Hello

107 1 4
                                    


"Ouch!" Sabay na tugon ng babae at ng isang lalaki.

Nahulog naman ang mga pinamili ng babae at agad naman itong tinulungan ng lalaki. Kapwa sabay nilang nililimot ang nalaglag na pinamili ng babae ng biglang nagtama ang kanilang mga kamay, kasabay ng pagtama ng kanilang mga mata...

Isa, dalawa, tatlong segundo ang nakalipas ngunit wala ni isa sa kanila ang nais magsalita...





"K--Karylle?" Tugon ng lalaki

Nawala sa pagkakatulala si Karylle sa narinig.

"Uhm, do i know you?" Kunot noong tanong ng babae

Akamang sasagot ang lalaki ng biglang bumuhos ang malakas na ulan...

"Ay nako, nakalimutan ko yung payong ko" Bulong ng babae

"Here, take this" Inabot ng lalaki ang payong niya at agad na itong tumakbo

"Huy teka, edi wala kang payong?" Pasigaw na tanong ng babae ngunit hindi na siya narinig ng lalaki

"Hay nako bahala na siya, makaalis na nga dito" Tugon ng babae at agad na siyang nagtungo sa kanyang pupuntahan...
























Karylle's POV

"Sorry, I'm late" Tugon ko at dali-dali akong pumasok sa loob.

"Sige na sige na... Mag-ayos ka na dun" Utos sa akin ng kaibigan kong si Iza

"Sorry talaga" At nagtungo na ako sa kusina. 2 months na akong nagtatrabaho dito sa coffee shop na pagmamay-ari ni Iza na kaibigan ko na rin. Sobrang laki ng utang na loob ko sa kanya simula ng mapadpad ako dito sa America.

"One i love you for table number 4" Sigaw ni Iza sa amin.

Ganun talaga ang pangalan ng mga orders dito kaya minsan natatawa na din ako lalo na kapag nandito na yung kapatid ni Iza na ang lakas mang-asar sa amin lalo na sa akin.

"Daniel, table number 4 daw" Tugon ko sa kanya. Siya kasi ang taga serve ng mga orders.

"Isang hello for table number 6"

Hmm mukhang alam ko na kung kanino ito...

Agad kong hinanda ang order niya ako na din ang nag serve.

"One hello for table number 6! Here's your order" Nakangiti kong tugon.

"Alam mo talagang ako yung umorder ah" Natatawa niyang tugon sa akin. Umupo naman ako sa bakanteng upuan sa harap niya. Tutal kokonti naman ang customer kaya makikipag-usap muna ako sa kanya.

"How's your day?"

"Ganun pa din, wala namang pinagbago"

"Well, alam kong malungkot ka pa rin pero para mas gumaan yang pakiramdam mo gusto kong sabihin na ang sarap nung timpla mo"

"Tse! Araw-araw yan ang order mo, di ka na ba nagsasawa?" Natatawa kong tugon.

"Basta ikaw ang gumawa, hindi ko pagsasawaan"

"Ayan ka na naman! Bahala ka na nga dyan" Akmang tatayo na ako ng pigilan niya ako

"Teka lang naman di pa tayo tapos mag-usap eh"

"Alam mo kung hindi ka lang kapatid ni Iza..."

"Sus! Alam ko namang gustong-gusto mo akong kausap eh" Confident pa nyang tugon.

"Wow ah"

"Pero seryoso, ang sarap nung timpla mo. Mukhang may makakatalo na sa timpla ni Iza"

In Love Ako Sa'yo || ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon