Makalipas ang ilang linggo....
Tagapagsalaysay...
Isang linggo nang sinusubukang gawan ng paraan ni Karylle na mapag-ayos sina Dingdong at Vice pero mukhang hindi talaga mapag-ayos ang dalawa...
"Sigurado ka ba talaga? Pang-ilan na nating punta kay Dingdong...Baka kung ano na ang gawin nun sayo ah" Kinakabahang tugon ni Vice.
"Wag kang mag-alala, mabait si Dingdong--"
"Baka ikaw pa ang saktan nun" Pang-aasar naman ni Coleen kay Vice
Hindi naman maipinta ang mukha ni Vice sa sinabi ni Coleen.
"Joke lang hehe. Go Vice, nandito lang kami sa labas" pagchecheer naman nina Coleen at Anne
"Heto na...Hooo"
"Tara na mahal"
Agad silang nagtungo sa loob...
"Dingdong..."
"Karylle" Agad namang natuwa si Dingdong sa nakita.
"Bakit nandito ka na naman?"
"Kasama ko ulit si... Vice" tugon ni Karylle na agad namang nagpabago agad sa mood ni Dingdong.
"Ano na naman ba?"
"Wait lang Dingdong... Gusto ko lang maging okay na kayo ni Vice. Hindi ko kaya na kapag dumating yung oras na bumalik kami sa Pilipinas ay hindi kayo okay ni Vice. Dingdong, kaibigan kita... Bakit ba hindi mo magawang maging masaya para sa akin? Para sa amin ni Vice"
"Karylle... I'm sorry kung ikaw na yung humihingi na tawad sa kasalanang ginawa ko. Pasensya na rin kung napagsalitaan ko si Vice ng ganun. Nabigla lang kasi ako. Sigurado ka na ba talaga sa kanya?" At tinitigan naman ni Dingdong si Vice.
"Oo sigurado na siya... Last week pa siyang desidido sa desisyon niya--"
"Ikaw ba ang kinakausap ko?" Galit na usad ni Dingdong na agad nakapagpatahimik kay Vice.
"Oo sigurado na ako. Mahal na mahal ko si Vice" Hinawakan naman ni Karylle ang kamay ni Vice. Ramdam na niya kasing kinakabahan ang kanyang nobyo.
"Oh ikaw... baka naman saktan mo na naman si Karylle ha. Baka naman maglasing ka na naman sa isang bar tas may makita kang iba tas--"
"Ano ba Dingdong? Paulit-ulit ka na lang ba?--"
"Karylle, kalmahan mo lang" This time si Vice naman ang nag-aawat
"Hindi eh... Kaibigan kita Dingdong pero bakit ba hindi ka na lang maging masaya para sa akin? Ano pa bang gusto mong gawin ko? Simple lang naman ang gusto ko eh, tanggapin mo lang yung pagmamahalan namin ni Vice... Ano bang mahirap dun?" Tuluyan ng umiyak si Karylle
"Karylle, tara na. Huwag na nating pilitin kung ayaw, baka kung ano pa ang mangyari sa atin dito"
"Huh, sige lang. Iiwan mo rin naman ako diba? Umalis ka na! Ang lakas mong pumunta dito pero aalis ka lang din naman. Wala ka bang utang na loob? Kung hindi dahil sa amin ni Iza aba baka wala ka na ngayon. Baka nga napagsamantalahan ka na nung Yael na yun kaya---"
Isang suntok naman ang natanggap ni Dingdong mula kay Vice.
"Ikaw, kalalaki mong tao ganyan ka magsalita sa babae! Ano bang problema mo?"
"Eh ikaw anong problema mo?" Panghahamon naman ni Dingdong
"Tama na... Tama na" Pag-aawat ni Karylle sa dalawa...
BINABASA MO ANG
In Love Ako Sa'yo || ViceRylle
Hayran KurguDalawang mag best friends na nagkakacrush sa isa't-isa pero ayaw aminin. Nagkahiwalay. Magkikita pa kaya sila? Magkaka-aminan na ba? ABANGAN... •In Love Ako Sa'yo ♥• This is the CONTINUATION of ILASY