambit ni Chelsey.
Nandiyan na siya, naka ngiti pa. Kinabahan ako kaya tumakbo ako kahit hinang-hina na ako.
"Sige, takbo lang Dannika. Run for your live." Sambit niya habang naka ngiti.
Tingin ako ng tingin sa likod ko, kada tingin ko ay palapit na siya ng palapit.
"Sige, takbo pa." Pang aasar niya.
Sa kakatakbo ko ay nakarating na ako sa may bangin.
"Please Chelsey, paalisin mo na ako." Pagmamakaawa ko sa kanya.
"Aww, kawawa ka naman." Pang aasar niya.
"Dalawa lang ang choice mo. Patayin kita or tumalon ka diyan sa bangin?" Sambit niya.
"Please paalisin mo na ko Chelsey!" Pasigaw ko na pagmamakaawa ko sa kanya.
"Go jump, kase di ako naaawa sayo. Atleast pag tumalon ka 50/50 pa na pwede ka pang mabuhay." Sambit niya.
Papalapit na siya ng papalapit, paatras naman ako ng paatras. Pagka atras ko ng isa pang beses ay gumuho ang inaapakan ko.
"Ahhh!" Dahil sa pagka hulog ko ay napa sigaw ako.
"Bye Dannika!" Pagmamaalam niya sa akin.
Gumulong gulong ako. Tumama sa puno. Nauntog sa mga bato, hanggang mapunta ako sa gitna ng kalsada.
May nakita akong kotse na paparating sa kinabagsakan ko.
"Tulong!" Sigaw ko.
Huminto ang kotse at bumaba ang nakasakay rito.

BINABASA MO ANG
Haunted Vacation
Misteri / ThrillerA group of friends on their way for a vacation turns into a disaster. Are your friends do deserve the trust that you are giving? Will they survive from the killer or not? Witness the rollercoaster ride-like vacation of Dannika's squad. [COMPLETED]