Author:
Hi guys! 🙈 nag-ud si ako. Wala lang ahaha geh enjoy ♥"Ano?" sabay sabay na sabi ng lahat.
"Si---si Mr. Yael?! Wow parang kailan lang tinulungan natin siya nung nag meeting sa VGBC" sabi naman ni Coleen.
"Oo nga 'no! Pero bakit naman niya gagawin yun?" sabi naman ni Karylle.
"Baka may gusto sayo yun" sabi naman ni Anne
"Kalma lang muna mga iha at iho, ganito at sasabihin ko sa inyo ang mga posibleng dahilan kung bakit nila ginagawa ito" sabi ng tito nila
"Si Cleo Neil Alday, isa sa mga empleyado ni Mr. Yael sa YBC at isa sa mga matatalik na kaibigan ni Mr. Yael. Six years na silang magkaibigan. At base sa aking research elementary pa lang si Cleo ay talagang pasaway,makulit at matigas ang ulo. Maraming estudyante ang galit sa kanya noon pero nagkaroon pa rin siya ng mga kaibigan lalo na nung tinulungan ni Karylle na baguhin ang ugali niya. Alam nyo na naman siguro na may pagtingin si Cleo kay Karylle. Magtagal siyang nawala at di na nagpakita sa inyo hindi ba?"
"Opo, last na po yata noong elementary" sabi naman ni Lei
"Kaya hindi siya nagpakita dahil pinaghahandaan na niya ang plano na makuha si Karylle kay Vice. Oo, sayo Vice kasi ikaw ang bff ni Karylle at katulad ngayon ikaw ang magiging boyfriend nya--"
"Oops ViceRylle wag na kayong tatanggi dahil dyan na din naman kayo papunta" pang-aasar ni Anne
"Masyadong malakas ang tama ni Cleo sayo Karylle kaya mag-iingat ka. Lalo na't kakampi pa nila sina Mr.Yael, isa yan sa may pinakamayaman na tao sa Pilipinas baka kung ano na ang mangyari sayo kapag lumabas ka ng mag-isa kaya ang payo ko sa inyong lahat ay kung may pupuntahan man kayo siguraduhin nyong may mga kasama kayong bantay"
"Ms. Liana Serdomez, ang isa sa mga naiinis kay Karylle noong elementary. Ginagawa nila ito ni Niah Bugdemay para makuha sayo si Vice. Alam nyo naman siguro na may gusto sya sayo Vice? Kasi elementary at high school pa lang ay nagpaparamdam na sila ng kanilang mga nadarama sayo"
"Si Mr. Neil Chua ay isa sa mga kaibigan din ni Mr. Yael. At ito ay tanging utusan lamang nina Cleo, Yael, Liana at Niah."
"At si Mr. Yael Yuzon naman, ay may lihim na pagtingin kay Karylle. Simula ng makilala niya si Cleo ay nakapag plano na agad sila sa maaari nilang gawin sa magiging kaagaw nila sayo *sabay turo kay Karylle* ang gusto lamang nilang gawin ay makuha ka kay Vice"
"Grabe naman kayo ViceRylle, ang daming nagkakagusto sa inyo ah." sabi naman ni Billy
"At ang nakakatakot dyan, mukhang mga baliw pa yata dahil patay patay sila kay Karylle at Vice" sabi naman ni Vhong
"Paano yan guys, nadadamay na kayo sa mga nangyayari?" nag-aalalang tanong ni Karylle
"Jusko, Karylle okay lang. Basta sama-sama nating haharapin yang mga suspek na yan" sabi naman ni Coleen
"Naku, nanggigigil talaga ako sa mga yan eh" sabi naman ni Jellah
"Hay nako inggit lang ang mga yan. Ang perfect kasi ng ViceRylle eh" sabi naman ni France
"Thank You po sa mga impormasyon, Tito" sabi naman ni Vice
"Walang anuman. Basta gagawin ko ang lahat para imbestigahin pa sila para madami tayong malaman tungkol sa kanila. Sige aalis na ako. Mag-iingat kayong lahat"
"Mag-iingat din po kayo" paalam nila.
"Paano kaya kung dito na po muna kayo tumira para masiguro po namin na ligtas kayo" suggestion ni Jane
BINABASA MO ANG
In Love Ako Sa'yo || ViceRylle
FanfictionDalawang mag best friends na nagkakacrush sa isa't-isa pero ayaw aminin. Nagkahiwalay. Magkikita pa kaya sila? Magkaka-aminan na ba? ABANGAN... •In Love Ako Sa'yo ♥• This is the CONTINUATION of ILASY