Ligaw

140 5 0
                                    


Isang buwan na rin ang nakakalipas.......... tumigil na din ang 'secret admirer' ni Karylle. Naging mas close na din silang lahat halos araw-araw nga ay bumibisita sina Vice sa bahay nina Karylle.

"Karylle ah, paano ba pag nanligaw sa'yo si Vice?" tanong ni Coleen. Kasalukuyan silang nanonood ng tv.

"Ha? Alam mo namang hinding-hindi mangyayari yun 'no"

"Asus. Eh paano nga pag nangyari?" tanong ulit ni Coleen

"Di nga yun mangyayari eh"

"Sige na Karylle kunwari lang naman eh"

"Ang ganda nung movie" blankong sagot ni Karylle habang kumakain ng popcorn

"Umiiwas ka na naman. O sige, ikaw din ang bahala" may sinserong ngiti na sabi ni Coleen kay Karylle.

"Teka, bakit kaya nawala na yung secret admirer mo?" tanong ulit ni Coleen

"Ewan ko. At tsaka buti nga nawala na yun."

"Yung nasa CCTV diba si Neil yung isa dun? Ano sasabihin ba natin kay Maam Liana?" tanong ni Coleen

"Wag na. Baka makagulo pa tayo sa relasyon nung dalawa"

"Okay" tanging sambit ni Coleen.

Isang oras na ang nakakaraan ng may biglang kumatok sa bahay nina Karylle agad nitong binuksan ang pinto at ito pala ay sina.....

"Hi Ate K at Ate Coleen" sabay na sabi nina Jellah at Jane

"Hi Girls" sabi naman ni Anne

"Hi! Pasok kayo" sabi ni Karylle habang niyakap ang mga bisita

"Bakit nga pala kayo naparito?" tanong ni Coleen

"Bakit masama ba?" sabi naman ni Anne

"Di naman sa ganun, pero nakakapagtaka kasi kulang kayo" sabi ulit ni Coleen

"Oo nga nasan si Vice?" tanong ni Karylle

"Talagang si Kuya lang ang hinanap mo ah" pang-aasar ni Jellah

"Ayieee, si Karylle namimiss si BFF nya" pang-aasar ni Coleen

"Hay nako talaga oh" sabi ni Karylle

"By the way, Ate K. Here, read it" sabi ni Jane

Isa itong invitation...

"Birthday pala ni France?" agad na sabi ni Coleen

"Oo, kaya invited kayo. Para sure na makakapunta kayo syempre nandito kami para sunduin kayo at kaya na din kami kulang kasi busy pa sila sa paparty ni France" paliwanag ni Anne.

"So mga Ate magbihis na po kayo at ito po ang mga isusuot nyo"sabi ni Jellah sabay abot ng mga boxes.

"Isusuot? Di ba pwedeng--" naputol sa pagsasalita si Karylle dahil kay Anne

"Ops, Karylle isuot mo na lang yan wala ng pero-pero at reklamo" sabi ni Anne sa kaibigan

"Ehhh, I'm so excited" sigaw ni Coleen na tila kinikilig. Agad naman syang nagtungo sa kwarto nina Coco at Zia para magbihis at mag-ayos

Mabilis namang natapos sa pagbibihis si Coleen. Napatigil sa pag-uusap sina Jellah at Jane dahil sa hitsura nina Coleen at Karylle lalo pa silang gumanda sa kanilang mga kasuotan lalo na sa kanilang make-up na inilagay ni Anne.

"Ladies, may I present to you... Coleen Garcia and Ana Karylle Tatlonghari. Hair and Make-Up by Yours Truly" masiglang pag-iintro ni Anne sa kaibigan.

"Wow ang gaganda nyo po" sabay na sabi nina Jellah at Jane

"Thank You" sabay naman na sabi nina Coleen at Karylle

In Love Ako Sa'yo || ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon