Surprise

122 1 0
                                    


Maagang pumasok sina Karylle sa LBC. Natutuwa naman sina Coleen dahil natupad na ang gusto nilang mangyari.... Kaya ng dumating naman si Liana ay agad syang pinuntahan ni Karylle.

"Go, Karylle" sabi ni Coleen na tuwang-tuwa pa

..
"Good Morning Maam" bati ni Karylle kay Liana. Kasalukuyan na kasi silang nasa office ni Liana

"Good Morning din, Karylle. What brings you here?" tanong ni Liana

"Ah, Maam. Thank You po talaga kasi nung panahong wala po kaming trabaho, kayo lang po yung tumanggap samin kaya thank you po talaga" Natutuwang sabi ni Karylle

"Okay lang yun. Bakit ka nga pala nagpapasalamat?" nagtatakang tanong ni Liana.Seriously, wala naman talaga syang alam sa gustong mangyari ni Karylle. Mas lalo na lang syang nabigla ng.......... Bumagsak sa kanyang lamesa ang isang brown envelope.

......

VGBC...

"Oh, nandito na naman kayo?" tanong ni Vice sa apat nyang kapatid idagdag pa sina Jim, Jacob at Lei.

"Sige na Kuya, paminsan minsan na nga lang eh" sabi naman ni Jane

"Di naman kami mang-iistorbo behave kaya kami" pagmamayabang naman ni Jellah

"Sige na nga" tanging sabi na lang ni Vice

Makalipas ang isang oras....

"Ah,Kuya sandali lang may pupuntahan lang kami" pagpapa-alam nina France

"Saan kayo pupunta?" tanong ni Vice

"Tu--tumawag sina...sina Mommy at Daddy. May bisita daw madami kaya kailangan kami" pagdadahilan naman ni Xy

"Diba marami namang katulong du--"

"Bye Kuya" sabi naman ni Jellah

"Enjoy" sabi ng apat.

Pagka-alis pa lang nila ay saktong dating naman ni.....

"Karylle?!" gulat na gulat na sabi ni Vice.

"Surprise" masiglang bati ni Karylle kay Vice.

May dala kasi si Karylle na yellow na kahon at mga gamit niya plus yung bag niya pa.

"Tulungan na kita dyan"

"Wag na kaya ko 'to"

"Teka bakit ba ang dami mong dala? At tsaka anong surprise?'' tanong ni Vice. Kasalukuyan na silang naka-upo.

"Para sayo nga pala" sabay abot ng yellow box. "Diba sabi ko sayo babawi din ako at tsaka matagal ko na ding gustong ibigay sayo yan kaya sana magustuhan mo" dagdag pa ni Karylle

"Ha?" nakakunot noong tiningnan ni Vice ang laman ng kahon...

Isang damit galing sa ukay-ukay, isang teddy bear na pink, isang towel na yellow, isang ballpen na blue, at isang keychain na letter 'JM'

Habang tinititigan ni Vice ang binigay ni Karylle ay unti-unti na syang natatawa sa kaweirduhan ni Karylle.

"Seriously, K ang weird mo" natatawang sabi ni Vice

"Ang cute kaya lalo na 'tong teddy bear" natatawang tugon naman ni Karylle

"Pati yang damit ang ganda diba galing ukay ukay pa yan" dagdag pa nito

"Ang weirdddd mo, K" baklang-baklang sigaw ni Vice habang natatawa

"Weird talaga? Diba pwedeng gusto ko lang makatipid?"

"Pero, thank you dito"

"Ano ka ba, maliit na bagay"

''Teka diba may trabaho ka pa? Naku, late ka na gusto mo bang ihatid na kita?"

In Love Ako Sa'yo || ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon