Baliktanaw...
Karylle's POV
Nandito ako sa isang lugar........lugar na kung saan lagi kong pinupuntahan tuwing masaya, malungkot at nasasaktan ako. Maganda kasi dito ang tanawin idagdag pa ang sarap na nararamdaman ko sa simoy ng hangin. Ilang buwan na din ang nakakaraan mula noong umalis ang taong nagdala sa akin dito. Oo, kinidnap niya ako noon sa Cebu, oo dinala niya ako sa Palawan, sunod ay dito sa America. Akala ko nga matatapos na ang buhay ko dito eh mabuti na lang... Mabuti na lang nailigtas ako ng dalawang tao na ngayon ay kaibigan ko na din. Sila ay sina Iza at Dingdong. Nagpapasalamat ako sa dalawang yan dahil iniligtas nila ang buhay ko. Nailigtas nila ako sa miserableng buhay na naransan ko kasama si Yael. Nailigtas nila ako pero si Yael naman ay nakatakas. Pero nabalitaan ko din na bumalik siya sa Pilipinas kaya nanatili muna ako dito sa America dahil nandito na naman ang mga bago kong kaibigan, ang mga bago kong kasama sa lahat ng pinagdaanan kong problema. Habang nag-iisip ako bigla akong napatingin sa isang gilid. Mayroong isang lalaki at isang babaeng magkasama. Araw ngayon ng Pebrero, malamang madaming magjowa ngayon dito. Pero iba eh, may iba akong nararamdaman sa kanilang dalawa. Ang weird.
Itinuloy ko lang ang pagsusulat ko sa notebook ko nang biglang napansin kong dumaan sila sa harapan ko. Nagtataka na talaga ako kaya naisipan kong sundan sila. Tanging likod lang nila ang natatanaw ko. Dahan-dahan ko silang sinusundan para hindi nila ako mahalata. Hindi ko din alam kung bakit ko 'to ginagawa pero sige go lang, nadala lang ng curiousity.
"Pinky's Bar" Pagbabasa ko sa nakalagay na karatula sa harap.
Nagdalawang isip pa ako kung papasok ako o hindi........
"Ano namang gagawin ko sa loob? At tsaka baka namamalikmata ka lang? Sure ka ba talaga Karylle? Papasok o hindi? Hala ang dami na yatang tao" Sabi ko sa aking sarili....
Bago ako pumasok may isang mahalagang bagay muna akong ginawa. Delikado na baka kung ano pa ang mangyari sa akin dito.
"Okay Ana Karylle..... One, two, three...." At binuksan ko na ang pinto. Madami akong nakikitang magjowa ngayon lalo na't Valentines Day kaya hinayaan ko na lang. Medyo masikip na din ang lugar kaya inilabas ko na ang stalking powers ko para mahanap yung hinahanap ko. Nilibot ko pa ang buong lugar. Kung sino man yung hinahanap ko, magpasalamat ka kasi nagbigay ako ng effort para hanapin ka kahit na di ko alam kung bakit kita hinahanap. Lingon dito, lingon doon. Mukhang wala naman sila dito ah........................................................... Ay joke! Ito yata sila! Hmmm ang dilim kasi ngayon dito ito naman kasing operator ayaw makisama sa akin! Habang palapit ako sa kanila, bigla namang nagbago ang tugtog at naging sweet yung tugtog. Wow naman mahiya naman kayo sa mga single dito. Joke, hindi na nga pala ako single hays namimiss ko na si Vice...........
"Mahal din kita" Rinig kong tugon ng babaeng nasa likuran ko. Ay Pilipino din sila. Akmang lilingunin ko sila nang biglang nagbukas ang ilaw. Aray biglang sumakit yung mata ko kaya napapikit muna ako.......... Wait, wait ayun! Tumalikod na ako para tingnan yung babae.Awww sweet naman nila, magkayakap pa habang nagsasayaw.
Teka...
"Jeny......." Tugon ng isang lalaki.
PAK!
Nagulat din ako sa ginawa ko.... Pero mas nagulat ako sa nakita ko....
Agad akong lumayo at tumakbo. Delikado na baka masundan pa ako. Bumalik ako sa upuang kinauupuan ko sa park. Yun pa din yung way ng pag-upo ko, yun pa din ang hitsura ng tanawin, yun pa din ang simoy ng hangin pero hindi...... hindi ako masaya ngayon. May luhang nagbabadya sa mga mata ko ngayon.
"Wag ka ngang ganyan! Wag kang umiyak!" Sigaw ko sa sarili ko.
Sinubukan kong buklatin ang notebook ko para basahin ang isa sa mga bible verse na nagpapagaan ng loob ko tuwing umiiyak ako.
BINABASA MO ANG
In Love Ako Sa'yo || ViceRylle
FanfictionDalawang mag best friends na nagkakacrush sa isa't-isa pero ayaw aminin. Nagkahiwalay. Magkikita pa kaya sila? Magkaka-aminan na ba? ABANGAN... •In Love Ako Sa'yo ♥• This is the CONTINUATION of ILASY