Chapter 7: Escaping Hell

10 1 1
                                    

DANNIKA

Pagka dilat ko ng mga mata ko ay naka tali na ako sa isang poste. Para akong nasa isang attic.

Nang tumingin ako sa paligid nakita ko si Chelsey na paakyat dito sa kinalalagyan ko.

"Ang tagal naman ni Jessie." Naiinis niyang sambit.

Hindi rin ako makapaniwala na mapapaikot nila kami ng ganito. Pero ano ba ang dahilan ng pagpapahirap nila saamin?

Nang mapansin ni Chelsey na medyo naka dilat ang mata ko ay pinikit ko agad.

Lumapit ito sa akin at biglang nag salita.

"Alam mo hindi ko naman talaga balak kang saktan. Ang kailangan ko lang naman ay si Jak eh. Siya lang talaga." Pagpapaliwanag sakin ni Chelsey.

"Bakit mo naman siya kailangan?" Tanong ko kay Chelsey.

"Wag ka nga tanong ng tanong!" Sigaw niya sakin.

"Chelsey, pinsan kita at alam kong may natitira pang bait diyan sa puso mo kaya sana pakawalan mo na ako. Tutulungan kitang maka takas dito." Sambit ko sa kaniya.

"Pwede ba, ayaw ko nang marinig yang mga kasinungalingan mo. Maski pag attend nga sa birthday ko noon hindi ka pumunta. Sabi mo pupunta ka!" Panunumbat niya.

"Babawi ako sa'yo pakawalan mo lang ako. Please!" Pagmamakaawa ko.

ALVIN

Dali dali akong dumapa at lumusot sa ilalim ng kama upang magtago kay
Angelo pero ilang minuto na at wala pa rin siya.

Tatayo na sana ako nang mapansin kong may susi sa gilid ng kama. Kinuha ko iyon at nilagay sa aking bulsa.

Lumabas na ako sa kama at tinignan kung nasa cabinet pa rin si Jak.

"Jak? Nandyan ka pa ba?" Tanong ko.

"Oo." pabulong niyang sinabi.

Lumabas na siya sa cabinet at sinubukang buksan ang pinto ng kwarto.

Sobrang dilim ng paligid at wala na kaming makita. Lumabas na kami ng kwarto at nagulat kami ng makita naming may babaeng naglalakad papuntang third floor. Nagtago agad kami sa may gilid para hindi niya kami makita.

Ilang sandali pa ay tumingin kami ulit sa kanya at ngayon naman, nakaharap na siya sa kinatatayuan namin kanina.

"Ano Alivin? Nasan na yung babae?" Tanong ni Jak.

Humarap ako sa kaniya at sinabing "Nandiyan siya, nakatingin sa kinatatayuan natin kanina."

Pagtingin kong muli sa babae ay nagulat akong nawala na ito. Paglingon ko aa likod namin ay nakita ko siya.

Si Jessie pala.

Sabay hampas kay Jak.

DANNIKA

"Uy, salamat Chelsey ah." Pagpapasalamat ko kay Chelsey.

"Wala yun, dalian na natin at baka maabutan pa tayo ni Jessie." Sambit niya.

Pabababa na kami nang makarinig kami ni Chelsey ng sigaw. Boses ni Jak yun, di ako nagkakamali.

Tumakbo agad kami pababa. Halos madapa na kami sa pagmamadali.

Naabutan naming nakahiga na si Jak sa may sahig habang si Alvin naman ay sinasakal ni Jessie.

Tumakbo si Chelsey at kinuha ang malaking kahoy sa may gilid ng kwarto namin sabay hampas nito kay Jessie.

Nasaktan si Jessie at napatumba sa sobrang lakas ng pag hamapas ni Chelsey.

Lumapit na ako kila Alvin para itayo sila. Inalalayan namin sila pababa ng 1st floor.

"Paano tayo makakalabas kung naka lock ang pinto." Tanong ko sa kanila.

"Na saakin ang susi ng pinto nung gabing lumipat kami ni Jak sa isang kwarto." Sagot ni Chelsey.

"Nakita ko iyon sa ilalim ng kama." Singit ni Alvin sabay abot saakin ng susi.

Pababa na kami ng maabutan naming duguan si Angelo. Nalungkot ako dahil bakit kailangan pang mamatay ni Angelo.

"Tara na!" Sigaw ni Jak.

"Mauna na kayo!" Sigaw ko sa kanila.

Nabuksan na nila ang pinto at lumabas na ng bahay.

Sinubukan kong itayo si Angelo at akayin ito palabas. Bawat hakbang ko ay pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko.

"Di kayo makakaalis!" Sigaw ni Jessie mula second floor.

Nakababa na kami at nakita kong nakasakay na sila Chelsey sa isang kotse.

"Dali!" Pagmamadali ni Chelsey.

Bumaba si Alvin at Jak para tulungan kami ni Angelo. Naririnig ko na ang malakas na kalampag ng hakbang ni Jessie pababa ng hagdan.

"Isasama ba natin 'to?" Tanong ni Alvin.

"Oo! Kailangan niya ng tulong natin!" Sigaw ko.

Sumakay na ako ng kotse at Sinakay na rin nila si Angelo. Bumalik sila sa may pinto upang harangan ito.

Ini-start na ni Chelsey ang makina ng kotse at ayaw guamana nito.

"Ano ba yan. Wrong timing bes!" Sigaw ni Chelsey.

Nakita kong hirap na hirap na sila Alvin at Jak na harangan ang pinto. Naalala ko bigla na wala nga palang gas yung kotse namin. Dali dali akong tumakbo para maghanap ng gas sa labas. Kalkal dito kalkal doon at swinerte ako dahil may gas akong nakita doon sa may damuhan.

Inilagay ko na agad ito at sinubukang paandarin ulit ito ni Chelsey. Sa kabutihang palad, gumana ito.

"Buksan niyo ito!" Sigaw ni Jessie.

"Ok na ba Dannika?" Tanong ni Jak.

"Oo dalian niyo." Sigaw ko.

Pinaandar na ni Chelsey ang kotse ng hindi pa nakakasakay sina Jak at Alvin.

Haunted VacationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon