ALVINSa kakatakbo namin ay hindi na namin namalayan na kalsada na pala ang narating namin. Naghihintay kami ni Jak ng sasakyan na pwedeng tumulong sa amin.
Sinuwerte kami at mayroong dumaan na kotse non. Pinara namin iyon at huminto ito.
"Kailangan niyo ng tulong?" Tanong ng isang magandang babae na nagmamaneho ng sasakyan.
"Ah, oo eh." Sambit ko.
Nakakahiya man pero kailangan eh, wala na kaming iba pang mahingian ng tulong.
"Oo Ms. Beautiful." Singit ni Jak.
"I'm Kendra, not Ms. Beautiful." Sagot nito kay Jak.
"Hi Kendra! Ako nga pala si Jak." Sagot din nito.
"Sasakay ba kayo o ano?" Tanong ni Kendra.
Sumakay na kami at umalis na.
KENDRA
I was driving then may two boys ako na nakita. Syempre pinasakay ko sila then I asked them kung bakit sila nasa kalsada sa gitna ng gabi.
"Bakit kayo nasa kalsada sa gitna ng gabi?" Tanong ko sa kanila.
"Ah, eh. May pumapatay kasi sa amin ng mga kaibigan ko." Sagot ni Alvin.
"Kayo ang pinapatay?" Tanong ko.
"Oo, ng kaibigan naming babae." Sagot ulit ni Alvin.
"Babae pa huh? Traydor naman pala yang kaibigan niyong yan." Sambit niya.
"Iniisip mo bang duwag kami?" Tanong ni Alvin.
"Bakit lumaban ba kayo? Diba hindi? Edi duwag kayo." Pang asar na sagot ko sa kanila.
"Hindi ah!" Sigaw ni Jak.
"May kaibigan pa kasi kaming hinahanap eh. Pwede mo ba kaming tulungan?" Tanong nila sa akin.
"Pwede naman, yung kaya ko lang ah. Baka naman gawin niyo kong superhero sa request niyo." Sagot ko sa kanila.
Di pa ko nakaranas ng lalaki pa ang tinutulungan ko. Haha! All the boys at the school ligtas me, but now i'm the superhero now.
"Ano bang gagawin?" Tanong ko.
"Tutulungan mo lang naman kaming hanapin yung kaibigan namin." Sambit ni Jak.
"Yun lang pala eh, kaso may pupuntahan pa ako kaya baka mamaya pa natin mahanap yung kaibigan niyo." Sagot ko.
"Okay lang!" Sigaw nilang dalawa.
ALVIN
Ang suwerte talaga namin at nakita namin itong si Kendra. Mabait na maganda pa pero solid Dannika ito.
"San ka ba dapat papunta Kendra?" Tanong ni Jak.
"Papunta ako sa kaibigan ko." Sagot niya.
Nakakapagtaka dahil may kaibigan siya sa ganitong liblib na lugar?
"If you don't mind, anong pangalan ng kaibigan mo?" Tanong ko.
"Ano ba namang tanong yan Alvin? Pati pangalan ba naman ng kaibigan niya?" Singit ni Jak.
"Ok lang naman Jak. Ang pangalan niya ay Jessie." Sagot ni Kendra.
"Jessie!?" Pasigaw na tanong ni Jak.
Si Jessie at Kendra ay magkaibigan. WTF! Sasabihin ba namin or hindi nalang. Kung bumaba nalang kaya kami sa kotse niya?
"May problema ba Jak?" Tanong ni Kendra.
"Ah, eh. Yung kaibigan mo kase." Mahina kong sambit.
"Anong meron sa kaibigan ko? May nasabi ba akong mali?"" Tanong muli ni Kendra.
"Siya yung nagtangkang pumatay sa amin Kendra!" Sigaw ni Jak.
Napahinto ang sasakyan namin sabay tumingin si Kendra sa amin.
"Sure ba kayo sa sinasabi niyo?" Tanong muli ni Kendra.
"Oo, sure kami." Sabay naming sigaw ni Jak.
"Ano namang intensiyon ni Jessie para patayin kayo?" Tanong nito.
"Hindi rin namin alam." Sagot ko.
Natigil ang usapan namin ng biglang may tumawag sa cellphone ni Kendra. Pag tingin nito ay si Jessie ang tumatawag.
"Huwag kayong maingay tumatawag si Jessie." Paalala ni Kendra.
"Hello Jessie?" Sambit ni Kendra.
Nagulat kami ng sabihin ni Kendra ang pangalan ng kausap niya. Jessie din ang pangalan nito? Baka si Jessie nga yung kausap niya?
"Nasaan ka na ba Kendra?" Sigaw ni Jessie.
Narinig nga namin ang boses ni Jessie. Siyang siya, katulad nga ng boses ng kaaway naming Jessie.
"Malapit na ako, medyo male-late lang ng konti." Sambit ko.
"Sige, dalian mo! May hahabulin pa tayo." Sagot ni Jessie.
"Ok." Ang tanging sagot ni Kendra. Ihininto ni Kendra sabay tingin sa amin
"Sa tingin ko tama kayo." Sambit ni Kendra.
"Oo, totoo ang mga sinasabi namin." Sagot ni Jak.
"Siguro kailangan na nating umalis." Sambit ni Kendra.
"Huwag!" Sigaw ko.
"Bakit naman?" Tanong ni Kendra.
"Kailangan pa natin hanapin si Dannika." Sagot ko.
"Ok sige, tutulungan ko kayo. Titignan ko kung ano ang plano ni Jessie." Sambit ni Kendra.
"Paano kami?" Tanong ni Jak.
"Dito nalang kayo sa kotse at magtago kayo doon sa likod." Sagot ni Kendra.
Lumipat na kami sa likod at sinimulan nang patakbuhin ni Kendra ang kotse.
BINABASA MO ANG
Haunted Vacation
Mystery / ThrillerA group of friends on their way for a vacation turns into a disaster. Are your friends do deserve the trust that you are giving? Will they survive from the killer or not? Witness the rollercoaster ride-like vacation of Dannika's squad. [COMPLETED]