Chapter 13: Back To Zero

4 1 1
                                    

DANNIKA

Naglalakad ako ngayon na parang palaboy. Naiinis ako kay Jake, bakit ba ayaw niya ako paniwalaan!

Lahat nalang ng tao na kasama ko, ayaw ako paniwalaan.

Naramdaman ko na naman na may sumusunod sa akin, humarap  ako at tinignan kung sino ito. This time, si Chelsey naman.

"Di ka pa ba napapagod?" Tanong ko.

"Pagod na ko! Sobrang pagod na ako kakahanap sa'yong hayop ka!" Sigaw ni Chelsey.

"Alam mo, kung gusto mo na kong patayin. Go! Okay lang." Sambit ko.

"Hindi! Ayoko! Gusto muna kitang pahirapan." Sambit niya sabay takbo papalapit sa akin.

Tumakbo ako ng mabilis para hindi niya ako mahabol.

"Dannika, wag ka nang tumakas!" Sigaw ni Chelsey.

Binilisan ko pa lalo ang pag takbo, hindi ko na pansin na may butas pala sa tinatakbuhan ko.

"Ahhh!" Sigaw ko.

Nahulog ako at tumama  sa mga batong nasa lupa.

"Aray ko." Ang tangi kong nasabi.

Tumayo ako at humanap na agad ng madadaanan. Hindi ako pwedeng maabutan ni Chelsey dito.

"Dannika! Asan ka na?" Sigaw nito.

Nagulat ako ng biglang may nahulog muli sa butas, si Chelsey.

"Aray! Yung likod ko." Sigaw niya.

Pag lingon ko sa kanya ay duguan ang ulo niya, siguro tumama ito sa may batong malaki.

Lumapit ako at tinignan kung ayos lang siya.

"Chelsey! Chelsey! Gising."  Sambit ko sabay yugyog sa kanya.

Tila parang patay na siya. Hindi gumagalaw, hindi humihinga. Sinubukan kong idilat ang mata niya nang bigla niya ako sakalin.

"Ch... Che... Chelsey. Please, wag mo na... naman gawin ito." Pagmamakaawa ko.

"No! Hindi magiging worth it to kung hindi ka mamamatay." Sambit niya.

"Lahat ng galit na tinatago ko, Ilalabas ko para sayo!" Galit na sigaw nito.

Tinatanggal ko ang kamay niya sa aking leeg ngunit hindi ko ito matanggal dahil sa sobrang higpit nito.

"Tatanggalin mo pa!" Sigaw niya habang mas lalo niya pang hinigpitan ang pag sakal sa akin.

Unti-unti akong nanghina at tuluyan nang nawalan ng malay.

KYLIE

Nasa kalsada na kami paalis ng bahay ni Jessie. Nagpahinga na muna si Kendra sa pagmamaneho at pumalit naman si Jak.

"Kylie, tumawag ka ng pulis!" Sigaw ni Kendra.

"Sinasabi ko lang!" Sigaw din ni Kendra.

"Kendra, mukhang wala na tayong gas." Sambit ni Jak.

"Hala! Hindi pwede yan!" Sigaw ni Kendra.

Unti-unting nang huminto ang kotse. Galit na galit si Kendra.

"Hindi pwede yan! Gumawa tayo ng paraan, please." Sambit muli ni Kendra.

Bumaba si Jak at Alvin para umalis na.

"Ano, di ba kayo bababa?" Tanong sa amin ni Alvin.

Tumayo na ako sa sasakyan at bumaba.

"Walang mangyayari kung uupo ka lang diyan Kendra." Sambit ko kay Kendra.

Kinuha na ni Kendra ang bag niya at lumabas na rin ng sasakyan.

"Ang malas naman!" Sigaw ni Alvin sabay kunot ng noo.

"May balat ka ata sa pwet eh." Pagbibiro ni Jak.

"Kung sapakin kaya kita diyan, kita mong namomroblema na tayo, nakuha mo pang mag biro." Naiinis na sambit ni Alvin sabay batok kay Jak.

Naglakad na kami papalayo para maka hanap ng tulong.

"Back to zero!" Sigaw ni Jak.

JAKE

Nasan na ba si Dannika? Dapat pala hinabol ka na siya kanina nung tumakbo siya, edi sana kasama ko pa siya.

Habang naglalakad ako ay may nakita akong butas na napaka laki. Madilim man pero kitang kita ko. Parang may nahulog dito, siguro isa itong trap.

Lumapit ako para makita ko kung ano ang nasa loob nito.

"What the..." Sigaw ko.

Napa-english na ko sa nakita ko. Isang babaeng walang malay.

Si Dannika iyon. Bumaba agad ako para tignan kung buhay pa ito. Dahan-dahan akong bumaba at kumapit sa mga bato upang hindi ako mahulog.

"Dannika! Gising!" Sigaw ko.

Pagkababa ko ay iniyugyog ko ito, naka ilang yugyog ako ay tila wala pa rin itong pakiramdam.

"Sino ka?" Tanong ng isang babaeng may hawak ng bato.

"Sino ka?" Pagbabalik ko ng tanong sa kaniya.

"Wag mo nga ibalik ang tanong ko!" Sigaw nito.

"Anong ginawa mo kay Dannika?" Tanong ko rito.

"Oh, friend ka niya?" Tanong nito.

"Oo." Tangi kong nasagot.

Lumapit ito sa akin at nag salita.

"Nagulog kasi kami ni Dannika dito." Sambit nito.

"Sabay talaga kayo?" Tanong ko.

"Oo, sabay. Tanga namin noh!" Sambit niya sabay tawa.

"Haha, paano nga pala kayo nag kita?" Tanong ko.

"Ah... kase itong si Dannika tumawag sa akin, sabi niya tulungan ko raw siya. Kaya yun, pumunta agad ako dito." Sambit nito.

"Ah, ano nga palang pangalan mo?" Tanong kong muli.

"Chloe." Sambit nito.

It's wierd kasi wala namang nakwento sa akin si Dannika na may tinawag pala siyang kaibigan, siguro matagal niya na itong sinabihan.

"Why don't you sleep muna?" Alok ni Chloe.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"I'm sure pagod ka kaya you need a rest, so sleep." Sambit ni Chloe sabay turo sa may kanto. "Doon, magpahinga ka na muna sandali."

Hindi ko na tinanggihan ang offer niya at pumunta na sa kanto.

"Ako na bahala kay Dannika, if ever magising na siya, gigisingin din kita." Sambit nito.

"Ok, salamat nga pala Chloe." Pasasalamat ko rito.

"Sige na, magpahinga ka na." Sambit ni sabay ngiti.

Wierd man na maging mabait siya sa akin, still thankful. Makakatulog na din sa wakas!

Haunted VacationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon