Ang pagpapatuloy...Agad silang nagtungo sa kwarto at nagulat naman ang dalawa sa nakita...
"Billy, Vhong kailangan ko ng tulong niyo" Seryosong tugon ni Vice.
..
.
"Si--sigurado ka na ba talaga?" Nag-aalalang tugon ni Billy
"Baka mapagalitan kami nung apat lalo na nung dalawa kapag nalaman nila 'to" Sabi naman ni Vhong
"Next month pa naman yun. Tulungan niyo muna ako" Seryso pa ring tugon ni Vice. Maayos na ang hitsura nito ngayon.
"Mabuti naman at nakapag-isip isip ka na pero hindi ko talaga alam kung tama yang desisyon mo" Alangang tugon ni Billy
"Billy, Vhong... Buo na ang desisyon ko. Pinapakawalan ko na siya" Nakangiting tugon ni Vice
Tanging tango at ngiti lang naman ang isinukli nina Billy at Vhong
"Pwede ba huwag niyo muna sabihin sa kanila? Atin-atin muna 'to please" Pakiusap ni Vice
"Oo naman... Atin-atin muna 'to sa ngayon pero kailangan din nating sabihin ito sa kanila" Sabi ni Vhong.
"Kilala naman natin yung anim na yon lahat sila mag-aalala sa'yo" Sabi ni Billy.
"Tama naman yung desisyon ko 'no?" Tanong ni Vice
"Ano ba sa tingin mo?" Sabay pang tugon nina Billy at Vhong.
"Okay na naman ako ngayon... Siguro, tama na nga 'tong dedisyon ko" Seryosong tugon ni Vice
Matapos ang isang napakahabang biyahe...
Sa dating bahay muna ng pamilya Viceral sila nanirahan.
"Grabe naman ang laki pala ng bahay niyo dito" Manghang tugon ni Coleen
"Mga Ate at Kuya kayo na ang bahala kung saang kwarto kayo matutulog. Magpahinga na rin po kayo sige po good night po" Sabi ni Jane
"Sige good night din"
Kinabukasan....
Nanatiling magkakasama sina Anne, Coleen at Jim habang nagtatanong-tanong sa mga tao..
"Have you seen her?" Tanong ni Anne sa bawat taong makikita niya
"No"
"Uhm no"
"Sorry i didn't know her"
Tanging sagot ng mga tao.
"Did you see her?" Tanong naman ni Coleen
"No, im sorry"
"No"
"Hmm no"
"Can I ask you a question?" Kinakabahang tugon naman ni Jim sa isang babae
"Oh sure"
"Uhm, nakita--- sorry it's english pala you are an englisher pala...okay uhm, paano ba 'to?" Kinakabahan pa ring tugon ni Jim
"You know what, you're wasting my time!"
"Wait! Wait! I know, I know the translation... Do you saw her?" Confident na tugon ni Jim at ipinakita ang picture ni Karylle
"No and just so you know your grammar is wrong"
At agad na lumisan ang babae
"Huy bakit ka umiiyak?" Tanong naman ni Anne kay Jim
BINABASA MO ANG
In Love Ako Sa'yo || ViceRylle
FanficDalawang mag best friends na nagkakacrush sa isa't-isa pero ayaw aminin. Nagkahiwalay. Magkikita pa kaya sila? Magkaka-aminan na ba? ABANGAN... •In Love Ako Sa'yo ♥• This is the CONTINUATION of ILASY