Broken

92 2 1
                                    

Continuation....

Vice's POV

Puti. Maliwanag.

"Na--nasaan na ako?" Nahihilo kong sabi

Naramdaman ko namang may humawak sa akin

"Magpahinga ka muna Vice" Sagot ng isang babaeng umiiyak.

Nanitili naman akong nakahiga. Makatapos ang ilang minuto nakikita ko na sila. Ano bang nangyayari? Bakit ako nakaganito? Nakita ko naman sina Billy, Coleen, Vhong at Anne na nakatingin sa akin at tila umiiyak sila.

"Bakit ako nandito? Bakit kayo umiiyak? Nasaan sila? Nasaan si Karylle?" Sunod-sunod kong tanong

"Brad, dahan-dahan lang ang dami mo namang tanong" Pinipilit nilang tumawa ngunit nanatili pa din silang umiiyak.

Oo, nandito ako ngayon sa hospital. Bakit kaya?

"Anong araw ngayon?" Tanong ko sa kanila

"Lunes, nandito pa din tayo ngayon sa Cebu" Paliwanag naman ni Billy. Oo nga pala kahapon yung.....

"Sandali, anong nangyari kahapon? Nakulong na ba sila? Ano? Nasaan na ba sila? Si Karylle nasaan na diba natalo na natin sila"

"Vice..." Umiiyak na tugon ni Coleen

"Oh bakit ba kayo umiiyak? Buhay naman ako ah" Natatawa kong sabi sa kanila.

Dumating naman ang apat kong kapatid at natanaw ko sina Jim, Jacob at Lei kaso nanatili sila sa labas

"Oh nandyan na pala kayo" Bati ko sa apat. Umiiyak din sila.

"Ano ba talagang nangyayari? Bakit kayo umiiyak?" Naguguluhan kong tanong.

"Kuya huwag kang mabibigla" Umiiyak na tugon ni Jane

"Bakit ano bang sasabihin niyo?"

"May naaalala ka ba kahapon?" Tanong naman ni Anne

"Kahapon? Ang natatandaan ko lang sumuko na si Yael tapos biglang may makapal na usok na lumabas" Paliwanag ko

"Tama at dahil sa smoke na yon, nawalan tayong lahat ng malay pero don't worry Kuya okay na tayong lahat dito. Ikaw na lang naman ang hinihintay namin eh" Paliwanag ni Xyriel

"At tsaka nakakulong na sila" Malungkot na tugon ni Jellah

"Oh nakakulong na naman pala sila eh? Anong nakakalungkot dun?" Tanong ko sa kanila.

"Vice... Sumuko na silang lima" Sabi naman ni Anne

"Oh edi maganda yun! Wala na tayong poproblemahin. Bakit ba kayo umiiyak nakatakas ba sila?" Pagbibiro kong sabi

"Sumuko na sina Neil, Cleo, Liana, Niah....... at ni Fiona" sabi ni Coleen

Nawala ang ngiti ko sa narinig.

"Nasaan si Yael?" Tanong ko

"Kuya nakatakas siya" Pigil luhang tugon ni Jellah

"Nakatakas?! Teka nasaan si Karylle? Nasa kabilang kwarto ba siya? Delikado pa rin tayo ngayon! Huy magsalita naman kayo" Umiiyak na pala ako.

"Wa---la....wala si Karylle"

Napatigil ako sa sinabi ni Coleen

"Kinuha siya ni Yael noong may lumabas na usok"

Tuluyan ng lumabas ang aking mga luha na para bang isang gripo.

"Sorry Kuya hindi namin siya nailigtas, nawalan na rin kami ng malay noon. Sorry talaga" Umiiyak na tugon ng apat kong kapatid.

In Love Ako Sa'yo || ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon