Chapter 4: The Fight

18 1 0
                                    

ANGELO

Wala naman talaga akong kasalanan.

*FLASHBACK*

Maka-punta nga sa taas, kakausapin ko si Dannika, alam kong gusto niya rin ako ayaw niya lang sabihin.

"Angelo, pwede ba kita maka-usap?" Tanong saakin ni Jessie.

"Tungkol saan?" Tanong ko.

"Tungkol sana sa nararamdaman ko sayo." Sambit niya.

"Jessie, sorry hindi ikaw ang gusto ko." Sagot ko sa kanya.

"Si Dannika ba?" Tanong niya.

"Oo, sorry."  Ang tangi kong nasabi.

Bigla siyang nag punta sa labas habang umiiyak. Ilang sandali lang at sumunod ding lumabas si Chelsey.

*FLASHBACK ENDS*

Bakit parang ang bilis ng pangyayari? Wala akong ginawa kay Jessie.

Kahit hindi ko siya gusto, hindi ko naman kaya pumatay ng tao. Lalo na kaibigan pa namin siya.

Mga ilang minuto na akong nakatali dito at hinang hina na ako.

Buti na lang at nakakita ako ng vase. Binasag ko ang vase at pinang hiwa ito sa taling naka gapos saakin.

Kapag ako naka takas dito papatayin ko silang  lahat.

Nang matanggal ang tali na nakagapos sa akin, nag-hanap na agad ako ng bagay na maipang lalaban.

Nag-hanap ako sa mga drawer at nakakita ako ng baril sabay tumingin sa  sala kung sino ang nandoon.

Pagkasilip ko ay nakita ko si Hailie mag isa.

"Hailie." Tawag ko sakanya.

"Paano ka naka-takas sa upuan?" Tanong niya.

"Simple lang, nakakita lang naman ako ng vase sa may tabi ng upuan ko." Sagot ko sa kanya.

Hindi na siya nakapag salita sa sinabi ko.

"Alam mo may surprise ako sayo."  Pangaasar ko sa kanya.

"Ano iyon?" Tanong niya habang nanginginig.

"Baril" pabulong kong sinabi sabay hila sa kanya at sinakal siya.

"Tulong!" Sigaw niya.

"Sige mag tawag ka ng tulong." Utos ko sa kanya.

Pag sigaw niya ay dumating si Jak.

"Wow ang sweet naman!" Sigaw ko kay Jak.

"Bitawan mo siya!" Sigaw ni Jak.

"Hindi niyo ako pinakawalan, pwes hindi ko rin papakawalan si Hailie." Sigaw ko kay Jak.

Ilang sandali lang at dumating na sila Dannika.

"Angelo, bitawan mo yang baril!" Utos ni Dannika.

"Ayaw kitang idamay dito Dannika tumakas ka na dito!" Pasigaw na utos ko kay Dannika.

"Chelsey isara mo iyang pinto!" Utos ko kay Chelsey.

"Ano? Bakit?" Tanong niya.

"Isara mo kung ayaw mong sumabog ang utak ni Hailie." Pananakot ko.

"I padlock mo yan!" Utos ko ulit "Dalian mo!"

Pinadlock na ni Chelsey ang pinto at pagkatapos ay hinila ko si Hailie paakyat ng hagdan.

"Ibigay mo saakin ang susi!" Utos ko.

Binato ni Chelsey ang susi sa akin at sabay hinila ko muli si Hailie paakyat.

"Dahan dahan naman! Saan mo ba siya dadalhin?" Sigaw ni Jak.

"Manahimik ka!" Sigaw ko.

Dinala ko si Hailie sa balcony. Agad agad silang sumunod at nagsi-sigaw.

"Angelo please pakawalan mo na ako!" Pagmamakaawa ni Hailie.

"Patawad Hailie hindi kita pwede patakasin." Sagot ko sa kanya.

Bigla akong kinagat ni Hailie at sinuntok sa tiyan sabay tumakbo siya papalapit kanila Jak.

Papasok na sana sila sa kwarto pero nahila ko si Hailie at inuntog ko sa pader.

"Anong ginawa mo!" Tanong niya sabay suntok saakin ni Jak.

Nahilo ako pero nakabangon pa rin. Nag agawan kami ni Jak kay Hailie  pero dahil sa pag hihilaan namin nahulog si Hailie sa may hagdan.

Gumulong gulong si Hailie at nagdugo ang ulo nito. Sa sobrang galit ni Jak ay sinuntok niya ulit ako.

Nahilo ako at naipikit ang aking mga mata.

DANNIKA

Papasok na sana kami sa may kwarto namin ngunit biglang hinila ni Angelo si Hailie at inuntog niya ito.

Nabigla ako sa pagkakauntog ni Hailie. Hilong hilo na siya at hinang hina.

Sinubukang kuhain muli ni Jak si Hailie ngunit nakiagaw ulit si Angelo kaya nahulog si Hailie.

"Hailie!" Sigaw ko sabay takbo pababa.

"Hindi na siya humihinga!" Sigaw ni Alvin.

Biglang bumaba si Angelo at umiyak.

"Hailie, wag mo akong iiwan." Pagmamakaawa niya.

"Tara na pumasok na tayo dito sa kwarto at baka gumising pa si Angelo." Pasigaw na sambit ni Chelsey.

Haunted VacationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon