Continuation....
"Because our mission starts....NOW" nakangiting sabi ni Anne
"WHAT?!" sabay-sabay na sabi ng apat.
"Oo,ngayon na mismo. So, France makakauwi ka na at magpasama ka kay Jim, Xy ihahatid ka ni Jacob sa bahay nina Karylle, Jane dito ka lang sa VGBC then Me, Jellah and Lei may pupuntahan tayo" sabi ni Anne
"O-okay" tanging nasabi ni France
"O sige" tipid na sagot ni Xy
"Yes! Buti na lang sa VGBC ang pinili ko'' tuwang-tuwa na sabi naman ni Jane
"Ohh, sound's exciting" sabi naman ni Jellah
''Okay, girls! Do your missions!" sabi ni Anne
At tuluyan na nga silang pumunta sa kani-kanilang lugar kung saan naka-assign sila.
First: France's Mission at their house with Jim
Pagdating agad nila sa bahay ay nagtungo agad sila sa may private room kasama sina Mr. and Mrs. Viceral para bantayan ang CCTV. Tila nanonood sila ng sine sa pag-aabang kung may maglalagay ba ng regalo o kung dadating ba ang "secret admirer ni Karylle"
"Isang oras na tayo dito, wala pa ding nangyayari" sabi ni France habang kumakain ng popcorn
"Oo nga" pagsang-ayon naman ni Jim
"Pero mabuti na din na nakabantay tayo" sabi naman ng nakatatandang Viceral
"Kamusta naman kaya yung mga yun?"
Second: Xy's Mission at Karylle's house with Jacob
"Hi po, Tita" bati ni Xy sa ina ni Karylle
"Hi po" bati naman ni Jacob
"Hello, bakit nga pala kayo naparito? May problema ba?" tanong ng ina ni Karylle
"Wala naman po, nandito po kami para bantayan kayo at hanapin kung sino nga ba ang Secret Admirer ni Ate Karylle" pagpapaliwanag naman ni Xy at tanging tango lamang ang sagot ng ina ni Karylle
"Pasensya na po kung makakaistorbo kami" sabi naman ni Jacob
"Okay lang. Sige puntahan nyo na lang ako sa kusina kung may kailangan kayo" sabi ng ina ni Karylle
"Sige po, Tita"
Nanatiling nakasilip si Xy sa may bintana upang bantayan kung may dadating ba. Samantala, si Jacob naman ay nagtatago sa likod ng puno sa labas ng bahay.
"Wala pa din ba?" sagot ni Xy sa kabilang linya.
"Wait lang, Xy kanina pa kasi may lalaki ditong nakatayo at mukhang kahina-hinala ang hitsura. Don't worry babantayan ko siya"
"O sige, Kuya Jacob"
"Ayan na, naglakad na siya. Dyan ka lang wag kang aalis sa may bintana"
"Oo Kuya, natatanaw ko na siya."
''May inilagay siya sa labas. Wag ka munang lalabas hanggang di pa siya nakakailis"
"Copy, Kuya"
Nang umalis na ang 'lalaki' ay agad lumabas si Xy ng bahay ganun din naman si Jacob na nakatago sa puno. Kinuha nila ang isang box na inilagay ng lalaki at agad silang nagtungo pabalik sa loob ng bahay.
"Teka may card, oh" puna ni Jacob
Pagbukas nila sa box ay...
Wala, walang laman"Bakit walang laman?" tanong ni Xy
BINABASA MO ANG
In Love Ako Sa'yo || ViceRylle
FanfictionDalawang mag best friends na nagkakacrush sa isa't-isa pero ayaw aminin. Nagkahiwalay. Magkikita pa kaya sila? Magkaka-aminan na ba? ABANGAN... •In Love Ako Sa'yo ♥• This is the CONTINUATION of ILASY