Pagpapatuloy...
Isang buwan...
Wala ng C.L.Y.N.N na nagpaparamdam...
Patuloy pa ding nag-iimbistiga ang tito nina Vice...
Patuloy pa din ang panliligaw ni Vice kay Karylle...
Patuloy pa din sa pagship ng ViceRylle ang magkakaibigan...Kasalukuyang nasa meeting ng VGBC ang lahat ng empleyado.
"Good News... Dahil ang VGBC pa rin ang nangunguna sa lahat ng kompanya sa Pilipinas" masayang sabi ni Vice
Agad namang nagpalakpakan ang mga empleyado at natuwa sa sinabi
"At dahil dyan, isa pang good news.. Madadagdagan ang sweldo niyo"
"Yessss"
"Yehey may pang shopping na ulit ako"
"Thanks, Sir Vice"
Tanging sabi ng mga empleyado.
Pagkatapos ng meeting...
"Di na ba siya nagpaparamdam?" tanong ni Vice kay Karylle. Kasalukuyan silang nasa office nina Karylle at Coleen
"Grabe naman sa nagpaparamdam, ano yan multo?" natatawang sabi ni Coleen
"Hindi na, isang buwan na din ang nakakalipas" sagot ni Karylle
"Mabuti na lang at tumigil na yang CLYNN na yan." sabi ulit ni Coleen
"Ah mabuti naman" sabi ni Vice.
"Ayieee so, tuloy-tuloy na talaga ang ligawan stage nyo" kilig na kilig na sabi ni Coleen
"Oo naman" tumabi naman si Vice kay Karylle at inakbayan ito.
"Vice naman" bulong ni Karylle kay Vice
"Alelelele Ana Karylle pabulong-bulong ka pa kay Vice ah. Kilig ka naman" sabi pa ni Coleen
"Ito kasi, ang harot harot" kinurot pa ni Karylle ang tagiliran ni Vice
"Wow, Karylle ah... Parang hindi ka din maharot ah" kinurot naman ni Vice ang pisngi ni Karylle
"Mas maharot ka" sabi ni Karylle
"Mas ikaw talaga eh"
"Ikawwwww"
"Ikawwwww kaya" inilapit naman ni Vice ang mukha niya kay Karylle na ikinatahimik naman nito
"Ay ViceRylle" sabi ni Anne. Kapapasok lang kasi nito sa office
"Ah, guys... Maawa naman kayo sa amin ni Anne. Parehas kayong maharot sobra, pero respeto naman nakakainggit kayo eh duh single pa kaya kami. At tsaka kung di kayo makakapaghintay sabihin nyo lang kasi ako talaga ang mag-aadjust" pagdadrama ni Coleen
"Sorry, sorry" naglayo na ng mukha ang dalawa
"Ang pula mo, girl" puna ni Anne kay Karylle
"Isa ka pa" dagdag pa nito habang itinuturo si Vice
"Bakit ka ba nandito?" tanong naman ni Vice kay Anne
"Bumisita lang, duh di ka na nasanay"
"Hay nako Anne, tara na nga. Maghaharutan pa yata yung dalawa eh" pag-aaya ni Coleen
"Huy, huy... Balik na kayo sa trabaho. Sige na, aalis na ako at madami pa din akong aasikasuhin" pagpapa-alam ni Vice sa tatlo
"Hays buti naman" bulong ni Anne
"Oh Anne, may chika ka ba dyan?" tanong naman agad ni Coleen
"Wala naman. Ikaw meron ka ba? Kasi ikaw ang daily source ko ng mga tsismis eh. Alam mo Coleen first impression ko pa naman sayo napakatahimik mo, pero ngayon lahat yata ng chismis alam mo" natatawang sabi ni Anne
BINABASA MO ANG
In Love Ako Sa'yo || ViceRylle
FanfictionDalawang mag best friends na nagkakacrush sa isa't-isa pero ayaw aminin. Nagkahiwalay. Magkikita pa kaya sila? Magkaka-aminan na ba? ABANGAN... •In Love Ako Sa'yo ♥• This is the CONTINUATION of ILASY