"Guys bakit namatay ang ilaw?" Tanong ko sa kanilang lahat."Baka pinatay ni Angelo." Sagot ni Alvin.
"Oo nga, siya lang naman ang nasa labas diba." Singit ni Chelsey.
"Wag na tayo mag sayang pa nang oras, kailangan na nating umalis dito." Sambit ni Jak.
"Chelsey, doon tayo sa third floor mag hahanap tayo ng daan." Pagyaya ko kay Chelsey.
"Kayong dalawa doon kayo sa baba. Hanapin niyo yung switch ng ilaw." Utos ko sa kanilang dalawa.
"Oy mag bati na kayo." Pahabol ko sa kanila.
"Oh cellphone tumawag kayo pag may problema." Abot ko sakanila sabay labas na ng kwarto.
"Ingat kayo Dannika." Pagpapaalala ni Alvin.
"Ingat sila saakin" pagbibiro ko.
Masyadong madilim ang daanan kaya medyo mabagal lang kaming mag lakad ni Chelsey.
"Dannika." Tawag sakin ni Chelsey.
"Ano yon Chelsey?" Tanong ko sa kanya.
"Naalala mo ba nung mga bata pa tayo? Mahilig tayong magtago pag dadating na sila mama at papa." Pag aalala niya.
"Oo naman ang sarap nga balikan ng mga panahon na yon eh." Sambit ko sa kanya.
Natigil na ang usapan namin dahil may narinig kaming ingay sa may 3rd floor.
"Ano yon?" Tanong ko.
"Ah baka pusa lang." Sagot niya.
Tatakbo na sana ako paakyat kaso pinigilan ako ni Chelsey.
"Bakit mo ba ako hinaharangan?" Tanong ko kay Chelsey.
"Pusa nga lang kasi iyon." Pagdadahilan niya.
"Kung pusa iyon, kaya ko naman siyang
patayin." Sagot ko."Oh, edi sige puntahan mo."
Agad agad akong umakyat at tinignan ang paligid. Walang tao. Wala din namang pusa.
Ang dami palang kwarto dito. Isa sa kaliwa at dalawa sa kanan tapos sa dulo mayroong hagdan paakyat ng attic.
Pinuntahan muna namin ang unang kwarto sa may kanan.
Pag pasok namin sa kwarto ang daming manyika na nakakalat. Nakakatakot syempre hindi lang naman isang manyika, lagpas sampu.
Nag hanap na ako ng bintana na pwede labasan o kahit secret doors pero wala talaga.
Lumabas na kami at nagpunta sa pangalawang kwarto. Hindi na sumama si Chelsey dahil doon nalang daw siya sa isang kwarto.
Pag pasok ko sa kwarto ay maraming libro. Sobrang luma na ng mga gamit dito sa kwarto na ito.
Binuksan ko ang mga libro at may nakita akong isang pamilyar na picture.
Alam ko na may nagpakita na sa akin ng picture na tulad nito.Si Jessie? Anong meron kay Jessie at sa
lalaking ito. Tatay niya kaya ito?"Dannika, pumunta ka dito!" Tawag saakin ni Chelsey.
BINABASA MO ANG
Haunted Vacation
Misteri / ThrillerA group of friends on their way for a vacation turns into a disaster. Are your friends do deserve the trust that you are giving? Will they survive from the killer or not? Witness the rollercoaster ride-like vacation of Dannika's squad. [COMPLETED]