Chapter 11: Jessie's Friends

5 1 1
                                    

DANNIKA

Sobrang swerte ko dahil may nakakita sa akin sa may kalsadang kinabagsakan ko mula sa bangin.

"Ayos ka na ba miss?" Tanong ng lalaking katabi ko.

"Oo, medyo maayos na ang pakiramdam ko." Sagot ko.

"Bakit ka nga pala nasa gitna ng kalsada?" Tanong ng lalaking katabi ko.

"May kaibigan kasi akong trinatraydor ako. Balak niya akong patayin kaya tumakas ako." Sagot ko.

"Grabe naman pala yang kaibigan mo." Sambit ng lalaking katabi ko.

"Ako nga pala si Jake." Sambit ng katabi kong lalaki.

"Ah, salamat pala Jake." Sambit ko.

"Yan nga pala si Edmark" Turo sa may nagdra-drive.

Matangkad ito at parang pwede nang mag basketball player.

"Nice to meet you Edmark." Bati ko.

"Nice to me..." Hindi natapos ni Edmark ang sasabihin niya dahil sumingit ang babaeng nasa tabi ng driver's seat.

"Ako nga pala si Kylie." Singit nito sabay ngiti sa akin.

"Ah, Hi." Sabay ngiti.

"Mag syota nga pala sila." Singit ni Jake.

"Ah, kaya pala." Sagot ko.

Kaya naman pala grabe maka bakod itong si Kylie. Huwag siyang mag alala di ko aagawin yang syota niya.

"May problema ba?" Tanong ji Kylie.

"Huh? Wala kaya!" Sagot ko.

Naputol ang usapan nang biglang may tumawag kay Kylie.

"Jessie?" Tanong nito.

Jessie? Baka kapangalan lang ni Jessie yung babae na kausap ni Kylie. Pero pagkasagot ni Jessie ay narinig ko ang boses nitong naiirita.

"Asan ka na ba?" Tanong nito.

"Malapit na kami, easy ka lang." Sambit ni Kylie.

"Ok sige, dalian niyo! May hahabulin pa tayo!" Sigaw ni Jessie sabay baba ng telepono.

"Bababa na ako." Sambit ko.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Jake.

Hindi ko na sinagot si Jake at bumaba na ng sasakyan.

"Hayaan na natin yan." Sigaw ni Kylie.

Naglakad na ako nang papalayo sa kanila, nang naglalakad na ako papalayo ay may nararamdama akong parang mayroong sumusunod sa akin.

Pagkaharap ko ay nakita ko si Jake.

"Jake?" Tanong ko.

"Oo, ako nga." Sambit nito.

"Bakit ka ba umalis sa kotse?" Tanong nito.

Hindi ko sinagot ang tanong nito at nagpatuloy sa paglalakad.

"Bakit ka nga pala sumunod?" Tanong ko.

"Delikado kasi dito, baka mapaano ka pa." Sagot nito.

Hindi ko na napigilan ang bibig ko at naitanong kong " Sino si Jessie?".

"Si Jessie ay naging kaibigan namin dahil sa isang group." Sagot nito.

"Anong group naman iyo?" Tanong ko.

"Group ng mga naapi. Group kung saan
yung mga taong sinasaktan, minamaltrato, at inaagawan ay tinuturuang lumaban at gumanti. Parang telenobela lang noh?" Sagot ni Jake.

Sinaktan ko ba si Jessie? Hindi naman. Minaltrato ko ba siya? Never, sa pagkakaalam ko nga, trinatrato ko siya ng maayos. Inagawan? Hindi ko siya inaagawan, sadyang gusto lang ako ni Angelo.

"Ako yung babaeng tinutukoy ni Jessie na hahabulin niya." Sambit ko.

"Sigurado ka ba?" Tanong ni Jake.

"Oo! At hindi siya titigil hangga't hindi niya ako napapatay!" Sigaw ko.

"Alam mo parang imposible e." Sambit ni Jake.

"Ayaw mo maniwala? Sa mga galos at sugat na nasa katawan ko ngayon, di ka pa naniniwala? Gawa niya itong lahat! Kung hindi sana namin siya sinama para mag bakasyon ay hindi kami magkakaganto ng mga kaibigan ko!" Sigaw ko kay Jake.

"Ang gulo e, bakit naman niya gagawin iyon?" Tanong muli ni Jake.

"Hindi mo ba maintindihan? Inggit siya! Inggit!" Sigaw ko.

"Alam mo...." Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil bigla akong nagsalita.

"Kung ayaw mo maniwala, lumayo ka na sa akin!" Sambit ko sabay takbo palayo sa kanya.

KENDRA

Hindi ko inaasahan na masama pala itong si Jessie.

Malapit na kami sa resthouse nila Jessie. Habang nagdra-drive ako ay nag salita si Jak.

"Mag-ingat ka Kendra." Sambit ni Jak.

"Salamat Jak. Babalik din agad ako dito sa kotse para balitaan kayo." Sambit ko.

Nakarating na nga kami sa resthouse ni Jessie. Kailangan ko talagang mag-ingat dahil hindi niya alam na kasama ko sila Alvin.

Bumaba na ako sa kotse at pumunta sa pinto sabay katok.

"Jessie?" Tanong ko.

"Wait lang! Bakit ang tagal-tagal mo." Tanong nito.

Kinabahan ako nang mag tanong ito. Nautal-utal akong mag-salita.

"Ah... Eh... Ma-traffic kase." sagot ko.

"Traffic? Probinsya ito tapos traffic?" Sagot nito.

"Hindi! Traffic sa may Maynila. Oo, traffic dun. Grabe!" Sagot ko habang talikod ko na kunwari ay may kinuha.

"Ah... Papasok ka ba o ano?" Tanong nito.

Pumasok na ako at sinara na ang pinto.

Haunted VacationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon