Nakakamiss Ka Pala

204 2 0
                                    


Continuation...

Maagang nagising si Karylle dahil sa tili ng kanyang mga kapatid at ni...Coleen. Naligo na muna sya at nagbihis bago tuluyang bumaba para samahan ang tatlo.

"Good morning, Karylle. Ang daya mo di mo naman sinabi na nagkita na pala kayo ni JM ehhh" kilig na kilig na sabi ni Coleen kay Karylle

"Saan ka ba kasi nagpunta at di ka na bumalik?" tanong naman ni Karylle

"Eh syempre tinulungan namin si Mr. Yael. Ikaw bakit ka ba di sumunod?"

"Masakit na ang paa ko kaya di na ako sumama"

"Sus, pero okay na din naman yun at least diba nagkita na kayo ehhh" sigaw na naman ni Coleen

"Ewan ko sayo tapos di ka na bumalik yan tuloy nakakahiya kay Vice dinala na ako sa office nya, pinahiram pa ng cellphone at inihatid nya pa ako samin."

"Pasalamat ka na nga lang sakin, dahil kung di ako humingi ng tulong, at kung di ako nawala edi sana di mo nakilala si Vice idagdag mo pa yung cellphone kong pasira-sira kasi dahil dun di agad tayo nakalabas sa meeting room basta ehhh kakilig pero sayang di ko nakita, tsk"

"May point ka naman dun at tsaka yung nakabunggo ko nung party, sya pala yun" halata sa mukha ni Karylle na kinikilig na kaya inaasar na siya ng tatlo

"Diba? Thank you ka na lang din kay Liana at sakin kasi nagkakilala kayo noon. Pero di ko din nakita yun, bad trip naman oh" sabi ni Coleen na natatawa

"Tara na nga Coleen, diba ngayon na yung balik ni Maam Liana? So, tara na at baka malate na tayo" pag-aaya ni Karylle

"Teka nasan na ba sina Jugs at Ryan?" dagdag pa ulit nito

"Ayun, pina-una ko na" sabi naman ni Coleen

Sakto namang pagdating nina Karylle at Coleen ay sya ding dating ni Liana

"Good Morning, Maam" bati ng dalawa

"Welcome back po" dagdag ni Karylle

"Good Morning din, so kamusta yung meeting kahapon?"

"Maam, sobrang saya po kasi nagbrownt out tapos tinulungan namin si Mr. Yael dahil naiipit ang paa nya at jusko Maam nangyari na nga yung pinakahihintay nating lahat nagkita na sina asdfghjkll" naputol sa pagsasalita si Coleen dahil tinakpan na ni Karylle ang kanyang bibig

"Ah, Maam wag nyo po syang intindihin. Ayos naman po yung naging meeting" sabi ni Karylle

"Ah, okay. By the way, Coleen sino yung sinasabi mong nagkita na?" parang walang alam na tanong ni Liana sa dalawa

"Si ano po ah, si JM at Karylle"  alinlangan na sagot ni Coleen dahil tinititigan na sya ni Karylle

"Ah talaga? Nagkita na kayo ni Vice? So namiss nyo siguro yung isat isa kasi diba ang tagal nyo ng di nagkikita? Hays, those old times tandang-tanda ko pa nung mga elementary pa tayo." Liana said

"Talaga Maam, ang sweet ba nila?" tanong naman ni Coleen

"Coleen naman nakakahiya kay Maam" sabi ni Karylle

"Ay Karylle wag ka ng mahiya para namang wala tayong pinagsamahan diba? Naging magkaibigan naman tayo kaya okay lang yun" sabi naman ni Liana

"Hehe, sige po Maam punta na po kami sa office namin"sabi ni Coleen. Nag-uusap kasi sila sa may tapat ng elevator

"Okay, tatawagin ko na lang kayo kapag may kailangan kayong ayusin o may kailangan akong ipagawa sa inyo" sabay punta na ni Liana sa kanyang office.

Samantala sa VGBC...

"So, tatawagan mo na ba sya?" Jane asked

"Wag na muna baka busy pa sya sa trabaho nya" sabi ni Vice

In Love Ako Sa'yo || ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon