MEETing

526 6 0
                                    


Ang pagpapatuloy ng storya....

Kinabukasan.....

(Kung di nyo alam or kung di nyo matandaan, basahin nyo na lang sa account na vicerylle_jj haha)

Maagang pumunta sina Jim,Jacob at Lei dahil ito na ang unang araw nila sa alok na trabaho ni Vice.

"Good Morning, Vice" bati agad ni Jim ng makarating na sila sa mismong opisina ni Vice.

"Good morning din" sagot ni Vice

"Ano nga pala ang trabaho namin" sabi ni Lei na mukhang excited na

"Ah, sorry ha wala na palang bakanteng pwesto sa VGPC" malungkot na sabi ni Vice sa tatlo

Wala namang ni-react ang tatlo dahil sa isip nila ay nagbibiro lamang si Vice

"Uy, bakit ang tahimik nyo?" takang tanong ni Vice sa tatlo

"Hahahaha, ang aga mo mag joke" tawang-tawang sabi Jacob

"Nahiya pa eh sige na nga ako na ang magsasabi ng Charooottt" dugtong naman ni Lei

"Ahahahaha dont us, Vice" sabi naman ni Jim

"Ha? Totoo ang sinasabi, seryoso ako. Ano ba ang nakain nyo at nagkakaganyan kayo?"

"Hahahaha kilala ka namin, Vice alam kong palabiro ka" sabi ni Jim

"Kung ayaw nyo maniwala, e di wag." sabi ni Vice na bumalik na sa kinauupuan nya at nag-ayos na ng kanyang gamit para sa meeting mamaya

Napatigil naman sina Jim,Jacob at Lei sa kakatawa ng marealize nilang hindi nga nagbibiro si Vice dahil halata sa mukha nito ang pagiging seryoso.

"Hala, huy Vice wala na talaga?"

"Oo, nga kahit janitor o taga linis ng aircon?"

"Or tagatimpla man lang ng juice?"

Tanong ng tatlo.

"Hay kasasabi lang diba? Paulit-ulit"

"Viceeee" pagmamakaawa ni Lei

Sakto namang dumating ang apat...

"Hi guys" masayang bati ni Jane

"Uy Hi Kuya at Kuya Jim,Jacob at Lei" bati ni France

"Oh bakit kayo malungkot?" tanong ni Xy sa tatlo

"Eh kasi wala na palang ibang positions sa VGBC, paasa ang Kuya nyo pwe" sabi ni Jacob

"Ah ganon ba?" sabi ni Jane na tila nalungkot

"By the way Kuya Lei here is your juice. Diba sabi ko sayo kahapon dadalhan kita" sabi ni Jellah na ikinatuwa naman ni Lei

"Ay oo nga! Thanks"

"Kuya Vice punta kami sa meeting ah" pagpapaalam ni Xy

"Bakit naman? Kasali ba kayo dun?"

"De, pero masama bang makinig at sumama?" tanong ni Jane kay Vice

"Di naman, pero akala ko ba may mission kayong ginagawa?" tanong ni Vice

"Pagkatapos pa ng meeting namin gagawin yun" sabi naman ni Jellah

"Yang mission nyo na yan ha, siguraduhin nyo lang na ligtas kayo dahil kapag may nangyaring masama sa inyo nako sinasabi ko sa inyo kukutusan ko kayong apat" pagpapa-alala ni Vice sa kapatid

''Syempre naman Kuya, kami pa ba" pagyayabang ni France

"Magdagdag kaya tayo ng security para sure" dagdag ni Vice

In Love Ako Sa'yo || ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon