KYLIE
"Alam mo ang weird nung babae na iyon." Sambit ko.
"Oo nga eh, bakit siya bababa kung alam niyang delikado sa daan. Mamaya niyan makita siya ng gustong pumatay sa kaniya." Sambit ni Edmark.
Natigil ang usapan namin nang makarating na kami sa resthouse ni Jessie.
Bumaba na ako sa kotse namin, nakita ko na rin ang kotse ni Kendra. May napansin akong gumagalaw sa kotse ni Kendra na para bang may tao sa loob nito.
Papalapit na ako sa kotse nang bigla na lang ako tinawag ni Edmark.
"Kylie! Tara na sa loob." Sigaw nito.
Umalis na ako sa kotse ni Kendra at pumunta na sa pinto para kumatok.
"Jessie!" Sigaw ko.
"Wait!" Sigaw ni Kendra.
Binuksan ni Kendra ang pinto at bumungad sa akin ang mukha niyang pawisan.
"Mag usap tayo." Sambit ni Kendra.
"Mauna ka na doon Edmark. Sabihin mo magyoyosi lang kami." Sambit ko.
Naglakad kami papuntang garahe para walang makarinig ng usapan namin.
"Ano ba iyon Kendra?" Tanong ko.
"Si Jessie." Sambit niya.
"Anong meron kay Jessie?" Tanong ko.
"Gusto niyang tulungan natin siyang patayin ang mga kaibigan niya." Sambit nito.
"Ano?" Tanong ko.
"Oo, kailangan na nating tumakas." Sambit ni Kendra.
"Hindi. Hindi tayo aalis hangga't wala pang patunay." Sambit ko.
"What? Maghihintay ka pa na mamatay ka!" Sigaw ni Kendra.
"Go! Umalis ka na, kung gusto mo." Pamimilit ko sa kanya.
"Bakit ka agad aalis Kendra?" Biglang singit ni Jessie.
Kinabahan kaming parehas ni Kendra at nagkatitigan.
"Ah... May emergency kasi eh." Sagot ni Kendra.
"Anong emergency?" Tanong ni Jessie.
"Si mama kasi, bigla nalang nilagnat." Sambit ni Kendra.
"Alam mo, kung magsisinungaling ka. Galingan mo naman!" Sigaw ni Jessie sabay sakal kay Kendra.
Lalapit sana ako para tulungan si Kendra ngunit tinulak ako nito papalayo at natumba ako.
"Please Kendra, magsabi ka na ng totoo." Pagpipilit ni Jessie habang hinihigpitan pa ang pag sakal kay Kendra.
"Wala akong... Al... am." Sambit ni Kendra na nanghihina na.
Kinuha ko ang tabla na nasa tabi ko at hinampas ko ito kay Jessie.
"Aray!" Sigaw ni Jessie.
"Kendra, ayos ka lang?" Tanong ko kay Kendra.
Itinayo ko si Kendra at sumigaw para humingi ng tulong kay Edmark. Nagulat ako nang may biglang lumabas sa kotse ni Kendra na dalawang lalaki.
"Kendra!" Sigaw ng isang lalaki.
"Jak. Tulungan niyo ako!" Sigaw ni Kendra.
Binuhat ni Jak si Kendra papuntang kotse habang sumama sa akin ang isang lalaki sa loob ng bahay upang hanapin si Edmark.
Pag pasok namin sa bahay ay gulo-gulo ang mga upuan at tila bang may naglaro na mga bata dito.
Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko si Edmark na naka handusay sa lapag.
"Edmark! Gumising ka!" Sigaw ko habang umiiyak.
Tadtad ng saksak ang leeg ni Edmark pati na rin ang tiyan nito.
"Edmark! Please, gumising ka na!" Sigaw kong muli.
Maya-maya pa ay dumating si Jessie na may hawak na baril at tinutok ito sa akin.
"Kylie, my friend. I thought ikaw ang makakasama ko sa pag patay sa mga kaibigan ko, pero ngayon isa ka na sa mga papatayin ko." Sambit ni Jessie habang naka-ngiti.
"Hindi ko inaasahan na ganyan ka pala kasama!" Sigaw ko.
"Oh, Alvin! Bakit ka pala andito?" Tanong ni Jessie.
"Para hanapin si Dannika!" Sigaw mi Alvin.
"Dannika. Dannika. Dannika! Letseng Dannika yan!" Sigaw ni Jessie habang pinaputok ang baril sa vase sa may sala.
"Tama na nga itong drama na ito." Sambit ni Jessie sabay tutol ng baril sa akin.
"Jessie, please wag!" Pagmamakaawa ko.
Ipuputok na sana ni Jessie ang baril ngunit sinangga ito ni Alvin kaya sa iba ito tumama.
"Umalis ka na Kylie!" Sigaw ni Alvin sa akin.
"Pano si Edmark?" Tanong ko.
"Iwan mo na siya, bangkay na lang siya!" Sigaw muli nito.
Mahirap man gawin ay umalis pa rin ako. Tumakbo na ako papunta sa kotse ni Kendra at sumakay.
JESSIE
It's me between Alvin. Lintik na buhay yan, naka wala pa yung Kylie na yun! Tapos itong Alvin na ito buhay pa pala.
"Itigil mo na itong kasamaan mo Jessie!" Sigaw sa akin ni Alvin.
"Hindi ko ito ititigil hangga't buhay pa kayo nila Dannika!" Sigaw ko.
Ano sila? Sinuswerte. Hindi ko sila titigilan hangga't buhay pa ako!
Itinutok ko ang baril kay Alvin sabay ngumiti.
"Paalam na Alvin." Pamamaalam ko kay Alvin.
Sinangga muli ni Alvin ang baril ko at sa pagkakataong ito ako ang natamaan. Bwiset!
"Hindi ko sinasadya iyon, ikaw ang bumaril non!" Sigaw ni Alvin.
Itinutok ko muli ang baril sa kanya at pinutok ito. Tumama ito sa may braso niya.
"Kwits na tayo." Sambit ko sabay ngiti.
Ipuputok ko muli sana ang baril ngunit may humampas sa akin sa likuran ko. Sa pagkabagsak ko ay nakita ko si Jak na may hawak na tabla. Nanghina muli ako at nawalan ng malay.
KENDRA
"Asan na sila? Bakit nag tagal nila?" Pag aalala ko sa kanila.
Nang sumilip ako sa bintana ay nakita ko na silang papunta dito sa kotse.
"Dalian niyo!" Sigaw ni Kylie.
Tumakbo na ang mga ito at sumakay na sa kotse. Ini-start ko na ang kotse at sinimulan nang umalis.
"Ayos ka lang ba Alvin?" Tanong ko.
"Oo, malayo sa bituka ito." Sagot ni Alvin.
Nagpahinga muna ang tatlo sa likod habang ako ay nagmamaneho.
BINABASA MO ANG
Haunted Vacation
Mystery / ThrillerA group of friends on their way for a vacation turns into a disaster. Are your friends do deserve the trust that you are giving? Will they survive from the killer or not? Witness the rollercoaster ride-like vacation of Dannika's squad. [COMPLETED]