Chapter 14: Who's The Suspect?

4 1 2
                                    

KYLIE

Bakit ba ang malas? Bakit? Sa dinami-rami ng pwedeng malasin, kami pa!

"Wag ka na ma-stress Kendra." Sambit ko.

Tiningnan ko lang ito sabay tingin sa iba.

"I don't think it's a good idea kung magpapatuloy pa tayo sa paglalakad." Sambit ni Alvin.

"Oo nga, dito nalang tayo magpalipas ng gabi sa gubat." Sambit ni Jak.

Nagkaisa na kaming lahat na magpahinga nalang dito sa gubat except Kendra.

"No! No! No! Ayaw kong mag sayang ng oras dito sa lugar na ito!" Sambit ni Kendra.

Nagpatuloy pa rin ito sa paglalakad hanggang sa pigilin ito ni Jak.

"Ano ba? Bitawan mo nga ako!" Sigaw ni Kendra.

Hindi pa rin bumitaw si Jak kaya nasampal ito ni Kendra.

"Makulit ka, sabi nang bitawan mo ko eh!" Sigaw ni Kendra.

Sa lakas ng pagkasampal kay Jak ay napa bitaw ito sa kamay ni Kendra.

"Hindi kita gusto! I thought gusto rin kita, but I realized. Bakit pa ako makikipagrelasyon kung di rin naman tatagal!" Sigaw ni Kendra.

Tumingin lang si Jak kay Kendra na para bang naguguluhan.

"Mamatay rin tayong lahat dito, walang matitira sa atin!" Sigaw ni Kendra.

"Huwag ka nga mag-isip ng ganiyan!" Sigaw ko kay Kendra.

"Tama na yan guys. Matulog nalang tayo, pahinga lang katapat niyang mga galit niyo. Bukas ng umaga aalis agad tayo dito." Pagkakalma sa amin ni Alvin.

Humiga na ako sa damuhan, ganun na rin sila Alvin at Jak habang naiiwang naka-upo si Kendra sa may malaking bato.

ALVIN

Nagkakagulo na dito, gusto nilang maka-takas pero puro away naman sila! Sa sobrang inis ko'y sinabi kong matulog nalang.

Humiga na ako at sumunod naman sina Kylie at Jak habang naiwang naka-upo si Kendra sa may malaking bato.

"Night!" Sigaw ko.

Walang sumagot sa sinabi ko kaya ipinikit ko na ang mga mata ko at sinimulan ng matulog.

JAK

Grabe, hindi ko namalayang umaga na pala. Tumayo ako at nakitang may hawak si Kylie na kutsilyong may maraming dugo.

"Kylie, ano yan?" Tanong ko.

Nagising siya at nabigla rin sa hawak niya sabay bato rito.

"Wala akong alam!" Sigaw ni Kylie.

Nagising na si Alvin sa ingay namin.

"Bakit may dugo yang kamay mo?" Tanong ni Alvin.

"Hindi ko alam." Sambit ni Kylie.

"Nasaan si Kendra?" Tanong muli ni Alvin.

Tumayo agad si Kylie at si Alvin para hanapin si Kendra. Nabigla kaming lahat ng makita namin si Kendra na nakahandusay sa malaking bato na kina-uupuan niya kagabi.

"Kendra!" Sigaw ni Kylie.

Napansin ko na may saksak si Kendra sa may leeg nito.

"May saksak siya sa leeg!" Sigaw ko.

Nagtinginan kami ni Alvin na para bang tinuturo na si Kylie ang pumatay rito.

Tinitigan ko si Kylie ng masama, nang makita niyang nakatitig ako sa kaniya ay lumapit ito sa akin at tinulak ako.

"Ako ba sa tingin mo ang pumatay?" Tanong ni Kylie sa akin habang umiiyak.

"Sino pa ba?" Sambit ko.

"Hindi ako! Maniwala kayo guys!" Sigaw ko.

Lumapit si Alvin kay Kylie at niyakap ito.

"Naniniwala ako sayo." Sambit ni Alvin kay Kylie.

"Talaga Alvin? Talagang pinaniniwalaan mo pa yan!" Sigaw ko.

"Wala akong kasalanan, nagulat nga lang ako kasi may hawak na akong kutsilyo!" Sambit ni Kylie.

Tumitig ito sa akin ng masama at lumapit muli.

"Ikaw! Siguro ikaw ang nag-lagay ng kutsilyo noh?" Sigaw ni Kylie sa akin.

Tinulak ko si Kylie at natumba ito.

"Wag mong ipasa sa akin yang kasamaan mo!" Sigaw ko.

"Jak, Babae yang tinulak mo!" Sigaw nito sabay tulak sa akin.

"Wala akong pake!" Sigaw ko.

Pinatay niya si Kendra, di malayong pwede niya rin kaming patayin.

"Siguro balak mo rin kaming patayin noh?" Sambit ko.

"Huh? Anonbang sinasabi mo!" Sigaw ni Kylie.

"Tama na!" Sigaw ni Alvin.

"Maghiwa-hiwalay nalang tayo." Sigaw ko.

"Ok! Kung sa tingin mo na yan ang makakabuti, ok fine!" Sigaw ni Kylie sabay tayo at naglakad papalayo.

"Wait lang Kylie! Sigaw ni Alvin.

Sumama na si Alvin kay Kylie at nag-lakad papalayo.

"Mamamatay ka na mamaya Alvin!" Sigaw ko at naglakad na rin sa kabilang parte ng gubat.

SECRET KILLER

Hahaha! Nakakatawa dahil nag-aaway na sila. Ngayon, mas madali ko na lang silang mapapatay.

One by one lang para swabe. Hahaha!

JAKE

Napa-haba ata ang tulog ko, sa sobrang haba, nawala na si Dannika.

"Dannika?" Tanong ko.

Napansin kong wala rin si Chelsey.

"Chelsey! Nasaan ka na!" Sigaw ko.

Ako lang mag-isa ang natira dito sa ilalim. Tatayo na sana ako ngunit napansin kong naka-tali pala ang mga kamay ko.

"Tulong!" Sigaw kong muli.

Una pa lang, halata ko nang masama talaga yang Chelsey na yan.

May napansin akong maliit ng piraso ng papel sa may lupa. Pinilit kong abutin ito ng paa ko ngunit hindi ko maabot sa sobrang layo.

"Tulong!" Sigaw kong muli.

"May tao ata sa baba." Sambit ng isang babae.

"Oo nga tignan nga natin!" Sigaw naman ng lalaki.

Haunted VacationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon