YES

165 2 0
                                    

Ang Pagpapatuloy....

Kasalukuyang nasa bahay nina Vice ang magkakaibigan...

"Kamusta naman kayo, guys?" tanong ni Vice

"Ayos naman" tanging sagot ng lahat

"Ikaw, Karylle di ka na ba iniistorbo ng CLYNN na yun?" tanong ni Coleen sa kaibigan

"Hindi na, tatlong buwan na ang nakakaraan. Bigla silang nawala eh, di ko alam kung bakit"

"Hala, baka may plano silang inihahanda. Kilala nyo naman sila diba pasabog kung pasabog kailangan nating maghanda kasi baka kung ano na naman ang gawin nila sa atin" pagpapa-alala ni Anne

"Oo nga tama si Anne, nakakapagtaka kasi na kung kailan nalaman na natin kung sino talaga sila ay bigla na lang silang nawala" sabi naman ni Vhong

"Eh ano naman ang gagawin natin?" tanong ni Coleen

"Siguro kailangan nyo ng mag-aral ng pang self defense mga Ate at Kuya" sabi naman ni Jane

"Ay game ako dyan" sabi ni Coleen

"Me too" pagsang-ayon ni Anne

"Oo nga tama sya. At para mas maganda, simulan na natin ngayon" sabi ni Vice na ikinatuwa naman nina Coleen

"Sige sige kami ang magtuturo" sabi ni Xy na halatang excited

"Ako kay Kuya Billy" sabi ni Jane

"Ako kay Kuya Vhong" sabi naman ni France

"Kay Ate Coleen ako yieee" sabi naman ni Jellah

"Game" sabi naman ni Coleen

"Ako kay Ate Anne tapos si Kuya Vice syempre kay Ate Karylle" sabi naman ni Xy

"Ayieeee naks naman kilig ka na nyan" pang-aasar pa ni Coleen kay Karylle

"Ikaw talaga, Coleen ang ingay ingay mo lagi"

"At least maganda"

"Wow, Coleen ikaw ba yan?" tanong naman ni Anne

"Oo naman ako 'to" natatawang sabi ni Coleen

"Baliw kasi talaga yan kaya masanay ka na" sabi naman ni Karylle

"Ah so gantihan... Kuripot kasi talaga yan kaya masanay ka na" sabi naman ni Coleen

"Malaki kasi talaga ang bunganga niyan kaya masanay na kayo" pagsiksik naman ni Vhong sa usapan

"Aray ko ah, akala ko kakampi kita?" sabi ni Anne

"Ahahahahaha" tagatawa lang naman si Billy

"Uy, ano mag-uusap na lang kayo diyan? Aba, bilisan niyo na nga para mapabilis tayo" sabi naman ni Vice kaya tumigil at nagseryoso naman ang magkakaibigan

"Sorry po, Boss" sabay na sabi nina Anne at Coleen

"Okay, pumunta na kayo sa position at partners nyo para makapagsimula na tayo"

Isang oras ng nagta-training ang magkakaibigan ngunit di pa rin sila tumitigil

"Hooo, Pagod na ako pwede na bang magpahinga?" tanong ni Billy kay Jane

"Sige na nga po, pero 5 minutes lang ah"

"Oo na hooo salamat naman gusto ko na ng tubig" sabi ni Billy

"France tama na, may sugat na yata yung kamay ko kakasuntok eh di ka ba naaawa?" pagmamaka-awa ni Vhong

"Kuya last 5 minutes na lang tapos rest ka ng 10 minutes"

In Love Ako Sa'yo || ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon