Pumasok na agad kami sa kwarto at ni lock ang pinto. Hindi ako makapaniwala na magagawa iyon ni Angelo.Siguro nga totoo ang sinasabi ni Chelsey na si Angelo ang pumatay kay Jessie.
Naghanap na kami ng mga bagay na pwede ipang laban kay Angelo. Hindi na siya tulad na dati na binubully-bully lang noong 1st year high school kami.
Siguro nga nag iiba ang ugali ng tao at ang sakanya ang pinaka nag-iba.
"Ano ito?" Sambit ni Chelsey sabay inangat ang papel na mula sa bag ni Jessie.
"Anong naka sulat?" Tanong ni Alvin.
"Wait babasahin ko lang." Sambit ni Chelsey.
"For Alvin, akala mo ba hindi ko alam na may sikreto kang tinatago?"
"From Jessie: Alam mo ba Jak, Nahuli ko sila ni Hailie na mag kayakap sa isang club. Tignan mo ang laman ng bag ni Hailie at makikita mo picture nila."
Nakaka baliw na ito hindi ko na alam kung totoo ba ang mga naririnig ko.
"Totoo ba iyon Alvin?" Tanong ni Jak kay Alvin.
"Oo pero.." Di na natapos ni Alvin ang sasabihin niya dahil sinapak na siya ni Jak .
"Gag* ka!" Sigaw niya kay Alvin at sinuntok muli si Alvin.
"Matagal na iyon at hindi pa kayo mag syota non!" Pag dadahilan ni Alvin.
"Tara na lumipat nalang tayo ng kwarto Jak." Pagyayaya ni Chelsey.
"Mas mabuti pa nga!" Sigaw muli ni Jak.
Nag ligpit na ng gamit si Chelsey at lumabas na ng kwarto.
JAK
Bakit wala na si Angelo dito pati si Hailie? Nandito lang sila kanina.
Pumasok na kami sa isang kwarto.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ko kay Jak.
"Hindi." Tanging sagot ni Jak.
"Gusto mo uminom?" Alok ko sa kanya
"Meron kang dalang alak?" Tanong niya saakin.
"Oo wait lang, kukunin ko lang sa bag ko." Sambit ko.
Inabot na ni Chelsey ang alak saakin at habang patagal ng patagal ay nakakapikit na ako.
CHELSEY
Pagkagising ko ay katabi ko na si Jak. Bakit ang dilim?
Biglang tumunog ang pinto pero hindi ko makita kung sino ang pumasok.
"Mga walang hiya kayo!" Sigaw ni Hailie.
Buhay pa pala itong babaeng ito. Akala ko patay na eh.
Biglang nagising si Jak at gulat na gulat sa kanyang nakita.
"Bakit ikaw hindi ka ba nag loko?" Tanong ni Jak.
"Anong sinasabi mo Jak?" Tanong ni Hailie.
"Nakita daw kayo ni Jessie sa club na mag kayakap ni Alvin." Sambit ni Jak.
"Pero meron naman kaming ibang kasama." Pagdadahilan niya.
"Ang tanong ko ang sagutin mo. Bakit kayo magka tabi ni Chelsey?" Pag iiba niya ng usapan.
"Nalasing kami at hindi ko na namalayan ang mga nangyari." Sagot ni Jak.
"Walang hiya kayo!" Sigaw ni Hailie sabay nilabas ang baril na nakatago sa bulsa niya.
"Ibaba mo yan Hailie!" Sigaw ni Jak sabay agaw sa baril.
Nakakatawa silang dalawa kasi nag aaway sila pero di nila alam ako lang ang nag sulat at tsamba lang na nalaman ko iyon, paano ba naman ang daldal kasi masyado nito ni Hailie. Nakikipag usap nang naka loudspeaker.
"Please patawarin mo na ako. Itigil na natin to!" Sambit ni Jak.
"Hindi! Hindi! Hindi!" Paulit ulit na sinabi ni Hailie.
Nang maagaw na ni Jak ang baril ay itinutok niya ito kay Hailie.
Pinag agawan ulit nila ang baril at masyado na akong natutuwa sa kanila. Para silang mga batang nag aagawan sa bola.
Sumali na ako at naki agaw sa kanila ng baril. Nang makukuha na ni Jak ang baril ay biglang tinulak ni Hailie si Jak sa may sahig at nawalan ng malay.
"Wag ka na nga maki sali dito Chelsey!"
Sigaw niya saakin.Inagaw ko kaagad ang baril sakanya at itinutok naman sakanya.
"Ano ka ngayon Hailie?" Pananakot ko sa kaniya.
Sabay baril kay Hailie.
"Bye Hailie, sigurado na ako ngayon na patay ka na." Pamamaalam ko sa kaniya.
"Chelsey, anong ginawa mo." Nanghihina niyang sinabi.
DANNIKA
Ano iyon bakit may putok ng baril? Sino nanaman ba ang nag aaway?
"Alvin, gising!" Sigaw ko kay Alvin.
"Baka sa kabilang kwarto iyon."
Agad agad kaming tumakbo papunta at naabutan namin nakahiga si Hailie sa sahig na duguan.
"Anong nangyari Chelsey?" Tanong ko sa kaniya.
"Binaril niya ang sarili niya dahil naguguluhan na siya sa mga nangyayari." Pagdadahilan ni Chelsey.
"Totoo ba iyan?" Tanong ko.
"Ano, mukha ba akong nagsisinungaling?" Tanong ni Chelsey.
"Eh bakit si Jak anong nangyari sa kanya?" Tanong ulit niya.
"Pipigilan sana niya si Hailie kaso naitulak siya nito at nawalan ng malay." Pagdadahilan muli ni Chelsey.
"Anong nangyari?" Tanong ni Jak.
"Wala na si Hailie. Binaril niya ang sarili niya." Sagot ni Chelsey.
Aalis na sana kami sa kwarto pero biglang namatay ang ilaw.
BINABASA MO ANG
Haunted Vacation
Mystery / ThrillerA group of friends on their way for a vacation turns into a disaster. Are your friends do deserve the trust that you are giving? Will they survive from the killer or not? Witness the rollercoaster ride-like vacation of Dannika's squad. [COMPLETED]