Chapter 2: Confrontation

42 1 1
                                    


"Ok guys i tra-try kong tawagan si Chelsey." Sagot ko sa kanila.

Tatawagan ko sana si Chelsey kaso wala pala akong load. Haha!

"Ano na Dannika?" Tanong ni Jessie.

"Guys di ko siya matawagan kasi wala akong load." Paliwanag ko sa kanila.

"Sinong may phone sainyo?" Tanong ko.

"Oh,may load yan." Alok ni Hailie sabay abot ng cellphone.

Tinawagan ko ang number ni Chelsey at sa awa ng diyos sumagot siya.

"Hello? Chelsey." Tanong ko.

"Oh,asan na kayo Dannika?" Tanong niya.

"Nandito kami sa may gubat." Sagot ko sakanya.

"Saan ggubat?" Tanong ulit niya.

"Hindi ko alam eh, pero marami ditong mga damo na sobrang taas." Paliwanag ko.

"Ah ok, pupuntahan ko kayo hintayin niyo lang ako." Sambit ni Chelsey.

Natapos na ang usapan namin dahil naubos na rin ang load. Ok na rin naman kasi atleast alam ko na na may susundo saamin dito.

"Ano na ang sabi ng pinsan mo?" Tanong ni Jessie.

"Susunduin na daw niya tayo." Sagot ko.

"Salamat naman at may susundo na saatin." Sambit ni Angelo sabay pikit ng mata.

"Guys matulog na tayo." Sambit ko sa kanila.

"Oo nga." Singit ni Hailie.

"Goodnight guys!" Sagot ko sa kanila.

Pagka pikit ko ng mata ko ay agad-agad akong nakatulog.

Mga bandang madaling araw ay nagising ako. Tinignan ko silang lahat pero parang may kulang.

Wala si Jessie. Asan kaya siya? Naglakad ako para hanapin siya, sobrang dami ng damo at ang tataas pa.

Pagdating ko sa dulo ng bundok nakita ko siyang nakaupo at nagsasalitang mag-isa.

"Bakit ba kasi hindi mo ako kayang mahalin? Pangit ba ako?" Sambit niya.

Nagtataka ako kung sino ang sinasabihan niya. Makikinig pa sana ako ng mas matagal, pero narinig niya ang mga damo na kumakaluskos.

"Sino ang nandiyan?" Tanong niya na may halong panginginig ng boses.

"Ako to si Dannika." Sagot ko.

"Narinig mo ba lahat?" Tanong niya.

"Hindi naman lahat." Sagot ko.

"Kilala mo ba kung sino yung tinutukoy ko." Tanong ulit niya.

"Hindi rin." Sagot ko.

"Naiinis ako sayo." Sambit niya na parang galit na galit siya.

Hindi ko alam kung bakit siya naiinis sa akin. May nagawa ba akong kasalanan.

"Ah...bakit naman?" Tanong ko sakanya.

"Manhid ka ba!" Pasigaw niyang sagot.

Haunted VacationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon