Continuation....
Isang araw habang nagtatrabaho si Karylle sa kanyang opisina.....
"Oh, Jugs bakit nandito ka?" nagtatakang tanong ni Karylle. Napansin kasi nila na parang may pumasok sa pinto
"Wow, Karylle ha ikaw na talaga. Grabe naman si Sir Vice ang lapit lang ng office nya may pa flowers pa syang ibinibigay" sabi naman ni Coleen
"Actually guys hindi si Sir Vice yung may bigay nito" sabi ni Jugs habang inilalapag sa lamesa ni Karylle ang isang boquet ng red roses
"Kanino daw?" sabi ni Karylle
"Nakita namin ng security guard sa labas ng VGBC, eh wala namang nakalagay kung kanino galing pero nakalagay dun yung pangalan mo kaya ibinigay ko na" pagpapaliwanag ni Jugs
"Teka, diba nangyari na 'to dati? Yung bago tayo umattend sa meeting" sabi ni Coleen
"Oo nga 'no" pagsang-ayon ni Karylle sa kaibigan
"Oh sige, aalis na ako. Dahil marami pa akong gagawin sige guys" pagpapa-alam ni Jugs
Napaisip naman kaagad si Karylle. Kaya ng makakita sya ng card ay agad nyang binuksan ito.
To:Karylle
Hello! Thank You nga pala ulit! Dahil nagkita na tayo pero sayang parang di mo naman ako nakita eh haha. This is for You, my darling.''Hindi nga talaga si Sir Vice yan, mukhang stalker mo yata yan eh. Wala ka bang natatandaan na parang nagkakagusto sayo or may crush sayo noon?" tanong ni Coleen
"Wala naman" kampanteng sagot ni Karylle
"Oh ano yan?!" Nagulat naman sina Coleen at Karylle ng makitang pumasok na pala si Vice
"Good Morning, Sir" bati ng dalawa
"Good Morning din. Ang aga naman yata nyan? Bakit may bulaklak dyan sa lamesa? San galing yan, K?" tanong ni Vice
"Dinala sakin ni Jugs to dahil nakita nya daw sa labas ng VGBC. Nakapangalan naman sakin pero walang nakalagay kung kanino nanggaling kaya nga ang weird eh" pagpapaliwanag ni Karylle
"Ha? Secret Admirer? " tanong ni Vice
"Siguro, Sir. Kasi naman ang ganda kaya ni Karylle kaya di nakakapagtaka kung may secret admirer yan" biglang singit naman ni Coleen
"Dati pa yan eh. Yung una pa nga isang mamahaling damit tapos ang sunod ay bulaklak din. Mayaman siguro yun" dagdag pa ni Coleen. Hinuhuli kasi ni Coleen kung si Vice ba ang nagpapadala ng mga gamit kay Karylle
"Ah, so how to be you po Ms. Ana Karylle?" pabaklang tugon ni Vice
"Kayong dalawa talaga ang kukulit nyo" sabi naman ni Karylle
"Pero sino kaya yun?" tanong ni Coleen
"Mabuti pa wag na nating isipin kung sino man yun. Malay natin magpakilala na sya" sabi naman ni Vice na lalong ipinagtaka ni Coleen
"O sige, babush muna" sabi ulit ni Vice bago tuluyang umalis sa opisina nina Karylle
"Karylle sa tingin ko 35% na si Sir Vice yun at 65% na hindi." sabi ni Coleen
"Ikaw ha kanina pa kitang napapansin dyan kung makatitig ka kay Sir kanina parang kulang nalang eh matunaw sya" sabi ni Karylle
"Hay Karylle, wag ka ng magselos. Kaya ko lang naman si tinititigan, eh para malaman ko at makilatis kung sya ba yung nagpapadala ng mga 'yan. Ito naman selosa masyado, alam ko namang sayong-sayo na si Sir at akin naman si Billy ay joke" natatawang sabi ni Coleen
BINABASA MO ANG
In Love Ako Sa'yo || ViceRylle
FanfictionDalawang mag best friends na nagkakacrush sa isa't-isa pero ayaw aminin. Nagkahiwalay. Magkikita pa kaya sila? Magkaka-aminan na ba? ABANGAN... •In Love Ako Sa'yo ♥• This is the CONTINUATION of ILASY